"Mahal na mahal Kita"
ni Platito Penitente
Sa tuwing umaga Ika'y aking kausap
Maging sa pagtulog, nais Kang mayakap
Ang pagmamahal Mo sa akin ay nais laging malasap
Ika'y laging itataas hanggang mundo ay mawasak.
Sa tuwing may problema laging Kang nasa tabi ko
Kahit sa oras ng delubyo ay panay ang pag-alalay Mo
Alam kong bilyon-bilyong tao ang kausap Mo,
Pero Ikaw ay agad lumilingon kahit isang tawag ko lang sa pangalan Mo.
Iniba Mo ang sistema ng buhay ko
Lakas ko ay lagi Mong binabago
Noong nakilala ko ang kabaitan Mo,
Mga kahilingan ko ay mabilis Mong ibinabato.
Lagi mo akong pinagbibigyan,
Kahit panay ang paggawa ko ng mga kasalanan
Hindi lagi sinusunod lahat ng iyong kautasan,
Pero bakit nagagawa mo parin akong samahan?
Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko,
Lalo na ang mga kasamaang nagawa ko sa ibabaw nitong mundo
Ang sugatan at nagdurugo kong puso,
Nawa'y tanggalin Mo at palitan ng bago.
Isa Ka sa dahilan bakit ako nabubuhay ng payapa
Laging masaya at walang iniisip na problema
Hanggang sa malagutan ako ng hininga,
Sasabihin ko parin na "Mahal na mahal Kita,"
;
August 15, 2017
10:01 PM
Platito Penitente
![](https://img.wattpad.com/cover/112639257-288-k414835.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula Ni Tanga
PoetryPuro katangahan ang mga nakasulat na tula rito.Kapag hindi mo nakuha, hindi ka tanga.Hahaha.Biro lang.