Patawad Sorry

23 0 0
                                    

Patawad, dahil nawala ako sa tabi mo
Patawad, dahil masyado akong naging mapagmataas sa iyo
Patawad, dahil walang kwenta ang naging dahilan ko
Patawad, dahil hindi man lang ako makalingon sa iyo.

Patawarin mo ako,  dahil nagustuhan ko ang tulad mo
Patawarin mo ako, dahil nailang ka sa nararamdaman ko
Patawarin mo ako, dahil minahal kita ng buong puso
Patawarin mo ako, dahil hindi mo ako mahal o gusto.

Sorry, dahil nawalan ka ng isang kaibigan na tulad ko,
Sorry, dahil hindi ko na kayang magkuwento at makipag usap sa iyo
Sorry, dahil hindi na kita inaasar at binibiro
Sorry, dahil hindi na ako ngumingiti o tumatawa sa harapan mo.

Humihingi ako ng paumanhin dahil ako na mismo ang lumayo,
Humihingi ako ng paumanhin,  dahil naging tanga ako pagdating sa iyo,
Humihingi ako ng paumanhin, dahil inakala kong pinaasa mo ako,
Humihingi ako ng paumanhin, dahil nagsayang ako ng panahon para sa buwisit na nararamdaman ko.

Siguro mas mabuti nang ganito ang ating sitwasyon
Ang bawat pandama natin ay wala ng koneksyon
Siguro masayang-masaya ka na tulad ng mga batang nakahawak ng piso,
Ang isang taong panay ang paninira ng araw mo ay nawala na sa isip mo.

Pero kung ano man ang sambitin ko dito,
Dito sa walang kwentang tula na ito
Hindi mo rin alam na para sa iyo ang mga ito,
Itong mga salitang sinasalita ko.

Sa tingin mo isa lamang itong tula na may halong laro,
Isang tula na gawa ng isip at hindi ng puso
Buti nalang agad kong napagtanto sa sarili ko,
Napagtanto ko na malabong maging tayo dahil hindi pala magkasabay ang bawat pintig ng ating mga puso.

Bago ko tapusin ang tulang ito,
Nawa'y sambitin mo ang mga salitang namumuo sa isip mo
Ang karapatdapat na sagot sa taong humihingi ng tawad sa iyo
Katagang magbibigay ng pagbabago sa naghihinagpis niyang puso.

June 25 2017

Mga Tula Ni TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon