Chapter 1

3K 107 6
                                    

"Ano'ng papanoorin natin?" tanong ni Cheryl sa mga kaibigan.

Kasama niya sina Aileen at Shaine. Ilang ang araw na nilang napapansin ni Aileen na malungkot si Shaine magmula ng pumuntang Palawan si Euan, kaya niyaya nila itong kumain sa labas. Mula sa pinag-tatrabahuhan ay naisipan nilang sa Alba Restaurant sa Alabang maghapunan. Dahil maaga pa naman, nagkayayaan na rin sila na manuod ng sine kahit pa weekdays. Isa pa, mas maganda manood ngayon dahil madalang ang tao.

"Love story," ani Aileen.

"Eh di lalong nalungkot 'yan! Kaya nga tayo nadito para libangin s'ya, tapos panunuorin mo pa ng makakaremind sa lalaking namimiss."

"Eh alangan namang horror. Nagbayad tayo ng mahal para lang sindakin ang mga sarili natin? Hindi ko talaga maintindihan 'yon, sa totoo lang," sagot  ni Aileen.

"Ikaw ba, Shaine, anong gusto mo?" tanong niya sa kaibigan.

"Bahala na kayo, 'wag lang horror, kahit ano na d'yan sa palabas," sagot naman nito.

"Ki-tams!" ani Aileen. "Kaysa mag-aksaya ka ng pera sa pelikulang sasakit lang ang dibdib mo sa takot at gulat, e di dun ka na sa kikiligin at masisiyahan ka. Halika na, manood na lang tayo ng kahit anong pelikula na love story ang tema," anito ang naglakad na papunta sa bilihan ng ticket.

Si Aileen na ang bumili ng ticket habang sila ni Shaine ang bumili ng popcorn at softdrinks.

"Lakas makabata ng palabas, puro bagets ang kasama natin dito," ani Aileen. Totoo naman, dahil karamihan ay teenager ang kasabay nila panood.

"Alam kaya ng mga nanay nila na 'yong pambaon sa school, e ginawang pang-date lang ng mga batang 'yan?" komento ni Shaine.

"Bitter! Wala lang kasing kasamang jowaers," natatawang sagot ni Aileen.

"Oy, Aileen, baka nakakalimutan mo, wala ka ring kasamang boyfriend dahil wala ka pa namang boyfriend. Buti ako, meron. Si Shaine, busy lang sa work ang future," sansala niya sa kaibigan.

"Aray naman! Grabe s'ya sakin. Sabi ko nga! Sorry naman," anito na lumingon sa paligid at naghanap ng magandang pwesto na mauupuan. "Doon tayo sa taas, may bakante pang bangko."

"E kung dito sa unahan?" tanong niya.

"Ayaw ko d'yan, nakatingala. Ayaw ko rin sa gitna, puro kwentuhan ng nasa likod at unahan ang maririnig. Sa likod na lang tayo. Bukod sa sweet flick sa screen, manubok na rin tayo sa ibang manunuod, " anito, hindi na inantay ang sagot nila ni Shaine dahil lumakad na ito papunta sa taas.

Matapos makaupo, nag-umpisa na si Aileen sa pag-oobserba sa paligid. Hindi pa nag-uumpisa ang palabas kaya kung ano-ano ang napupuna nito. Pati ang mga walang kamalay-malay na magkakapareha na magkasamang nanonood pinupuna nito.

"Teka, di ba si Mike 'yon?" ani Shaine na may itinuro sa entrance.

Sinundan niya ng tingin ang itinuro ng kaibigan at gan'on na lang ang gulat niya nang makitang si Mike nga. May kasama itong lalaki pero hindi niya kilala.

"Sinabi mo ba na narito tayo?" tanong ni Aileen.

"Hindi. Sinabi ko lang na kakain tayo sa labas, pero hindi ko sinabi kung saan," aniya. Nakita niyang nalingon ang dalawang lalaki at naghahanap ng mauupuan. Tatayo na sana si Cheryl para lapitan ang boyfriend pero hinawakan ni Aileen ang braso niya.

"Wait lang, girl. Indulge me, please," anito.

"Bakit?" tanong niya, maging si Shaine ay napatingin din sa kaibigan nila.

"Matagal ko nang sinabi sa'yo na duda ako sa hasang n'yang boyfriend mo, eh. Palagay ko talaga, berde yan," anito sa seryosong boses.

Napalingon siya sa boyfriend at sa kasama nitong lalaki. Nakaupo na ang mga ito, ika-pitong row sa unahan nila.

My Savory Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon