Chapter 16

1.2K 95 37
                                    

"BAKIT BA NAPAKA UNFAIR mo sa kuya ko?" ani Shaine habang nagreretouch. Palabas na sila ng bangko noon pero dumaan muna sa comfort room. "At wag mong sabihing friendly date lang 'yon. Walang friendly sa paraan ng pagkakatingin niya sa iyo."

"I second the motion," ani Aileen na nagawa pa ring magsalita kahit na naglilipstick.

"At saka kung makikipagdate ka rin lang naman, hindi ba dapat kay Kuya Marson kesa dun sa Macky na 'yon? Nakwento sa akin ni kuya na nakaaway niya iyon dati dahil binastos ka. Tapos ngayon dun ka pa sasama?" nakakunot-noong tanong ni Shaine, halata ang totoong pagtataka sa mga mata nito.

Bumuntong-hininga si Cheryl pero hindi siya sumagot.

"At saka nagtataka nga raw si kuya kung ano ang nangyari kasi bigla ka na lang daw umiwas sa kanya. Bigla ka daw nawala. Tapos hindi ka na daw niya nakontak. At kapag nauwi ka naman at nagkikita kayo, ang treatment mo sa kanya e parang hindi kayo magkakilala. Kung pagbabasehan ang kwento ni kuya, mas may pinagsamahan kayong dalawa kesa dun sa Macky na iyon. Kaya nagtataka ako kung bakit mas accommodating ka pa dun sa isa kesa kay kuya."

Muling napabuntong-hininga si Cheryl. Ayaw sana niyang gawin, pero mukhang kailangan na niyang sabihin ang totoo. Tumitig siya sa repleksyon niya sa salamin.

"At least si Macky umpisa pa lang, kita ko na ang totoong likaw ang bituka. Hindi tulad sa kuya mo na sinaktan lang ako." Ngumiti siya nang mapait bago nilingon si Shaine. "Niligawan ako ng pinsan mo dati. Nasabi ba niya sa iyo?"

Tumango si Shaine.

"Sinabi rin ba niya sa iyo na bukod sa akin ay may nililigawan pa siyang isa pang babae kasabay ko? At sinabi rin ba niya sa iyo na habang seryoso siya sa panliligaw dun sa isa, ako naman ay niligawan niya dahil sa pustahan?"

Umawang ang labi ni Shaine pero wala itong nasabi. Si Aileen naman ay naibagsak sa tiled counter ang lipstick na hawak.

"Eh loko din pala yung kuya mo, Shaine! Maang-maangan? Sikmuraan ko yun next time na magkita kami!" ani Aileen na biglang kumunot ang noo.

"Nasaktan na akong minsan dahil sa pinsan mo. Buti ikaw, hindi involve si Euan sa paglalaro sa feelings mo. Samantalang ako, ako mismo ang nakarining sa mga labi ng pinsan mo ng declaration niya kung gaano kaespesyal si Bianca. Pati nang pag-amin niya na pinagpupustahan lang nila ako."

Ilang segundong walang nagsalita sa kanila. Makalipas ang ilang sandali ay muling nagsalita si Shaine, "Eh bata pa sila kuya noon, nineteen lang yata siya o twenty. Sabi nga ni Euan, nagsisisi siya sa ginawa nila noon na pananakit sa damdamin ng iba. Eh paano kung ganoon din si kuya?"

"Paano kung this time e hindi pa rin pala nasisisi ang pinsan mo?" Ganting tanong niya. "Paano kung ang tingin lang niya sa akin ay unfinished conquest na hindi niya nakuha noon?"

Muling walang naisagot si Shaine. Nakagat lang nito ang labi, pero bakas na sa mukha nito ang pagkaunawa.

"Hindi mo na ba talaga siya bibigyan ng chance? Paano kung this time seryoso na talaga si kuya?"

"Ako naman ang hindi handa. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handang magtiwala ulit sa kanya. At hindi pa rin naman ako handang pumasok sa panibagong relasyon sa ngayon. Nataon lang na talagang makulit si Macky kaya pagbibigyan ko. Pero wala ang second date ito. Lilinawin ko sa kanya yun mamaya."

Napatigil lang sila sa kwentuhan nang may pumasok silang kasamahan sa trabaho. Minadali na ni Cheryl ang pagreretouch.

"Tomorrow morning, jogging tayo. Sa village park na lang ulit tayo magkita-kita. Marami tayong pag-uusapang tatlo," ani Aileen paglabas nila ng comfort room.

My Savory Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now