Chapter 14

1.2K 85 12
                                    

"ANO! HINALIKAN MO!" napatayo si Cheryl sa pagkakaupo. Nagulat siya sa sinabi ni Aileen na hinalikan nito ang kapatid ni Shaine.

Nasa beach house sila nina Aileen sa Mabini, Batangas. Nalaman ni Shaine na pinagpustahan lang pala ito ng barkadahan nila Euan. Narinig ng kaibigan niya ang tungkol doon nang hindi sinasadya. Noong una ay tungkol sa panloloko ni Euan ang topic nila, pero kung paanong napunta sa panghahalik ni Aileen kay Sherwin ay hindi na niya matandaan.

Napailing siya. Iniisip niya kung ano kaya ang mararamdaman ni Marson kapag nalaman nito na ang best friend nito ay ginawa kay Shaine ang larong ginawa rin nito noon sa kanya.
Naawa siya kay Shaine. Alam niyang hindi biro ang pinagdadaanan nito. First love nito si Euan at hindi birong malaman na ang lalaking unang minahal ay siya ring lalaking mananakit nang sobra sa puso nito. Relate siya kay Shaine sa lahat ng aspeto, pero hindi niya masabi rito dahil kakailanganin niyang ikwento ang nakaraan na ayaw na nga niyang balikan.

Pero nalimutan niya ang pakikisimpatya kay Shaine at napaltan iyon nang pagkawindang nang nalaman ang kalokohan ni Aileen.

"Kailan nangyari 'yon?" dumukwang si Cheryl sa harapan ng kaibigan.

"Wala na kayo r'on," makakalokong sagot nito. "Wag n'yong pakialaman ang pagdiskarte ko. 'Yong pagdiskarte ni Marson sa'yo ang gusto kong malaman," anito sa kanya.

Napaupo uli si Cheryl sa bangko at nanulis ang nguso, "Isa pang dakilang pa-fall ang isang iyon, magkaibigan nga sila ni Euan. I will never fall for his charms again. Never again."

Makulit din talaga ito. Kahit na nagawa niya itong iwasan nitong nakaraang mga linggo ay hindi naman siya tinitigilan sa mga text messages. Ilang linggo niyang binalewala ang mga messages nito at kahapon lang niya nireplayan ang lalaki na hindi na bagay sa edad nila ang mga text nito na "Kumain ka na ba?" o kaya ay "Sleep tight. Sweet dream." Sinabihan niya ito na lampas na siya sa edad na mapafall sa mga gano'ng uri ng text. Pero ang reply lang sa kanya ni Marson ay "Yes! Mission accomplished. Nagreply ka na."

"Teka, pakiulit nga, anong again?" ani Aileen, nakataas pa ang kilay nito.

"Wag na nating pag-usapan. Si Shaine ang may problema rito. Broken hearted s'ya ngayon," paiwas na sagot ni Cheryl.

"At ikaw, hindi na? Oy, na-heal na ni Marson. Again and again," nanunuksong sabi ni Aileen.

"Aileen, please," aniya na bakas na ang pakikiusap sa tono. "Pwedeng kay Shaine muna tayo? May revenge plot tayong gagawin, di ba?"

Ipinagpasalamat niya na nalipat na sa kaibigan ang atensyon ni Aileen.
Para malibang si Shaine, makapananghali na sila umuwi sa Sta. Rosa. Matagal na panahon na rin nang huli siyang nakapaligo sa dagat kaya totoong nag-enjoy din siya sa swimming at snorkling na ginawa nila kanina.

Kasabay nilang bumiyahe ang pinsan ni Aileen at nang makitang nakina Shaine si Euan, naisip ni Aileen na pagkunwariin na interesado ang pinsan nito kay Shaine. Pero ang komprontasyong iyon ay muntik nang mauwi sa gulo.

Sinugod ni Marson si Euan nang malaman nito ang tungkol sa pustahan kay Shaine. Naging maagap lang si Cheryl at nayapos kaagad ang binata. Naalala niya kung paano nakipagbuno ang binata noon. Nag-alala siya dahil kita niya ang galit sa mukha ni Marson, at ang taong galit, irrational. Mas malamang na ito pa ang masaktan dahil sa pagsugod sa kaibigan. At concern siya para kay Marson. Kahit gusto rin niyang makaganti kay Euan dahil sa ginawa sa kaibigan, naniniwala siyang hindi dapat sa pisikal na paraan.

"Bitiwan mo ako, Che, ayaw kong masaktan ka," anito. Ramdam niya sa katawan nito ang labis na tensyon at ang pinipigil na galit.

"Umalis ka na, Euan," ani Shaine.

My Savory Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now