Chapter 4

1.7K 95 11
                                    

Hindi niya sinagot ang sinabi ng kaibigan. Akala niya'y wala talagang napapansin ang dalawa. Lalo na noong karaan na busy si Aileen sa kalokohan nito kay Sherwin, pero wala talagang nakakalampas sa mapag-obserbang kaibigan.

Ngunit hindi na rin naman kataka-taka na alam ng mga kaibigan niya ang nangyayari sa paligid. Sa loob ng mahigit isang taong pagsasama-sama nila ay naging sobrang magkapalagayang loob na silang tatlo. Tinginan pa lang ay alam na ng bawat isa sa kanila ang totoo. Hindi mo aakalaing mahigit isang taon pa lang ang pagkakaibigan nila.

Matapos makagraduate sa PUP Sta. Mesa sa kursong Accountancy ay napasok siyang teller sa bangko. Sa Makati siya napa-assign noong una. Madalang siyang umuwi, at kung umuwi man, inilalaan niya sa pagtulong sa ina niya sa pag-aayos at pamimili ng damit at iba pang items na ibinebenta nito on-line, kaya halos hindi na rin siya nalabas ng bahay. Katuwiran niya'y kaya mga siya nauwi para makasama ang mga ito, bakit kung saan-saan pa siya pupunta? Hanggang sa napalipat na sa Sta. Rosa mahigit isang taon na ang nakararaan, na ikinatuwa niya at ng buong pamilya.

Doon niya nakilala sina Shaine at Aileen. Halos magkapanabay lang silang nalipat doon ni Aileen, nauna lang ito ng dalawang buwan sa kanya. Dahil malambing at mabait si Shaine, madali nitong nakuha ang loob nila. Nataon pang sa iisang subdivision silang tatlo nakatira, kaya lalo silang maging malapit sa isa't isa.

"Good morning," bati ni Shaine pagsakay nito sa kotse, sa unahan ito pumuwesto. Nakasanayan na nila ang ganoong seating arrangement. "Kumusta ang tulog?" tanong nito sa kanya matapos siyang lingunin sa likod.

"Okay naman," ani Cheryl.

"Galing mo talaga magmake-up, naitago ang pamumugto ng mata," anito habang nagkakabit ng seatbealt.

"Broken-hearted na nga, mukha pang hagggard? Wag ganon, Beshie," ani Aileen.

Binuhay na muli nito ang makina ng kotse, pero bago iyon makaandar ay may kumatok sa tapat ng bintana niya.

Si Marson.

Nakajersey ito, may hawak na bote ng tubig at ang bola ay nakaipit sa baywang at braso. Basa ng pawis ang damit, maging ang may kahabaang buhok ay basa rin ng pawis, nakadikit ang ilang hibla sa noo nito.

A certain scene crossed her mind. Eleven years ago. Pero ang tibok ng puso niya noon at ngayon ay hindi nagbago.

Dumadagundong iyon at natatakot siyang baka marinig ng mga kasama ang ingay na likha noon. Nag-iwas siya ng tingin kay Marson. Tinapik niya sa Shaine sa unahan at itinuro ang pinsan nito sa labas.

"Bakit, Kuya?" tanong nito sa pinsan matapos ibaba ang bintana ng kotse sa tapat nito.

"Babatiin ko lang sana ng good morning 'yong kasama n'yo," anito na nakatingin sa kanya sa likod.

"Ikaw naman pala ang kakausapin eh, ibaba mo na 'yang bintana sa tapat mo," ani Shaine.

Tumingin lang s'ya sa binata at nag-okay sign. Humarap na siyang muli sa mga kaibigan. "Tara na, Aileen."

Pero imbes na umalis ay bumaba ang salamin ng bintana sa tapat niya. Napilitan siyang lingunin muli ang binata.

"Hi, Che. Good morning," nakangiting bati ni Marson, yumuko ito para itapat ang mukha sa bintana.

"Good morning din," aniya. Paanong nangyaring basa ito ng pawis pero mabango pa rin?

"Good na talaga ang morning ko, nakita kita, eh. Sana gumanda rin ang araw mo ngayong nakita mo ako.”

Hindi sumagot si Cheryl, pinigil niya ang pagngiti at pinili niya ang tumango na lang.

“Pwede bang ideretso ko na sa evening ang ganda ng araw ko?”

My Savory Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now