Prologue

308 34 32
                                    

"Malusog ang anak natin, Julius. Anong magandang pangalan?" halos hindi mapagkit ang ngiti at tingin nila sa kauna-unahang anak sa loob ng halos sampung taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Napakunot ang noo ng padre pamilya sa tinuran ng kabiyak.

"Hindi mo pa ba nabibigyan ng pangalan?"

Umiling ang babae habang nanatiling pinagmamasdan ang natutulog na bata sa kaniyang bisig. Nalilitong nilingon ang asawang tumahimik bigla at tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang gilid. "Bakit?"

"Kanina kasi, tinawag siyang baby Haizen ng nurse?"

Nagulat ang ginang kaya agad na napalingon sa kinalalagyan nito kanina. Lumigid naman si Julius at siya na mismo ang dumampot sa kapirasong papel na kinalalagyan ng impormasyon ng bata. Agad na iniabot sa asawa at binasa.

"Baby Haizen nga. Pero, wala akong matandaang ganitong pangalan ang sinabi ko."

Eksaktong pumasok ang doktor at isang nurse na siyang nagpaanak kay Rory.

"I-che-check ko lang ang vital ng bata, misis." Nakangiting saad nito.

Matapos na malaman na okay naman ang mag-ina, akmang lalabas na ang mga ito nang maalala nilang itanong kung sino ang nagbigay ng pangalan sa kanilang anak. Baka lang kasi, hindi ito ang kanilang anak at nagkamali ng bigay dahil na rin sa may pangalan na ngang nakalagay.

"Sigurado akong sa inyo ang anak na 'yan. Ikaw lang ang nanganak ngayong araw, kaya hindi maaaring mapagpalit iyan. Ikaw misis ang nagbigay ng pangalan. Bago ka pa man pumikit, tatlong beses mong binanggit ang pangalang Haizen ang ipangalan sa bata."

Nagkatinginan ang mag-asawa at kahit nakalabas na ang doktor at nurse, hindi pa rin sila makapaniwala na ang ina mismo ang nagbigay niyon. Dahil wala talaga siyang maalala.

"Baka dala ng gamot kaya hindi mo na maalala. Hayaan mo na, maganda naman. Kasing ganda niya." At nasisiyahang pinagmasdan ang anak.

Nakangiting pinagmasdan din sila ni Ramiel, ang apat na taong gulang na kerubin. Siya ang guardian angel na nakatalaga kay Haizen...

At siya ring nagpangalan sa bata.

Beautiful Mess
jhavril
2017

Beautiful MessWhere stories live. Discover now