BM 7

120 11 29
                                    

Makalipas ang sampung taon...

Mahinang pasensiya na po ang nasabi ni Haizen bago naupo sa dulong bahagi ng klase. Accounting ang kukunin niya sa college kaya ABM o Accountancy Business Management ang kinuha niya sa another 2 years ng K12 program ng DepEd.

"Bakit late ka na naman?" mahinang saad ni Holly, maputi, may kaliitan at may maikling buhok. Magkaibigan sila simula noong first year high school. Palipat-lipat siya ng eskuwelahan dahil na rin sa estado ng pamumuhay ng kinagisnan niyang pamilya.

Dinala sa iba't ibang bahay ampunan ang mga nakaligtas sa sunog. At isang araw, may umampon sa kaniya na mag-asawang labing-limang taon ng hindi nagkakaanak. Sa una ay maayos at masagana pa naman ang buhay nila. Pero, noong malulong sa bisyo ang mag-asawa, sa sugal at sa drugs, unti-unti silang naghirap.

"Madaling-araw na kasi ako nakauwi mula sa part-time job ko." Mabilis na tinakpan ni Haizen ang bibig dahil napahikab siya. Napasimangot naman si Holly sa narinig.

"Sabi ko sa 'yo, tigil-tigilan mo na 'yang..." tinakpan pa ng palad ni Holly ang bibig at mas hininaan pa ang pagsasalita, habang nakatingin sa kanilang professor. "'pagiging escort service mo."

Napailing-iling si Haizen at hindi na lang pinansin ang kaibigan. Nagpokus na lang siya sa pakikinig sa kanilang guro.

Sa edad na katorse, nakulong ang kinilala niyang ama dahil sa nahulihan ng pinagbabawal na gamot sa loob mismo ng kanilang tahanan. Dahil sa nangyari, napabayaan ang kanilang business dahil hindi naman marunong magpatakbo ang asawa nito na mas nalululong sa sugal. Isang araw, pinatay na lang ang kinagisnan niyang ina, dahil hindi nakapagbayad ng utang. Pati ang bahay na titirhan niya sana ay nailit na dahil naisangla sa bangko. Simot na simot ang mag-asawa. Ibinenta na lang ang mga puwedeng ibenta para sa mga iba pang pinagkakautangan ng mga ito. Suma-total walang natira sa kaniya kung hindi ang kaunting savings na nakapangalan sa kaniya sa bangko.

May trust fund naman siya na pagsapit niya pa ng eighteen makukuha. Na ilang buwan na lang naman at sasapit na. Hindi naman kalakihan, pero sapat na para sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Pinasok niya ang lahat ng uri ng trabaho; nagkasambahay, crew sa fastfood, pagbebenta sa avon products, at kahit anong raket na maaari niyang pagkakakitaan makapag-aral at makakain lang siya. Nag-spacers din siya para mas makatipid.

At kahit ang escort service na sinasabi nga nitong si Holly ay kaniyang pinatos. Pero, hindi naman iyong ilalabas siya. Kuwentuhan lang, no touch. Mga bigatin ang mga customer niya na buti na lang at natatapat siya sa mababait. Wala pa namang nambastos sa kaniya o pumilit na siya ay mailabas. At hindi malaswa ang kanilang suot. Para nga silang nag-oopisina. Pati ang lugar, office ang dating. Kaya nga sa halos anim na buwan na niyang ginagawa ito, hindi naman siya nagsisisi. At isa pa, minor pa lang siya kahit pa malaking bulas siya para sa edad na disi siyete. Kailangan lang talaga niyang mga raket na gaya nito.

May isusulat sila sa whiteboard at alam niya kapag ganoong tinatamad na naman ang prof nila, lalabas ito at pag-bell na babalik. Inihanda na niya ang sarili hindi para sa pagsusulat, kung hindi para sa isang oras na tulog.

***

"O, kape, lagukin mo nang tuluy-tuloy hanggang malapnos 'yang lalamunan mo!" Sabay lapag ni Holly sa harapan nang nakatalungko pang si Haizen sa loob ng canteen. "At nang magising ka naman sa katotohanan na hindi solusyon 'yang escort service na 'yan." Nakaismid pa itong umupo sa katapat na upuan niya habang inilapag sa lamesa ang tray na may bottled juice at dalawang sandwich.

"Opo, Ina." Itinaas pa ni Haizen ang cup ng kape at ipiningki sa juice ni Holly na nasa tray pa. Isang malutong na Tse ang iginanti nito sa kaniya.

Ipinagpapasalamat niya ang pagdating ni Holly sa buhay niya. Simula nang mamatay ang ate Bubbles niya, hindi na siya muling nagkaroon ng malapit at parang itinuring na kapatid. Marahil binabantayan siya nito kaya hindi siya napapahamak minsan man. Nagiging maayos ang lahat at kahit may mga problema, madali naman niya iyong nareresolba.

"Ikaw, dinadaan mo lagi sa biro. Akala mo ba, maganda 'yan? Hindi ka talaga nakikinig sa 'kin." Umiiling-iling pa si Holly habang nagbubukas ng sandwich, inamoy pa muna bago kinagat.

"Ikaw naman masiyadong seryoso. Alam ko naman ang limit ko bes, kaya chill ka lang." humigop pa muli sa tasa ng kape si Haizen bago ipinilig-pilig ang ulo at wala sa loob na napasulyap sa pinto ng canteen.

Eksaktong pumasok si Danielle kasunod ang tatlong alipores nito. Inilibot ng mga ito ang kanilang paningin na tila may hinahanap. At nang mapadako ang paningin sa kanila, agad na nanlisik ang mga mata at tila ba ay susugod sa giyera.

"Uh-uh... the villains are coming," mahinang saad ni Holly, bago iniabot ang bottled juice. Halos nakahalatian niya rin iyon nang nakapameywang na tumapat sa kanila ang tatlo, lahat ay nakatutok ang mata kay Haizen.

"So, until now pala, nilalandi mo pa rin si Patrick ko!" may kalakasang saad ni Danielle, ang umastang leader ng grupo. Apat na pares ng mata ang ngayon ay nakatutok sa kaniya. Balewala namang inabot ni Haizen ang tasa ng kape at nakataas ang isang kilay na humigop doon.

Dahil sa inis sa pambabalewala ng kaharap, agad na pinukpok ni Danielle ang lamesa, dahilan para lumikha iyon nang malakas na ingay. Naalog ang mga nasa ibabaw at natumba pa ang bottled juice ni Holly at muntik pang matapunan si Haizen ng kapeng ilalapag palang sana niya. Ilang naroon ay napapatingin na sa kanila, pati na rin ang mga tindera ng canteen.

"Gaga ka ba? Ano bang problema mo?" Nakakuyom na tatayo sana si Haizen ng pigilan ni Holly ang braso niya. Nanatili tuloy siyang nakatingala habang nanlilisik na rin ang mga mata.

Noong isang taon pa ito galit na galit sa kaniya. Dahil nga sa nilalandi niya raw ang boyfriend kuno nitong hindi naman niya close. Isang beses lang naman niya iyon kinausap at nanghiram siya ng ballpen. And it was long, long time ago!

Ilang beses na nga niyang pinaliwanag iyon pero ayaw pa rin nitong makinig o ayaw lang talaga nitong paniwalaan ang sinasabi niya. Sarado ang utak nito pagdating sa kaniya. Kung ano ang maisip nitong ibintang sa kaniya, basta na lang ibibintang ng walang dahilan.

"Ikaw ang problema! Bitch! Hindi ka na nakuntento... aray!"

Hindi na natapos ni Danielle ang sasabihin kay Haizen dahil pabiglang sinabunutan niya ang buhok nito. Mahigpit na hinawakan ang buhok nito sa tuktok sagad hanggang anit at inalog-alog iyon. At isang mabilis na paglapit sa mukha niya. Lalapit sana ang iba pa pero pinanlisikan ni Haizen ang mga ito. Nabigla sila sa ipinakitang tapang nito at mukhang galit na galit na talaga. Napaatras sila at hinayaan na lang si Danielle na kita sa mukha ang sakit ng ginagawa ni Haizen.

"Isang bitch pa at ingungudngod ko sa kape 'yang nguso mong walang tigil! Tagal ko nang nagtitimpi sa'yo akala mo ba?! Kapag sinabi kong hindi ko nilalandi ang boyfriend mong chaka, hindi! Naiintindihan mo?!" At walang habas na inalog-alog pang muli ni Haizen ang ulo nito na pilit namang inaalis ni Danielle kasabay ng pagsasabing let me go. Hindi na rin nakialam si Holly at hinayaan na lang ang kaibigan.

"OO na! So let me go, bit... Haizen!"

"Good girl." At nakangising binitawan bigla ni Haizen ang buhok nito dahilan para masubsob sa mga kaibigan nito. Sinalo naman ito ng tatlo kasabay ng pagtatanong ng okay ka lang? Inis naman inayos ni Danielle ang buhok habang nakatingin ng masama kay Haizen na naupong muli at balewalang humigop ng kape.

Nagmartsang paalis ang apat matapos siyang iripan habang nanghihinang napahinga ng malalim si Haizen. First time niyang ginawa ang bagay na iyon. Itinatak kasi niya sa isip na hindi na siya magpapaapi kahit kanino mula sa araw na ito.

At nagsalo-salo na ata ang puyat, pagod at stress niya kaya nagawa niya iyon. Ayos na rin, sigurado namang hindi na siya guguluhin ng grupo ni Danielle.

Beautiful Mess
Jhavril
2017

Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon