Chapter 12

66.5K 1.6K 246
                                    

Mataas ang expectation ko sa story na to hindi dahil sa madaming nagcocomment kundi dahil sa quality ng mga comments ng readers nito. After all, I am not after the number of comments and votes, I am after the quality of the comments of my readers be it  bad or good.So kahit isa lang ang comment pero may quality okay lang sa akin yun.

Pasensiya na kung matagal ang update, bago ko kasi isulat ang chapter sa story na to, madami munang revision sa utak ko ang nangyayari. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko magawang basta basta na lang mag update ng chapters dito. Sa story na to, i don't write a chapter or update para lang may masabing nakapag update ako. Kailangan kong pag isipan ng mabuti ang bawat update lalo na at hindi na ako satisfied sa nauna kong plot para sa story na to.

ANg haba na pala ng author's note ko. Tae!

Chapter 12


“Sometimes we need to stop analyzing the past,
stop planning the future, stop figuring out precisely how we feel,
stop deciding exactly what we want, and just see what happens.”

Chapter 12

“What?” Ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya?

I looked at him and nakita kong naging balisa siya at saglit na nawala ang ngiti niya pero nung nakita niyang tintingnan ko siya, ngumiti ulit siya sa akin.

“What do you mean what?” Sabay kabig sa akin palapit sa kanya.

“What do you mean when you said, ‘it’s feels like the first time you’ve said yes to me?”

“Ahhhh that! Yes of course, the first time you’ve said yes to me was when you allowed me to cook dinner for you. The feeling is overwhelming.”  Tumaas lang ang kilay ko but I didn’t purcuse the subject. Kung yun ang sinabi niya eh di yun, ayaw kong mag away kami,  kakasagot ko lang sa kanya.

Ngayon ko lang na enjoy ng sobra ang paggogrocery. Si John kasi kung ano ang pinagkukuha. And mind you iniikot niya ang lahat ng aisle kaya natagalan kami tuloy. Pero hindi ako nagsisisi kasi enjoyable talaga.

Umabot sa 7K ang pinaggrocery naming. Tsk tsk. Kukunin ko n asana sa bag ko ang credit card ko when he stopped.

“Ako ang namili ng lahat ng yan so ako ang magbabayad.” Nakangiti siya sa akin and by his smile alam ko hindi siya tatanggap ang salitang ‘no’. I know hindi pa kami katagalan na magkakilala pero subconsciously parang nababasa ko na ang bawat ngiti niya at ang bawat expression sa mukha niya.

Tears of Angel (The Sequel)Where stories live. Discover now