Chapter 15

64.5K 1.3K 108
                                    

15



 When you are sorrowful look again in your heart, and you shall see that in truth you are weeping for that which has been your delight.
Khalil Gibran

Nakatulugan ko na ang pag iyak. Napapagod na ako kakaisip. At hindi lang ang puso ko ang masakit kundi pati ang ulo ko sa kakaisip ng mga nangyayari.

Hindi ko kasi maintindihan kong bakit nangyayari ang lahat ng to. Kung bakit hindi ko magawang sumaya. Kung sumaya man ako, agad agad namang nawawala. Ano ba ang nagawa kong kasalanan at parang pinaparusahan ako?

Wala ak sa sarili ko nung pumasok ako sa foundation. My colleagues are giving me worried glances but I ignored them all. Bumalik na naman ako sa dati kong ugali. Kung kayo ba kasi sa kalagayan ko, makakapag isip ka pa ng maayos? Iniisip ko na nga na nabubuhay ata ako para maging miserable.

Come to think of it, I have been mesirable since I learned how to love. Nagmahal lang naman ako di ba? Bakit kailangan kong maghirap ng ganito?

I brushed another fresh tears as they fall. Halos hindi ko na rin makita ang nakasulat sa computer monitor ko dahil nagbablurred na ang paningin ko.

Wala na akong ginawa kundi ang umiyak at wala akong magagawa kundi umiyak. Oo nagagalit ako. Nagagalit ako kay Johann for doing this to me. Nagagalit ako sa sarili ko kasi napakahina ko.

Nagpaalam na ang lahat ng mga officemates ko and nung umalis na sila, tumayo na din ako at lumabas ng building. Wala pa din ako sa sarili ko. Iniisip ko pa nga, mas mabuti sigurong masagasaan na lang ako. Para mawala na ang lahat ng sakit. Para hindi na ako umiyak.

Pag nasagasaan ba ako dito, darating kaya siya?

Tears of Angel (The Sequel)Where stories live. Discover now