Prologue

2.7K 55 1
                                    

#Prologue
 

•••

“Uhmm, ang bango naman ng misis ko.”

“Ano ka ba honey, nakikiliti ako sa ginagawa mo.”

“Tara na kasi sa kwarto, sundan na natin ang kambal.”

Nagluluto pa ako, mamaya nalang.

“Hayaan mo na si Manang Norma ang tumapos nyan.”

May ginagawa si Manang sa labas, pagkatapos ko nalang nito.

“Then let’s make it quick.” Bulong ni Daddy kay Mommy na marahan naman syang siniko habang natatawa.

“Eh, Daddy, Mommy, baka po nakakalimutan ni’yo na nandito kami ni Samantha.” Taas ang kilay na sabi ni Sabb.

“Yeah, we’re here fyi.Natatawang sabi ko narin sa kanila.

Nakakatuwa talaga sila, kahit kasi may mga edad na hindi parin nawawala yung ka-sweet’an nila sa isa’t-isa. As in everyday, they’re never failed to show how they love each other. Gusto ko rin magkaroon ng ganitong pamilya, yung katulad ni Daddy na sobrang mahal si Mommy.

“Ang kj naman ng mga prinsesa ko, parang naglalambing lang si Daddy kay Mommy.” Natatawang sabi ni Daddy na nakayakap parin kay Mommy at parang bata na isinisiksik ang katawan nito.

“Yeah right, as in everyday ka namin nakikita na naglalambing kay Mommy.” Maarteng sabi ni Sabb. Umikot pa ang mga mata nito na dahilan para matawa si Daddy.

“Ang taray naman ng prinsesa ko. Sige ka, walang manliligaw sayo kapag ganyan ka.” Pang-aasar na sabi ni Daddy kay Sabbrina.

“No Dad, marami kaya ang gustong manligaw sa kanya sa school.” Sabat ko naman, dahilan para mapabaling ang tingin nila sa akin.

“Wala kaya! Baka sayo yun.” Taas kilay na sabi niya.

“Lumalapit sila sa akin because they want to meet you.” Nakangiti na sabi ko.

“Identical twins kaya tayo. Heller!” Maarte parin na sabi niya. Palipat-lipat naman ang tingin sa amin nila Daddy at Mommy.

“Ano naman kung identical tayo? ‘E sa mas gusto ka nila.” Natatawang sabi ko naman.

Identical twins nga kami at para lang talaga kaming nakatingin sa salamin. Sa malamang diba? Pero sa amin dalawa ni Sabbrina, siya ang mas pansinin.

Dito sa bahay maingay ang kambal ko at may pagkamataray, pero dito lang naman sa bahay yun. Sa amin dalawa, si Sabb ang mabait. Well, I’m not saying na hindi ako mabait. Hindi lang talaga ako yung tipo na hahayaan yun mga nambubully sa akin.

Sa school kasi, palaging nabubully ang kambal ko. Tahimik lang siya sa school at bihira makihalubilo sa ibang istudyante, kahit ata sa mga classmate niya bihira din.

Madalas syang nabubully nang mga girls sa school. Mga inggitera kasi. Paano ba naman, ilan sa mga campus hottie, gusto pormahan ang kambal ko, at isa na doon yung captain ng basketball team.

Tapos hinahayaan lang niya yung mga nambubully sa kanya. Pero syempre, hindi pwede sa akin yun, ako ang rumeresbak sa mga bumubully sa kanya.

Kaya marami din ang ilag sa akin. Warfreak daw ako. Ilang beses narin ako na guidance office dahil sa pambubugbog ko sa mga nambully sa kambal ko. Yes, binubogbug ko sila.

“Talaga? Aba naman, dalaga na pala ang Sabbrina namin.” Nakangiting sabi ni Daddy.

Napangiti naman ako, bini-baby ni Daddy si Sabbrina, at kahit hindi sabihin ni Daddy alam ko na mas paborito niya si Sabb. Pero ayos lang naman sa akin yun, dahil alam ko na pantay lang ang pagmamahal niya sa amin.

Biglang sumimangot si Sabbrina. Ang lakas kasi ni Daddy mang-asar sa totoo lang, lalo na when it comes to boys na nanliligaw sa amin ng kambal ko. Ayaw pa naman ni Sabb sa mga ganitong topic.

“Walang nanliligaw sa akin Daddy, baka kay ate yun.” Nakasimangot na sabi niya sabay tingin sa akin. Ano daw? Ate?

“Ate ka dyan, fyi Sabbrina Louise Policarpio, two minutes lang ang tanda ko sayo no.” Taas kilay na sabi ko sa kanya.

“Kahit na, mas matanda ka parin sa akin Samantha Lorrise Policarpio.” Taas kilay din na sabi niya. Natatawa na napapailing naman si Daddy habang palipat-lipat ang tingin sa amin ng kambal ko.

“Tumigil na nga kayong dalawa dyan.” Natatawa namang sabat na saway sa amin ni Mommy.

“Anyway girls.” Ani Daddy. Napatingin kami sa kanya.

“Malapit na ang 16th birthday niyo. Ano bang gusto ng mga prinsesa ko? Mag-party ba tayo ng bonggang-bongga?” Tanong ni Daddy sa amin. Nakakatawa lang ang term niya ng bonggang-bongga na ang gay ng dating.

“Ayaw!” Sabay pa kami ng sagot ni Sabbrina, kaya naman nagkatinginan kaming dalawa.

“Ayaw niyo ng bonggang party?” Takang tanong ni Daddy. Sabay naman kaming umiling ni kambal bilang sagot.

Nakakatuwa si Daddy, instead na si Mommy ang magtanong about sa birthday namin, siya pa talaga ang nag-aabala.

“E ano palang gusto ng mga prinsesa ko?” Muling tanong niya sa amin ni Sabb.

“Outing!” At sabay na naman kami ng sinabi.

“Aba talaga naman ang kambal ko, pareho pa ng gusto.” Nakangiting sabi ni Daddy.

“Oh siya sige, mag-outing tayo nila Mommy.” Masayang sabi ni Daddy na yumakap kay Mommy at pinaghahalikan ito. Pasimple pa talaga siya.

“Daddy!” Ani ko sa kanya na may pananaway sa tinig. Natawa naman si Sabb habang nakatingin kila Daddy at Mommy.

Ang kulit, nakakatuwa lang. Para sa akin siya ang pinaka-cool na Daddy sa earth, at wala na akong mahihiling pa, dahil bukod sa meron akong masayang pamilya, meron din akong mabait na kambal at mababait na magulang.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
***

Ola amiga (•˘v˘•)/ thanks in advance sa magtsatsagang magbasa nito. ヽ('▽`)/

Silent TearsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora