Chapter 6

818 39 5
                                    

#SilentTears
 

•••

Labing limang saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang natamo ng kambal ko ng makita siya sa apartment, at ayon sa mga pulis may posibilidad na narape ito.

Ang may ari ng apartment ang nakakita ng bangkay ng kambal ko nung araw na ‘yun. Nagtaka ito dahil nakaawang ang pinto ng apartment.

Ayon dito tinawag niya ang kambal ko pero wala daw sumagot kaya pumasok na ito sa loob, at doon niya nakita ang duguan at wala ng buhay kong kapatid.

Nag aalala akong napatingin kay Mommy. Iyak lang siya ng iyak habang patuloy sa paghingi ng tawad sa kambal ko, gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako.

“Sam.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig, lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko.

“Are you okay babe?” Nag-aalalang tanong niya.

“K—kevin.” Sambit ko sa pangalan niya.

“God, i’m so worried when I heard what happened.” Marahan niya akong hinila at niyakap.

“I’m so glad that you are okay.” Napalunok ako, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko ng marinig ko ang sinabi niya.

“K—kevin... S—si... Si Sa—”

“Sssh! It’s alright, everything will be alright. Mahahanap din ang gumawa nun kay Sabbrina.” Agad naman na sabi niya, dahilan para mas lalo akong mapaiyak.

“I—i’m sorry.” Mahinang sabi ko.

“Wala kang kasalanan.” Sabi niya. Hindi na ako kumibo, patuloy lang ako sa pag-iyak ng mga oras na yun.

Hindi totoong wala akong kasalanan, dahil kasalanan ko ang lahat. Kung sana nasabihan ko siya na mag-ingat, sana hindi nangyari sa kanya yun. Kung hindi ko sana siya iniwan doon, sana buhay pa siya.

Sana buhay pa ang kambal ko.
 
 

•••

Mahigit isang buwan na mula ng mamatay ang kambal ko, at hanggang ngayon hindi parin nila alam kung sino ang gumawa nun sa kanya.

Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko, bumalik na naman sa dati si Mommy, hindi ko na naman siya makausap ng matino.

Palabas na ako ng campus ng biglang may humarang sa daraanan ko, napahinto ako at napatingin sa kanya, matiim siyang nakatingin sa akin.

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Tanong niya, napakunot ang noo ko, agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag at nakita ko na may 16 missed calls mula sa kanya.

“Sorry, hindi ko narinig.” Mahinang sabi ko.

After my sister died, palagi nalang lumilipad ang isip ko, may mga bagay na hindi ko nagagawa ng maayos, madalas akong magkamali. Hindi ko na kasi alam kung paano na ba kumilos ng tama.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, ilang araw ko narin siyang iniiwasan, sa totoo lang ayoko talagang humarap sa kanya dahil magulo pa ang isipan ko.

“May problema ba tayo?” Tanong niya.

“Huh?” Sambit ko, narinig ko naman ang mahina niyang pagmumura.

“Simula ng mamatay ang kambal mo nagbago kana.” Sabi niya na halatang nagpipigil ng galit.

Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin kaya nanatili nalang ako na nakatingin sa kanya.

“How many times do I need to tell you na hindi mo kasalanan ang nangyari.” Madiin na sabi niya.

“Ano bang alam mo?” Seryosong tanong ko.

“Then tell me, para malaman ko kung ano yung hindi ko alam.” Muling sabi niya at hindi niya na napigilan ang mapataas ang tinig. Napapatingin sa amin ang mga istudyante na nagdaraan. Hindi ako kumibo sa sinabi niya.

“Alam ko na masakit para sayo ang nangyari kay Sabb, pero sana wag mo naman solohin lahat ng sakit, nandito ako at handa kitang damayan.”

Hindi ko naiwasan ang pagpatak ng mga luha ko sa mga sinabi niya, lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

“Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Sabb. Kung pumayag man siya sa gusto mo, ikaw naman ang mapapahamak, at tapos ano? Sisisihin niya din ang sarili niya?” Patuloy na sabi niya.

Ganun naman talaga. Sana nga ako nalang yung namatay, sana nga ako nalang. Paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko.

Marahan niya akong hinila at niyakap, nagpaubaya nalang ako sa kanya. Hindi naman niya ako maiintindihan kahit ano pa ang sabihin ko. Kahit ano pang pagpapagaan sa loob ko ang sabihin niya, wala parin magagawa yun. Dahil kahit ano pa ang mangyari, mananatili parin na kasalanan ko ang lahat.

Nang huminto ang sasakyan ni Kevin sa tapat ng bahay namin agad na akong nagpaalam sa kanya, akmang bababa na ako ng pigilan niya ako. Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang din siya sa akin, hindi ako nagsalita, hinintay ko lang ang sasabihin niya, marahan niya akong hinila at niyakap.

“I love you.” Bulong niya.

Hindi ako kumibo, hindi ko kasi alam kung sasagutin ko yung sinabi niya. Kumalas siya ng yakap sa akin at maigi niya akong tinitigan. Balak niya sana akong halikan pero mabilis ko siyang iniwasan.

“Umuwi kana, kita nalang tayo bukas.” Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at alam ko na nasasaktan ko siya.

Dali-dali na akong bumaba ng kotse niya, hindi ko na inantay na magsalita pa siya. Alam ko na hindi na tama ang ginagawa ko sa kanya, pero hindi ko naman alam kung paano siya tutugunan.

Nasasaktan ako dahil alam ko na nakakasakit na ako ng iba at wala akong magawa kung hindi ang sumunod nalang sa sitwasyon.

Ang kalungkutan na hindi ko kayang takasan.
 

Silent TearsWhere stories live. Discover now