Chapter 12

791 37 0
                                    


#SilentTears
 

•••

Nang buksan ko ang drawer ko, napatingin ako sa cellphone ng kambal ko na nakuha ko kila Aling Paning. Hindi ko pa pala ito nabubuksan simula ng makuha ko ‘to. Tapos ko na itong mai-charge at bubuksan ko na sana ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok.

“Samantha apo?” Tawag ni Lola.

Muli kong ibinalik sa drawer ang cellphone na hawak ko bago nagtungo sa may pinto at binuksan ito. Bahagya akong ngumiti ng makita ko si Lola.

“Bakit po Lola?”

“May bisita ka sa baba.” Nakangiting sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bisita? Ako may bisita? Takang tanong ko sa sarili ko.

Nangtataka man ay bumaba na ako para tignan kung sino ba ang sinasabi ni Lola na bisita ko at nagulat ako ng makita ko si Kevin na kausap si Mommy. Napangiti siya ng makita ako, napatingin ako kay Mommy na ngumiti din sa akin. Bigla ako nakaramdam ng kaba ng mga oras na yun.

“A—anong ginagawa mo dito?” Malamig na tanong ko sa kanya.

“Dinadalaw ka.” Nakangiting tugon niya.

“Hindi ko alam na may boyfriend ka na pala anak.” Narinig kong sabi ni Mommy, agad akong napabaling ng tingin sa kanya.

“M—mommy kasi—”

“It’s okay princess, wala naman akong tutol sa inyong dalawa ni Karl, nasa tamang edad ka na at may tiwala ako sayo.” Nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

“Oh siya maiwan muna namin kayo, anak ikaw na muna ang bahala dito kay Karl.” Sabi ni Mommy bago kami iwanan dalawa sa sala.

Nang tumingin ako kay Kevin nakatingin siya sa akin habang nakangiti, hindi ko alam kung ano bang gusto niyang palabasin, alam naman niya na hindi alam ni Mommy ang tungkol sa amin.

“Hi babe, I miss you.” Nakangiting sabi niya.

“Anong ginagawa mo dito?” Seryosong tanong ko sa kanya.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, i’m here because I miss you.”

“Pwede ba Kevin wag—”

“Karl.” Sabi niya, nangunot ang noo ko.

“Hindi mo na ako tinatawag na Karl, palagi nalang Kevin—Hindi ba dati Karl naman ang tawag mo sa akin.” Aniya.

“Big deal ba sayo yun?” Seryoso parin na tanong ko, ngumiti lang siya.

“Fine! Kung ayaw mo ng Kevin—”

“It’s okay babe. Actually gustong-gusto ko nga na tinatawag mo ako ng Kevin.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

“I’m sorry.” Mahinang sabi niya.

“Sorry for what?” Takang tanong ko.

“For hurting you last time.” Mabilis na tugon niya, nanatili siyang nakatitig sa akin.

“It’s okay, I deserved it.” Mahinang sabi ko na agad na umiwas ng tingin sa kanya.

Marahan niya akong hinila at niyakap, nag-umpisa na namang mangilid ang mga luha ko. Bakit ba palagi nalang ako naiiyak kapag kausap ko siya, nasasaktan ako.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng sa ganun mapigilan ko ang luhang nagbabanta na pumatak sa mga mata ko. Kumalas siya ng yakap sa akin at muli akong tinitigan, nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya napayuko ako.

“Tara.” Sabi niya.

“Ha?” Kunot noo na sabi ko ng muli akong tumingin sa kanya.

“Date tayo.” Sabi niya.

“Kevin—”

“Nagpa-alam na ako kay Tita.” Sabat niya sa sasabihin ko. Napabuntong hininga naman ako at hindi nalang tumanggi sa gusto niya. May magagawa pa ba ako?

Pagkatapos ko magbihis, agad din kami umalis sa bahay, tinanong niya ako kung saan ko gusto pumunta pero wala akong gustong puntahan at kahit manood ng sine ay ayoko.

Kaya nagdesisyon siya na sa unit nalang niya kami pumunta, ipagluluto nalang daw niya ako, hindi nalang ako kumibo at hinayaan ko nalang siya. Feeling ko kasi wala akong karapatan na tumanggi.

Nang makarating na kami sa unit niya, agad niyang inayos lahat ng pinamili namin habang nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya o hindi.

Naiilang ako kapag kasama ko siya, simula ng may mangyari sa amin nung birthday ko, parang ang dami ng nagbago, pati na ang feelings ko.

“Ikaw na magluto ng pasta.” Maya-maya’y sabi niya.

“Ha?” Maang na tugon ko sa kanya. Ngumiti siya at lumapit sa akin.

“Ikaw nalang magluto, naalala ko masarap ka magluto ng pasta.” Sabi niya, bago niya ako mabilis na hinalikan at iniwan sa kusina.

Muli akong napabuntong hininga, wala din akong nagawa ng iwanan niya ako sa kusina. Nang matapos na akong makapagluto agad ko ng nilinis ang mga ginamit ko.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Kevin mula sa likuran ko at maramdaman ko ang paghinga niya sa likod ng tenga ko, parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.

“Tapos kana babe?” Tanong niya.

“O—oo.” Tipid na sagot ko na sinabayan ko pa ng pagtango, hindi ko alam kung nahalata niya ang boses ko na kinakabahan.

“Good, kain na tayo?” Sabi niya, muli akong tumango pero hindi naman siya kumikilos nanatili lang siyang nakayakap sa likod ko.

“K—kevin.” Tawag ko sa kanya.

“Hmmm?”

“A—akala ko ba k—kakain na tayo?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagrelax ng mga oras na yun, parang pakiramdam ko nagwawala ang puso ko, lalo na ng bigla kong naalala ang nangyari kahapon.

Nagulat ako ng may biglang tumabi at umakbay sa akin, nakaupo ako sa may bench na malapit lang sa soccer field at gym ng school.

Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Hindi mo na naman sinasagot ang mga tawag ko sayo.” Sabi niya. Napayuko naman ako.

Hindi ko napansin.” Mahinang sabi ko.

Hindi mo napansin kasi hindi mo naman tinitignan kung may tumatawag o nagtetext, hindi ka ba concern kung may nag-aalala sayo?” Naiiritang sabi niya.

Hindi naman ako kumibo, nanatili lang akong nakayuko, narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Palagi ka nalang nakayuko.” Natigilan ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa kanya at dahil sa nakatingin siya sa akin, nagtama ang paningin namin.

Napansin ko na natigilan siya at agad na nag-iwas ng tingin, nangunot ang noo ko sa inasal niya, nanatili lang akong nakatingin sa kanya at mukhang napansin naman niya yun kaya muli siyang napatingin sa akin.

Nang mga oras na yun, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, lalo na ng hawakan niya ang pisngi ko at unti-unti lumalapit ang mukha niya sa mukha ko, huli na bago pa ako makapagreact.

Naglapat na ang labi namin, naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko, nanatili naman na tikom ang bibig ko.

Kiss me back—babe.” Mahinang usal niya sa pagitan ng mga halik niya sa akin, at sa puntong yun, nakita ko nalang ang sarili ko na muling tumutugon sa halik niya.

“I love you babe.” Bulong niya, para naman akong natauhan ng mga oras na yun.

Ang sarap pakinggan ng salitang I love you lalo na sa taong mahal mo, pero alam ko naman na hindi para sa akin ang salitang ‘yon.

Silent TearsWhere stories live. Discover now