Chapter 19

614 33 0
                                    


#SilentTears

 
•••

Alas syete na ng gabi natapos ang practice namin. Talagang hindi kami tinigilan ni coach, kaya naman mula kanina hindi ko na natawagan si Sam.

Pagkapasok namin sa basketball room agad kong tinignan ang cellphone ko at nakita ko ang five missed calls mula sa kanya. Nagtaka naman ako kaya agad ko siyang tinawagan pero ring lang ng ring ang phone niya.

Baka busy na siya dahil birthday nga ngayon ng Mommy niya, at ang sabi niya darating ang ibang mga kamag-anak nila pati na ang Lola niya. Napabuntong hininga nalang ako at nagtext sa kanya.

To: Samantha babe
Hi babe. Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo kanina, ngayon lang natapos ang practice namin e. Tumatawag ako pero hindi ka naman nasagot baka busy kana. Call me back kapag hindi kana busy ha? I miss you. I love you.

Pagkatapos ko maisend ang message ko sa kanya, agad na akong nagshower. Gusto ko narin umuwi dahil sa pagod, grabe talaga sa amin coach.

“Oh paano dude, kita kits nalang ulit bukas.” Paalam sa amin ni Roy bago ito sumakay ng motor niya. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Nasa parking lot na kami at nasa tapat na ako ng kotse ko. Naipasok ko na sa loob ang mga gamit ko nakatayo parin ako at hindi napasok sa loob.

Tinatawagan ko kasi si Samantha at hanggang ngayon hindi parin niya sinasagot ang mga tawag ko, wala din siyang sagot sa message ko kanina.

“Hindi ka ba sinasagot ni girlfriend?” Tanong ni Patrick habang ipinapasok ang mga gamit nito sa kotse niya. Umiling naman ako sa kanya.

“Hindi nga ‘e, kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya, hindi rin nagrereply sa mga text ko.” Sagot ko.

“Baka nagalit na sayo dude.” Natatawa naman sabat ni Chad.

Hindi ako kumibo, magkausap kami kanina at okay lang naman siya. Hindi naman siya galit sa akin ang alam ko. Kung nagalit naman siya dahil hindi ko nasagot ang tawag niya kanina, ambabaw naman siguro yun and besides hindi naman ganun si Sam.

“Baka naman kasi busy kaya hindi nasasagot tawag at text mo.” Sabi ni Patrick.

“Gago dude galit yun sayo pustahan.” Natatawa parin na sabi sa akin ni Chad. Tangina talaga itong ungas na ito.

“Fuck you dude!” Sabi ko sa kanya.

“Wag mo na ngang gatungan pa Vasquez, hindi na nga mapalagay itong lover boy natin.” Natatawang sabi naman ni Patrick. Isa pa ito, akala ko pa naman matino lang ang sasabihin niya ngayon.

Sumakay na ako sa kotse ko at hindi ko nalang sila pinansin. Tawa naman sila ng tawa. Bagay talaga magsama ang dalawang ito, pareho silang mga ungas.

“Divera, baka malate ka na naman bukas, maaga ang practice natin.” Sabi ni Patrick.

“Aye, aye captain.” Sabi ko bago ko sila iniwanan.

May practice na naman kami bukas at hindi ko na naman makikita si Sam. Sana lang hindi siya galit sa akin, sana busy lang siya kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag at text ko.

Nang makauwi ako, bago ako bumaba ng kotse, muli ko siyang tinawagan pero hindi parin niya sinasagot ang tawag ko hanggang sa hindi ko na siya makontak ulit.

“Fuck!” Mahinang anas ko. Nahampas ko pa ang manibela ng kotse ko. Nagtype ako ng text sa kanya, siguro naman mababasa niya yun.

To: Samantha babe
Babe, galit kaba? Sagutin mo naman yung tawag ko or message me back.

Pag tapos ko isend ang message na yun, muli ako nagtype ng panibagong message sa kanya.

To: Samantha babe
Babe, I miss you. Please wag kang magalit sa akin. Sorry talaga kung hindi ko nasagot ang tawag mo kanina. Call me back please. I love you.

 
•••

Nagising ako kinabukasan na wala parin ni isang call or text mula kay Sam. Hindi ko naman alam ang number ni Sabbrina para sana matanong ko siya, hindi ko maiwasan ang hindi mapamura ng paulit-ulit sa isipan ko.

Maaga akong pumunta ng gym. Tahimik lang ako at hindi kumikibo, hindi naman ako inasar ng mga ungas, alam kasi nila ang ugali ko kapag tahimik ako. Ang dami ko ng text messages na ipinadala kay Sam pero hanggang ngayon wala parin syang sagot. Hindi ko narin makontak ang number niya, naiinis ako but at the same time nag-aalala ako sa kanya.

Katulad kahapon mag 7pm narin natapos ang practice namin, at wala parin akong natatanggap na message mula kay Sam. Ano na ba kasing nangyayari sa babaeng yun.

Gusto ko syang puntahan sa bahay nila pero baka mas lalo siyang magalit sa akin, kung galit man siya. Hindi pa kasi alam sa kanila na may boyfriend siya. Si Sabbrina lang ang nakakaalam ng lahat. Hindi ko naman pwede puntahan si Sabbrina sa apartment niya, hindi naman kami ganun ka-close, tsaka medyo naiilang pa ako sa kanya dahil napakatahimik niya.

Napabuntong hininga ako, dibale, lunes naman bukas. Bukas ko nalang siya kakausapin kung ano bang problema, sana okay lang siya at hindi galit sa akin.

Maaga akong pumasok para puntahan si Sam sa classroom nila pero wala siya doon, sabi ng mga classmate niya hindi pa daw nadating. Pumunta ako sa building ni Sabb at nagtataka ako na pati siya wala rin doon.

Nag-antay nalang ako sa kanya hanggang matapos ang first period namin pero walang Samantha na dumating at pati ang kambal nito na si Sabbrina hindi rin pumasok. Ano ba ang nangyayari at pareho silang wala.

Papunta ako ng gym ng salubungin ako ni Chad, seryoso ang mukha nito, napatingin ako sa ibang team mate ko, nagtaka ako dahil wala doon si Patrick.

“Dude, nabalitaan mo na ba?” Tanong ni Chad at talagang seryoso siya. Napakunot ang noo ko bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya.

“Nabalitaan ang alin?” Balik tanong ko sa kanya.

“Dude, wala na daw si Sabbrina.”

“What?” Gulat na sambit ko.

“Natagpuan daw siya sa apartment niya na duguan at wala ng buhay.”

“Fuck!” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Chad, agad kong naalala si Sam. Dali-dali akong nagpaalam sa kanila para puntahan agad si Samantha.
 

Silent TearsWhere stories live. Discover now