Chapter 26

707 34 0
                                    


#SilentTears

 
•••

Napatingin ako sa kanya ng bumaba siya ng hagdan. Nakangiti ako sa kanya at kita ko sa expression ng mukha niya ang pagkagulat at pagtataka. Bumaling ang paningin niya sa kanyang ina na ngumiti din sa kanya.

“A—anong ginagawa mo dito?” Malamig na tanong niya sa akin. Hindi halata na ayaw niya akong makita.

“Dinadalaw ka.” Nakangiting sagot ko. Hindi ko na pinansin ang tuno ng boses niya.

“Hindi ko alam na may boyfriend ka na pala anak.” Sabat na sabi sa kanya ni Tita, kaya naman agad siyang napabaling ng tingin dito.

“M—mommy kasi—”

“It’s okay princess, wala naman akong tutol sa inyong dalawa ni Karl. And besides nasa tamang edad ka na, at may tiwala ako sayo.” Nakangiting sabi ni Tita Emillia.

Bago siya tawagin ng lola niya, kinausap ako ni Tita, at nagulat ako na alam pala nila ang totoo na hindi siya si Samantha. Inilihim lang nila ito dahil hinahantay nila na ito mismo ang magsabi sa kanila.

Hindi siya si Samantha!” Malungkot ang tinig na sabi nito. Nagulat ako sa sinabi niya.

Palagi ko siyang naririnig na umiiyak at paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kapatid niya. Gabi-gabi siyang binabangungot at ang akala niya hindi namin alam yun.” Nag-umpisa ng manginig ang boses niya habang patuloy sa pagsasalita.

Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin. Sabihin sa kanya na wala siyang kasalanan, na alam ko na ang lahat. Alam ko na hindi siya si Samantha pero natatakot ako.” At tuluyan ng bumigay si Tita emillia. Napabuntong hininga ako ng makita ko siyang umiiyak.

Nang mamatay ang Daddy nila, hindi ko gustong sisihin siya pero nagawa ko. Nagawa kong isisi sa kanya ang lahat.”

Tita.” Tanging nasabi ko habang nakatingin sa kanya. Sapo ng palad niya ang mukha.

Nung umalis siya ng bahay nagsisi ako, pero hinayaan ko siya, iniisip ko na makakabuti yun sa amin. Makakabuti yun na hindi namin masaktan ang isa’t-isa. Alam ko na nahihirapan si Samantha sa sitwasyon namin ng kambal niya.” Malungkot na patuloy niya.

Kaya ng aksidente kong malaman ang plano niya na makipagpalit kay Sabbrina hinayaan ko siya. Hindi ako nagsalita dahil ang totoo lihim akong natuwa dahil hindi ko man maamin sa kanila, miss na miss ko na ang kambal niya.” Marahan nitong pinunasan ang mga luha na naglandas sa kanyang mukha.

Nang malaman ko ang nangyari kay Samantha wala akong sinisi kung hindi ang sarili ko. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari yun sa anak ko.

Tita wala kayong kasalanan.” Agad na sabi ko sa kanya. Natigilan siya at napatingin sa akin.

Alam mo narin ba ang lahat?” Seryosong tanong niya. Marahan akong napatungo sa kanya.

Pero hindi niya pa po alam na alam ko na ang lahat.” Mahinang sabi ko, napatitig naman siya sa akin ng maigi.

Hindi siya si Samantha.” Seryosong sabi niya.

Hindi siya ang girlfriend mo—Hindi siya ang babaeng mahal mo.” Patuloy na sabi niya.

Paulit-ulit ko rin po yun sinabi sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ko pa pinagpapatuloy ito.” Ani ko, mapakla akong napangiti.

Silent TearsWhere stories live. Discover now