Chapter 5

919 39 3
                                    

#SilentTears


•••

Birthday ni Mommy ngayon at katatapos lang namin dalawin si Daddy. Ayaw pa sana umuwi ni Mommy dahil gusto niya na doon nalang sa puntod ni Daddy kami magcelebrate ng birthday niya pero darating ang ibang mga kamag anak namin and si lola na galing pa ng Australia.

Nang makauwi na kami, nagpaalam na muna ako kay Mommy na may bibilhin ako, pinayagan naman niya ako. Tinawagan ko si Karl para magpasama sa apartment ni kambal.

Kukulitin ko ulit si Sabbrina para pumunta sa bahay kahit saglit lang, kung ayaw niya na magpanggap bilang ako. Yun lang naman ang gusto ko, pumunta siya sa bahay o pumayag siya na magpalit kami.

"Bakit kasi kailangan mo pa makipagpalit sa kambal mo, kung pwede mo naman siya isama nalang sa inyo." Sabi ni Karl.

Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya, tinitigan ko siya ng maigi. Alam ko na hindi niya ako naiintindihan, hindi naman niya kasi alam ang sitwasyon ni Mommy at Sabbrina.

"Hindi naman kasi siya papayag, tsaka ngayon lang naman 'to babe, sana naman suportahan mo nalang ako." Nagsusumamong sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako ng maigi, mas pinaawa ko naman ang expression ng mukha ko para mas makumbinsi ko siya. Napabuntong hininga siya at alam ko na tanda yun ng pagsuko niya.

"Fine!" Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa sinabi niya, agad ko silyang niyakap.

"Thank you babe, the best ka talaga." Malambing na sabi ko sa kanya, napaganti naman siya ng yakap sa akin.

"Pasalamat ka mahal kita, Samantha." Sabi niya. Mas lalo akong napangiti, hinalikan ko siya sa pisngi at mas niyakap ng mahigpit.

"I love you too babe." Ani ko.

"I love you more." Tugon niya, bago ako mabilisang hinalikan sa labi.

"Sure ka na okay ka lang dito?" Tanong niya habang tumingin-tingin sa paligid.

"Yes babe, okay na ako dito." Nakangiti na sabi ko, tumingin siya sa akin at ngumiti rin.

"Tawagan mo ako kaagad kapag nagkaroon ng problema." Sabi niya, tumango naman ako agad habang nakangiti sa kanya.

Bumaba na ako ng kotse niya at kumaway sa kanya, ngumiti lang siya bilang tugon. Nang makaalis na si Karl agad kong tinungo ang apartment ni Sabbrina at dali daling kumatok sa pinto niya.

Eto ang Pangatlong beses na pumunta ako dito sa apartment niya, hindi ko alam kung bakit ayaw niya ako na nagpupunta dito. Basta sinabi niya na wag na wag daw ako pupunta dito na ako lang mag isa.

"Sabbrina." Tawag ko habang nakatok.

Walang nasagot kaya muli akong kumatok at tinawag siya. Alam ko rest day niya ngayong sabado kaya sure ako na nandito lang siya.

Habang nag aantay ako na may magbukas ng pinto, napalingon-lingon ako sa paligid. Tahimik sa lugar na yun at parang nakakatakot lalo na siguro kapag gabi.

Bigla akong natakot sa siguridad ng kambal ko, lalo na kapag uuwi siya ng gabi galing trabaho, tapos mag isa lang siya dito. Compound kasi yun at malayo yung ibang mga kapitbahay niya.

Napatingin ako sa lalake na nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan sa klase ng tingin niya, para kasing hindi gagawa ng mabuti ang lalake na yun. Ngumisi pa ito at kumindat sa akin kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot.

Buti nalang bumukas na ang pinto ng apartment ni kambal. Napangiti ako sa kanya, halata namang nagulat siya ng makita ako at mukha siyang bagong gising. Dali dali akong pumasok sa loob ng niluwagan niya ang bukas ng pinto.

Silent TearsWhere stories live. Discover now