CHAPTER 23: BUSTED

54.6K 2K 406
                                    

Chapter 23: Busted

~VICTORIA~

"N, halika rito."

Tumakbo ang bata tungo sa direksyon ng lalaking tumawag sa kanya. Agad siyang humawak sa kamay nitong nakalahad at sinabayan itong maglakad habang magkahawak-kamay.

"Malapit na ang ika-walong kaarawan mo, N," wika ng lalaki. Hindi man lamang masulyapan ng bata ang mukha nito.

"I'll be 8, Dad! What will I have on my birthday?" Excited na tanong ng bata.

"What do you want?"

"A tight hug and one more story at bedtime!"

"I can give that always."

"But that's what I want."

Yumuko ang lalaki upang magpantay ang mukha nila ng bata. "Think of something that you'll be able to live comfortably with when you grow up, Tart."

"Pero Daddy, iyon ang kailangan ko. I can live comfortably with that!"

Huminga ng malalim ang lalaki. "Daddy doesn't always have bedtime story, sweetheart. I will run out of all the stories in the world."

"E di ulitin mo na lamang 'yong mga naikwento mo na, Dad."

Mas lalong napabuntong-hininga ang lalaki. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng bata. "Listen sweet tart, Daddy will not always be by your side."

"What?! Why is that?"

"Daddy have to go somewhere."

"I will go with you!"

Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Hinablot ko ang tumbler na nasa gilid at agad na uminom. Heto na na naman ang panaginip ko tungkol sa mag-amang iyon. Dati ko pa iyong napapanaginipan mula pa noong bata pa lamang ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala kung sino ang batang iyon.

Sigurado ako na hindi iyon ako. Mahaba at tuwid ang buhok ng bata. Kahit anong isip ko rin sa mukha nito ay malayong-malayo kami. Sinubukan ko ring tingnan ang mga dating larawan nina Gia at ng iba pa naming pinsan ay wala rin akong makitang kamukha ng bata.

Minsan ko na rin na naisip na marahil ako ang batang iyon at nadisgrasya ako kung kaya't wala akong maalala tungkol doon. Kaya rin hindi ko makilala ang bata ay dahil napasailalim na ako sa plastic surgery kaya iba na ang mukha ko ngayon— pero hindi.

Wala man lamang akong kahit isang peklat sa katawan na nagsasabing nadisgrasya ako dati. Pinasuri ko rin sa eksperto ang mukha ko at ayon sa kanya ay walang palatandaan na dumaan sa kung ano mang surgery ang mukha ko.

Naisip kong marahil ay isa akong witness sa buhay ng batang iyon. Minsan ko ring napanaginipan ang bata na walang humpay na umiiyak. Sa ngayon ay kailangan kong alamin kung ano ang nalalaman ko tungkol sa batang iyon.

Dumako ang tingin ko sa relos sa mesa. Isasagawa na namin mamayang gabi ang aming proyekto na kung magagawa namin ng maayos ay magpapakilala na sa amin ang nasa 'taas'.

Tumayo ako sa kama at nagsimulang maghanda. Kailangan naming magtagumpay mamayang gabi. Kailangang-kailangan.

~SA-EL~

My eyes scanned through the blue print of the hotel na tinutuluyan ngayon ng pekeng Ambassadress. I have few things in thought, including our operation few hours. Matapos ang ilang araw na paghahanda at pagbubuntot kay Margaret, Mimo was able to identify her routines.

I already made manipulations with the hotel vents and other escape routes. For normal circumstances, I would have thought that our plan is flawless and success is guaranteed. In this case, I am not confident. We're not dealing with a normal person. Margaret Hakonsson aka Victoria is a burglar-murderer na namamayagpag sa larangan niya dahil hanggang ngayon ay kinikilala pa rin siya bilang si Margaret and no one stepped in para pasinungalingan ang kanyang pagkatao.

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon