CHAPTER 35: REFUGE

39.5K 1.7K 511
                                    

Chapter 35: Refuge

~VICTORIA~

Halos lakad-takbo ang ginawa namin ng hacker upang makalabas kami sa gusaling iyon. Huminto siya upang hubarin ang suot niyang polo at iniabot iyon sa akin.

“You should wear this,” wika niya at bahagyang nag-iwas ng tingin. Walang sabi-sabing tinanggap ko na lamang iyon at sinuot. Halos magkasingtangkad lang kami kaya’t kalahati lang din ng katawan ko ang natatakpan ng damit niya. Isang rumaragasang sasakyan ang huminto sa harapan namin at bumukas ang pinto niyon.

“Sakay na! Bilis!” sigaw ni Sa-el na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Hinila ulit ako ng hacker na tila ba hindi ko kayang protektahan ang sarili ko. Maingat na inapasok niya ako sa loob bago siya sumakay at mabilis na pinaandar ni Sa-el ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

“V, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa’yo? Did they do anything to you?” sunod-sunod na tanong ni Sa-el. Nakatingin siya sa akin sa pamamagitan ng salamin dahil nagmamaneho siya.

“Ayos lang ako.”

“Fuck, why are you in the hacker’s shirt? And why is he topless?” tanong niya ulit at biglang napapreno ngunit muling nagpatuloy sa pagmamaneho. Narinig ko pa ang mahihina niyang pagmumura at sinamaan ng tingin ang hacker. “Did they fucking rape you?”

Nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Hindi, ayos lang ako. Pinapakita ko lang sa kanila na walang kahit ano sa katawan ko na makapagtuturo kung nasaan ang mga stolen items ng Black Diamond.”

“Fuck. Who the hell stripped you? Gigilitan ko sa leeg!” nangigigil na sabi niya. Naririnig ko naman ang mga “tssk” ng hacker sa tabi ko.

“She did that to herself Verona.” sagot ng hacker.

“What?!” halos hindi siya makapaniwala narinig. Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim. Hindi pwedeng ganito na lamang ang mangyari. Hindi titigil si Homer- o si Clover ng Black Diamond. Base sa nakikita ko sa kanya kanina, siya ang tipo ng taong gahaman. Nasa kanya na ang lahat ngunit kailangan pa rin niya ng mas marami pa.

Hindi ko maintindihan ang ganoong mga tao. Hindi marunong makuntento. Kayang pumatay para sa mga bagay na panandalian naman.

“Sa-el pakihinto ng kotse,” wika niya.

Bigla ulit siyang napapreno nang marahas at nanlalaki ang mga matang lumingon. “Ano?”

“Victoria...” nagtatakang napatingin na rin sa akin ang hacker. “Anong binabalak mo?”

“Maraming salamat sa ginawa ninyo ngayong gabi, sa tingin ko ay hindi ko na dapat kayo aabalahin pa.” Tinapik ko ang balikat ni Sa-el at bahagyang tumango sa hacker bago binuksan ang pinto para bumaba ngunit pinigilan nila ako.

“What is it V?” tanong ng hacker. “Is this your pride telling you not to lean on people? V hindi sa lahat ng pagkakataon ay ipagpipilitan mo na independent ka. Na hindi mo kailangan ng sinumang magliligtas sa’yo.” Naririnig ko ang galit sa kanyang boses.

Ngumiti ako sa kanila. “Hindi ‘to tungkol sa pride. Sa tingin ko ay ito ang tamang gawin. Malaki ang pasasalamat ko sa inyong dalawa, at sa tingin ko ay hanggang doon na muna iyon-- ngayon. Tiyak ko namang sa susunod ay kakailanganin ko ang tulong ninyo at ako na mismo ang lalapit sa inyo. Alam mo ‘yan Sa-el at kailangan mo iyang malaman hacker.” Maraming beses nang humingi ako ng tulong kay Sa-el. Noong niligtas namin si Calvin ay siya ang naging kasangga ko upang maging maayos at pulido ang plano. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya.

“Then why are you leaving?” frustrated na napahawak si Sa-el sa kanyang buhok at bahagyang minasahe ang noo. “Hindi ko maintindihan V.”

“Hindi ibig sabihin na nakaligtas tayo ngayon aay hindi na ulit sila gagawa ng hakbang upang makuha ulit ako. Isa pa, may kanya-kanya tayong buhay. Sa-el sa tingin ko ay kailangan mong magpahinga. Mukha kang pagod lately, at ikaw naman hacker, sa huli ay malaki pa rin ang utang na loob mo sa lolo mo at isa pa ay kadugo mo siya.”

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon