CHAPTER 27: 24 HOURS WITH VICTORIA (PART 2)

45.2K 2.1K 674
                                    

Chapter 27: 24 Hours with Victoria (Part 2)

~RYU~

Itinaas ko ang dalawang kamay ko nang itinapat ng lalaki ang baril sa amin. I took a step backward but he got off and took a step forward. Sinubukan kong umatras ulit ngunit naramdaman kong hinawakan ni V ang laylayan ng damit ko upang pigilan ako sa pag-atras.

Bumaba na rin ang lalaking hawak-hawak ang wallet ko. He pulled my cold cash and tossed my empty wallet in the backseat. Inilagay niya sa back pocket niya ang pera at tiningnan si V.

"Pare, chix," he said and giggled like crazy.

Out of impulse, I pulled V closer to me with my arms on her waist. Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko niya sa tagiliran ko. I gave her a 'stay still' look and she really stood still.

"Parak yata kaya may baril," wika ng isa sa tatlo. He was the one who opened my glove compartment.

"Hindi, mayaman lang yata kay may baril," wika ng isa.

"Nasiraan kami ng sasakyan," V said without any hint of fear.

"Sorry Miss, pero hindi na kayo pwedeng umalis dito hangga't..."

"Hangga't?" I asked.

"Hangga't hindi niyo kami natatalo sa inuman! Ha! ha! ha! ha!" They all laughed like crazy and they event fist bumped. Hindi ko maintindihan ang amoy ng ininom nila na nahaluan na ng amoy ng sigarilyo at kung anu-anong kinain nila. I know V doesn't like the smell of their breath too since I saw her nose twitched when the guy talked.

"Ibalik niyo ang pera niya," V said.

Sumagot ang lalaking may hawak ng bote. "Sorry ulit Miss, finders keepers eh kaya sa kanya na 'yon."

Sasagot pa sana si V ngunit hinigpitan ko ang hawak sa braso niya, to prevent her from doing so. It's just money anyway. Ang importante ay ligtas kami.

"You can keep the money. In exchange of my gun, give us water," pakikipagnegotiate ko. Mukha namang matalino ang isa sa kanila kaya marahil ay naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

Umikot ang dalawang kasama nito sa likuran namin. Matapos umikot ay may ibinulong ang isa sa kanya. Damn, it annoys me when I see people whispering.

"Trespassing kasi kayo dito sa lupain ko," wika ng nasa harap namin.

"We took a shortcut kaya hindi namin alam. Isa pa ay madilim ang daan. How would we know we're crashing private properties?" sagot ko sa kanya. In fact I have another gun hidden in my car kaya lamang ay hindi ko iyon makuha since they're on the way.

"Kahit na... Kailangan mong talunin ako sa inuman!"

Nilingon ako ni V. "Ako na ang bahala sa may baril, ikaw naman sa dalawa," she said in a low voice.

Biglang tumawa ang lalaking nasa harap ko. "Naririnig kita. Kung ako sa inyo ay huwag mo nang ituloy ang binabalak mo. Hindi mo ba ako kilala?"

Normally, if the situation isn't like this, I would have talk back and tell him he's not famous to be known ngunit pinigilan ko ang sarili ko. It will only do no good lalo na sa kinalalagyan naman ngayon.

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon