PROLOGUE

210 6 12
                                    

Tik... Tok... Tik...

11:59 PM

Isang minuto bago sumapit ang hating gabi, isang babae ang aking nasilayan na nakatanaw sa kawalan.

Nagmamatyag.

Nag-aabang.

Mababanaag sa kaniyang mga mata ang lungkot at hinagpis.

Lalo pa itong maaaninag nang tumama sa kaniyang mukha ang liwanag na mula sa buwan.

Ngunit...

Ano ito?

Tila tumagos sa kaniyang katawan ang liwanag mula sa bilog na buwan.

Alam kong hindi siya kabilang sa mundong ito.

Alam ko na hindi na siya dapat nandito.

Ilang saglit pa't dahan-dahan itong gumalaw at tumingin sa kinatatayuan ko.

Nanginig ako.

Kinilabutan.

Pero itong tagpong to, ang pinakahihintay ko.

Unti-unti siyang nalapit sa akin. Nakalutang ang kaniyang katawan at hindi ko maaninag ang kaniyang mga paa.

Isang dipa nalang ang layo niya sa akin nang bigla siyang maglaho. Kasabay nito ay ang isang malamig na hangin na dumampi sa aking katawan. Lamig, na nagbigay sa akin ng matinding kalungkutan.

Habang nararamdaman ko ang lamig na bumabalot sa buo kong katawan, isang bulong ang nahagip ng aking pandinig.

"Tulungan mo kong makatakas..."

Tila ibinulong niya ito sa aking tenga sapagkat naramdaman ko pa ang kaniyang paghinga.

Sa pagkakataon na iyon, napapikit ako. Kasabay nito ay ang pagpatak ng aking mga luha.

"Tama na,  magpahinga ka na..."

STRANDED SOUL (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon