20 years ago...
"Mrs. Carmelita Del Mundo?", pagtawag ng isang babae na lumabas mula sa isang silid.
"Ako po 'yun Ma'am", sagot naman ng ginang na tinawag.
"Pasok na po kayo sabi ni Dok", tugon ng babae at inihatid ang ginang sa loob ng silid.
Pagkapasok nito ay pinaupo ang ginang sa upuan na nasa harap ng doktor. Agad naman siyang umupo at halatang may pilit hinahanap ang kaniyang mga mata.
"Magadang araw po Dok", pagbasag ng ginang sa katahimikan.
"Magandang araw din po Misis", pagbati ng Doktor habang binabasa ang ilang mga papeles sa ibabaw ng mesa nito. Ilang saglit pa ay tinanggal nito ang kaniyang salamin at nagpakawala ng isang buntong hininga habang binababa ang mga binabasa na papel.
"Tatapatin kita Misis ah", panimula ng Doktor. " Wala akong nakikitang mali sa anak mo. Ngunit, marami siyang mga iginuguhit na hindi ko maipaliwanag."
"Dok, ano po ibig niyong sabihin?", tanong ng ginang na may labis na pag-aalala.
"Bilang isang Doktor, dapat ay bumabase ako sa clinical investigation ng pasyente. Ngunit, hindi ko kayang magkibit balikat matapos ko makita ang mga iginuhit ng anak mo", patuloy na pagpapaliwanag ng doktor.
"Dok, ano po ba iyon?"
"Misis, mas madali sa akin kung sasabihin kong na malakas lang ang imahinasyon ng anak mo. Kaya lang, sa tingin ko, hindi doktor ang kailangan niyo".
"Ano po?"
"Mas kailangan niyo po ng tamang gabay sa ganitong klase ng bagay", pagkatapos sabihin iyon ng doktor ay may iniabot ito sa ginang at ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag.
"Maaari niyo pong puntahan ang taong iyan. Siya na po bahala magpaliwanag ng lahat sa inyo. Ipadadala ko rin po ang lahat ng naiguhit ng anak niyo".
Continue Reading Here:
https://cutt.ly/Stranded-Soul---Arbegail-Lapid
BINABASA MO ANG
STRANDED SOUL (On-Going)
Horror"Tulungan mo kong makatakas...", ito ang paulit-ulit na tinig na gumagambala sa noo'y tahimik na buhay ni Annaliza. Simula nang makaligtas siya sa isang aksidente, tila may hindi masaya sa kaniyang pangalawang buhay. Masasabi niya bang biyaya o sum...