Chapter 3

85 2 0
                                    

Isang pagsabog ang narinig ni Annaliza kasunod nang pagliwanag ng mga ilaw. Kasabay nito ay ang tuluyang pagbagsak ng kaniyang mga luha habang pinagmamasdan ang kaniyang paligid.

"Surprise!!!"

Sabay-sabay na tinig ang bumungad sa kaniya. Dito na niya napuna na ang kaniyang mga katrabaho ay nakapalibot na sa kaniya.

"Oh my God! Nasobrahan yata tayo Boss!", puna ng isa sa kanila.

"Hala nako sissy! Sorry mukhang natakot ka ng sobra", pagpapakalma naman sa kaniya ng matalik niyang kaibigan na si Faith.

Agad nagpunas ng luha si Annaliza. Magkahalong kaba, takot at hiya ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Ni hindi niya alam kung paano o ano ang unang salita na dapat niyang bigkasin. Mabuti nalang at binasag ng kanilang Boss ang bumabalot na tensyon sa buong silid.

"Ms. Annaliza Alcantara, we would like to congratulate you for being the new Senior Marketing Manager of Lincoln Properties. I hope this surprise was not too much", wika ni Mr. Mike Delgado ang Director ng Marketing Department.

"A bit sir, but thank you for the effort. I just didn't expect this", matipid na tugon ng dalaga.

"Nako girl, sorry talaga mukhang natakot ka nang bongga sa pasabog namin. Gusto ka lang naman namin i-surprise", pagpapaliwanag ni Faith na may halong pang pag-aalala para sa dalaga.

"Hindi, ano ka ba wala yun. Sobra kong na-appreciate yung effort niyo. Maraming salamat po talaga. Lalo na sa inyo Sir".

"Don't thank me Anna -we thank you for your hard work and dedication. You really deserve the position. So, shall we?"

Matapos bigkasin ni Mr. Mike ang kaniyang pagpapasalamat sa sipag ng dalaga ay itinuro nito ang mga nakahandang pagkain sa mesa. Ipinasok ito ng kaniyang mga katrabaho ilang sandali matapos siyang sorpresahin.

"Tara kainan na!" udyok ng isa niyang katrabaho na si Brent.

"Sige, tara kain na. Teka, salary deduction ba to?" pabirong tugon ni Annaliza sa kaniyang mga kasamahan habang sumasandok ng pagkain na inihanda para sa kaniya.

Matapos ang ilang pagsandok ay bigla niyang nabitiwan ang serving spoon nang may mapuna siyang kakaiba.


Gusto mo bang malaman kung ano ang nakita niya? Continue reading here: https://cutt.ly/Stranded-Soul---Arbegail-Lapid


STRANDED SOUL (On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang