3rd shot

74.8K 849 216
                                    

waaaa salamat po ng marami sa votes and comment niyo... ung pong hindi ko nareplyan sorry po cp lang kasi gamit ko, minsan mabagal pa ung connection T_T

anyweiz ^__^ pls vote and comment po ulit ^___^.... halab you ol ^___*


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


lawrence's pov


"honey?" 

"babe?"

"darling?"

"sweetheart?"

"cupcake?" tanong sakin yan ni gavin habang hinahatak ko siya palabas ng mall, pano ba nman kasi bigla siyang tumakbo palapit sakin at inakap ako, >,< nakakahiya lang sa mga tao sa foodcourt at dun pa kami gumawa ng eksena, sa totoo lang gusto ko lang nman sana sabihin niya sakin na di niya kaya na wala ako, am more than willing na sa mahan siya sa lahat ng lakad niya o kahit saan pa niya gusto, kaso lang pag tinatanong ko siya na kung mamatay ba siya lagi na lang siyang speechless hays parang kaya niya na wala ako, samantalang ako nman mamatay pag nawala siyaT_T

"para kang bata" sabi ko kay gavin pagpasok namin sa sasakyan, namimili kasi siya ng magandang endearment namin kasi daw KAMI na, ayoko din nman kasi magkaroon kami ng endearment nababaduyan kasi ako sa ganun...

"ahmmm baby kaya?,,, beh? beb?.. love?, nakakainis nman mag suggest ka kasi" napatingin ako bigla kay gavin nung nilabas niya ung cellphone niya at biglang nag google ng possible endearment namin >,< tssssssss

"para talagang bata" sabi ko na lang ng mahina pero alam ko naman na narinig niya, kasi bigla siyang nag pout,,, ganda talga niya kahit pa naiinis na siya sakin...

habang asa sasakyan kami, wala pa din tigil si gavin sa kakasabi ng mga endearment namin, sinabi ko na nga sa kanya na ayaw ko ng merong endearment, pwede nman na walang endearment bakit kailngan pa ng ganun? , kaya kahit tinatapik na niya ung balikat ko para magsabi ako ng gusto ko na tawagan namin isinasagot ko na lang sa kanya na 'para kang bata'.

"lawrence pauwi na si papa mo, kaya kung ako sayo itigil mo na yang kinakalokohan mo" bungad yan sakin ni mom pag pasok na pagpasok ko pa lang sa bahay, alam ko nman kung ano ung sinasabi niyang kalokohan ko, si gavin lang nman un, ahhh nahhh erase that ung girlfriend ko un..

alam ni mama ung tungkol samin ni gavin pero hindi un alam ni papa ko, kasi nman bata pa lang ako lagi na niyang sinasabi sakin na kailngan ko daw pakasalan si princess, princess is a good friend of mine, at parehas kaming aware na gusto ng mga parents namin na ipakasal kami soon, good thing parehas kami ng feelings ni princess na hanggang friends lang kami, at lalong lalo na alam namin parehas na di kami pwede.

"ma ilove u po aakyat na ako" sabi ko kay mama at tumalikod na ako papunta sa kwarto ko, pagod na din kasi ako at kailngan ko ng matulog ng maaga para sa game namin bukas, kailngan ko din tawagan si gavin at mukang talgang nag tampo siya sakin kanina, di kasi niya ako pinansin nung hinatid ko siya sa bahay nila.

"goodnyt gavin" sabi ko kay gavin habang kausap ko siya sa kabilang line, tama nman ako diba ang ganda nung pangalan niya, ang sarap bangitin tapos gusto niyang palitan ng mga endearment na yan tsssss

"baby, babe, sweetheart, darling" tssssssss nag simula na nman siya, naiinis na ako malapit na malapit ko na siyang maaway T_T

"para ka talang bata" -_- bigla na lang binaba ni gavin ung cellphone, tinatawagan ko ulit siya pero hindi na siya sumasagot >,< ayaw ko nga kasi ng endearment na yan!!! pakiramdam ko kasi pag merong ganun asa 3rd year high school lang kami, madami nman din akong kilala na walang endearment pero nag tatagal sila, bakit samin di pwede? ay ewan!!

magaling ung kalaban namin sa kabilang team pero mas magaling pa din kami, at mas lalo kong ginagalingan dahil nanunuod si gavin, aun nga lang hindi siya nag ccheer sakin, di gaya nung ibang kasama ko na halos matangal na ung mga ipen ng girlfrieds nila kakasigaw ma cheer lang nila ung boyfriends nila.. naisip ko tuloy sa endearment na naman yan kaya ganyan yan si gavin..

waaaaaaaaa boyfriend ko yan!

goooooo honeyyyyyyyyyy!

goodjob muffin!!!!

sigaw yan ng ibang mga babae sa paligid ng court, diba ang panget pakingan my muffin pang nalalaman pwede nman tawagin na lang sa pangalan ung boyriend nila, malalaman kaya nung boyfriend nila na sila ung chinicheer nila kung hindi ung pangalan nila ung tatawagin nila? tssss daming arte kasi >,<

"bakit ka ba nakasimagot?" tanong ko yan kay gavin nung half time ung game namin, pano kasi lahat halos nag sasaya at sumisigaw siya lang ung nakaupo tpos nakatingin lang samin na kala mo napakaboring nung pinapanuod niya, di ba niya naisip na ginagalingan ko para sa knya tapos nakasimagot lang siya ng ganyan? tsss PMS siguro...

"wala LAWRENCE!" i kiss her forhead para lumamig nman ung ulo niya, alam ko naman na dahil inempasized nya ung name ko, alam ko na tungkol na nman un sa endearment hays si gavin ko hindi makapag move on... malaman ko lang sino nag pauso ng endearment na yan mapapatay ko, nagkakaroon tuloy kami ng problema ni gavin dahil dun.

"para kang bata" sabi ko while running away sa pwesto niya,, mag sstart na din kasi ung game..

natapos ung game namin at ano pa aasahan niyo siyempre kami ung nanalo, gusto ko sana puntahan agad si gavin kaso bigla akong hinarang ng isang jr. reporter sa school nmin, kailngan daw niya akong interviewhin kasi daw ako ung pinakamadaming na score sa game, at ung interview ko na un live na mapapanuod sa big screen sa labas ng gym...

"congratulations mr. perez, any words from your fans sa labas ng gym?" sabi nung jr. reporter habang tinitignan ko si gavin na palabas na ng gym,, maisip ko tuloy na siguro sa labas na lang siya ng gym mag iintay sakin, ok lang din nman un makikita din nman niya ung interview ko sa big screen ^____^

"salamat po sa support niyo, sana sa next game manuod po ulit kayo..."

"nga pla gavin joehan vitan!!! if your watching right now..... para sayo ung game na un mahal ko!"


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


waaaaa ano masasabi niyo baduy na ba? T_T sorry on the spot ko yan ginawa eh T__T sira kasi si lappy ko kaya sa internet shop lang ako ngayon T____T pls vote and comment,,, sorry kung pangit

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Where stories live. Discover now