sa kanya.... chapter 23

36.9K 447 193
                                    

KASI ANG DAMING VOTE AT COMMENT SA LAST UPDATE NAALIW AKONG MAG SULAT!!!! SALAMAT GUYS AHHHH PLS DO COMMENT AND VOTE AT BE A FAN NA DIN SANA HEHEHEHE MWAHHHHHHHHHHH!!!

HAPPY WEEKEND!!!!

chapter 23

paul's pov

andito kami ngayon sa battle of the university, nakapila para sa gagawing laban, meron daw kasing konting changes sa gagawing laban, kaya tinitpon tipon muna lahat ng contestant bago mag simula ung laban.

di nman ako natatakot sa changes na un dahil alam kong magaling kami, kampante ako na kami ung mananalo, lalo na parehas magaling ung singers namin, si lawrence di nmin siya kasama, humiwalay sila nila princess kaya kami lang nila gavin at jerus ung mag kakasama ngayon sa pila

"guys, eto na ung changes, sobra kasing madami ung sumali this year so ganito gagawin natin, isshuffle natin ung mga songs, kung kanino natapat ung isang kanta aun na ung kakantahin ng bands, so kung hindi niyo alam ung kanta, disqualified na agad okey?" 

napatingin ako agad sa paligid kung anong reaction nila dun sa sinabi ng anouncer, ako medjo kinabahan kasi hindi ako sigurado kung alam ba namin ung matatapat na kanta para samin, di nman kami pwedeng madisqualified lalo na umaasa ung buong university samin.

"tangna, sa kanya satin, alam mo ba to babe, pag duet? asan ba kasi ung pesteng lawrence na yan? alam ba niya to?" tanong ko sa grupo, alam ko kasi na kaya namin ni jerus ung kanta na un tugtugin kaso ang problema namin kung alam  ba un ni lawrence

"alam ko yan, SA KANYA  diba gavin? SA KANYA pa rin babalik?" >___< pwede kayang pumatay?!! ako lang ba nakakahalata na parang merong ibang meaning si lawrence dun sa sinabi niya? o adik na ako?

"o tara tara 1 hour lang meron tayo para mag practice" sabi ko sabay hawak sa kamay ni gavin, na mukang natulala ata sa sinabi ni lawrence, kakainis nman kasi bakit un pa ung kanta?

lawrence's pov

hindi na ako umaasa na sasama pa sakin si gavin, nagyon ung araw na sinabi ko sa kanya na lumayo kami, pero sa pinapakita niya sakin na pag iwas, mukang wala na kaming pag asa, kung dati pag bumabanat ako, nakikita ko ung kilig niya sa mga mata niya, nagyon parang wala na, pag mamaya hindi siya dumating, alam ko na, mag momove on na talaga ako, tatangapin ko na lang siguro habang buhay ung parusa niya sa ginawa ko sa kanya dati.

"ready?" mahina kong tanong kay gavin habang paakyat kami sa stage, pero wala akong nakuhang sagot sa kanya, kahit ngiti, kahit ano wala

nagpalakpakan lahat ng tao nung pagpasok namin, halos 13 na bands na lang mag lalaban, sisiguraduhin ko na mananalo kami, at sisiguraduhin kong mararamdaman ng kahit sino ung meaning ng kanta namin, para alam nila na nothing can stop us

 lawrence: namulat ako, at ngayo'y nag iisa

pagkatapos ng ulan

wala akong pakielam kung madaming nanunuod, gusto ko lang titigan si gavin nagyon, kasi alam kong eto na ung huling pag kakataon na matititigan ko siya ng ganito, lalayo na ako, kasama ko man si gavin o hindi lalayo na ako, para matapos na lahat, para wala na din masaktan.

gavin: bagamat nakalipas na,

ang mga sandali, ay namumuni kung ako'y nag wagi

pinipilit mang sabihin, na ito'y wala sa akin

lawrence: sanay dingin ang tinig kong, nag durugo

parin

lumakas ung kabog ng dibdib ko nung hinawakan ni gavin ung kamay ko, titig na titig din siya sakin, ung meaning nung kanta sana ganyan talaga ung nararamdaman niya para sakin. sana alam niya na kaya namin, sana maniwala siya na kaya ko na

duet : sa kanya parin babalik sigaw,

nang damdamdamin, sa kanya parin, sasaya

bulong ng puso ko, kung buhay pa ang alalala

ng ating nakaraan, ang pag mamahal at panahon alay parin sa kanya

pinipigilan kong wag maiyak, dahil alam kong makakaapekto sa boses ko ung pag iyak pero, sana ganung kasimple, kagaya ng kanta namin ngayon, kahit anong nangyari, sa akin pa din niya gustong mag stay, sana parang kanta na lang buhay namin, para ganung kadaling gawin.

nagpalakpakan lahat ng tao, ng matapos kaming kumanta, tinignan ko si gavin na nag bow sa mga tao, ung mga mata niya basa ng luha, ang saya siguro niya kaya siya naiyak. pagtapos nun lumapit sa kanya si paul at inakap siya, ang sakit lang, sana ako na lang ung kaakap niya. 

di ko na inintay kung mananalo ba kami o matatalo, umalis na agad ako at nag impake, iintayin ko na lang si gavin, kung sasama ba siya sa paglayo ko o hindi bahala na.

tinignan ko ung orasan ko, 2am na ng madaling araw 4 na oras ko ng iniintay si gavin, ' tanga mo ' bulong ko sa sarili ko, umaasa kasi ako na dadating siya, umaasa ako na kahit hindi ko siya pinili nuon, ako ung pipiliin niya ngayon, pero sa ginawa niyang pag akap kay paul kanina, alam ko na hindi siya dadating, tanga lang umasa kasi ako

'hanggang sa muli mahal ko' mahina kong sabi sabay tayo, kailngan ko ng umalis, at mahuhuli na ako sa byahe ko sa barko, sana maging masaya na si gavin, sana pag nagkita ulit kami, pwede na, sana wala ng hahadlang

sobrang bigat ng pakiramdam habang asa byahe ako, maalon ung dagat pero pakiramdam ko mas maalon ung mga mata ko kay akahit anong pilit ko na wag nag umiyak, hindi ko mapigilan, minsan kasi naiisip ko na bakit kaya kailngan mong iwan ung isang tao na alam mo nman na mahal mo, bakit hindi pwedeng maging masaya na lang kami? dami kong tanong pero alam ko sa pag layo ko na to masasagot lahat ng mag un, baka nga kasi hindi nman kami talga para sa isat isa.

"alam mo bang crush kita?" napatingin ako bigla sa likod ko nung narinig ko ung boses na un, boses na alam kong bubuhay sakin, boses na kahit kailan hindi ko pag sasawaan

"alam ko, bakit alam mo bang di kita crush?" sabi ko sabay akap kay gavin

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ANO MASASABI NIYO? AKO KASI KINILIG DITO EH AHAHAHAHA!!!! PLS DO VOTE AND COMMENT ULIT AH.... UNG NAG SABI NG PANGIT TO AT NAG PM NA SORRY, SORRY DIN BUT THE DAMAGE HAS BEEN DONE HAHAHAHA SALAMAT SA LAHAT NG SUPPORTERS AT GINANAHAN AKONG MAGSULAT MWAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon