sa kanya.... chapter 13

42K 387 90
                                    

chapter 13

gavin's pov

agad kong sinara ung gate nung sinabi ko na umalis na si lawrence, sobrang sakit na kasi, alam mo ung pakiramdam mo lahat ng tao na malalapit sayo niloko ka?, tapos ung taong mahal na mahal mo kasama mo nga pero alam mo na sa ibang babae uuwi, ang hirap ang sakit! tapos nung kasama mo siya kanina hirap na hirap kang pigilan ung sarili mo na wag sabihin sa kanya na, hanggang ngayon mahal mo pa din siya, pero natatakot ka na, ganyan ang pakiramdam ko ngayon.

nung nakita ako ni lawence kanina sa ulan, halos masiraan na nman ako ng ulo kakaisip kung kanino ba ako dapat pumunta., gusto ko kasing umiyak ng umiyak kaso hindi ko alam kung kanino ba dapat ako umiyak, gusto ko nun puntahan si paul dahil alam ko sa kanilang lahat si paul lang ung may magandang dahilan kung bakit siya nag sinungaling sakin, kaya lang naisip ko, pag ba nalaman na niya na okey na ako, hahayaan na niya ako? natatakot ako na pati si paul iwan ako dahil nasiraan ako ng ulo dahil lang sa sobra akong nag mahal.

"anak?" napatingin ako bigla kay mama habang nakasandal pa din ako sa gate ng bahay namin, di ko kasi alam kung papasok ba ako o hindi,

"bakit ma?" sabi ko sabay akap kay mama, kailngan ko ng akap ngayon, nakakatakot kasi ayoko ng bumalik sa dating ako, nakakatakot na masiraan ng ulo, nakakatakot na meron kang ibang naririnig na hindi naririnig ng iba.

"patawarin mo kami anak" mas lalo kong hinigpitan ung akap ko kay mama, para maramdaman ko na si mama na ung kaakap ko, kasi pakiramdam ko naiwan sa katawan ko ung akap sakin ni lawrence kanina, akap na matagal ko ng gustong maramdaman. gusto kong magalit kay mama kung bakit nila tinago sakin lahat, pero sa isang banda naisip ko na tama nga ung ginawa nila sakin, kasi dun sa mga panahon na hindi ko naaalala si lawrence hindi ako nasasaktan ng ganito.

"ma ayoko ko ng bumalik sa dati ma pls" halos hindi ko masabi kay mama, alam kong naiintindihan ni mama ung sinasabi ko na ayaw ko ng bumalik sa dati, alam ko na nman sa sarili ko na hindi na ako masisiraan ulit ng ulo, dahil tinapos ko na lahat kanina ung dahilan kung bakit ako nawala sa sarili kong pag iisip dati. ayoko ng bumalik kay lawrence kahit pa sobra ko siyang mahal, at hanggang ngayon sa kanya pa din.

lawrence;s pov

"bakit kasi hindi mo pa sinabi kay gavin lahat renren!" sabi sakin ni princess yan habang umiinum ako ng beer, alam kong 6am na pero hindi pa din ako makatulog simula kagabi, kailanagan kong pakalmahin ung sarili ko, masyado akong naguguluhan, lalo na ngayon na naaalala na kami ni gavin, natatakot ako na lumayo siya sakin, natatakot ako na mawala ulit siya.

"cess di na niya kailngan pang malaman" sabi ko sabay lagok ulit ng alak, gusto kong malaman kung ano ngyari sa kanya dati, gusto kong malaman lahat, di nman kasi sinabi ni danica ung dahilan kung bakit di ako maalala ni gavin, si gavin na lang daw tanungin ko dun.

"ang tanga mo!!!!!" napahawak ako sa batok ko nung bigla akong binatukan ni princess.

oo siguro nga tanga ako kasi naduwag ako, hindi ko napaglaban si gavin sa mga magulang ko, hindi ko sila naproteksyunan nung mga panahon na idedemanda ng tatay ko ung dad ni gavin dahil nag nagnakaw daw ng malaking halaga sa kompaniya namin, nakiusap ako nun kay papa na wag ng idemanda ung dad ni gavin dahil alam ko na sobrang masasaktan nun si gavin, kaya para mapapayag si papa na wag idemanda ung dad ni gavin sinabi ko kay papa na hihiwalayan ko na si gavin. 

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Where stories live. Discover now