Confession 1

3.7K 134 4
                                    

Hi, ako si Diane and I have a confession to make. Sa mundong ito, hindi lahat nakakaalam pero isa akong... diyosa.

Joke lang, hindi!

Sa unang tingin mapagkakamalan niyo siguro akong tomboy dahil sa pormahan ko. Pageboy haircut, check. Faded, ripped jeans, check. Mukha na hindi nakapintura - I mean hindi naka-makeup, check na check.

"Itigil na natin 'to!"

"Sawang-sawa na ako!"

"Break na tayo!" ay mga katagang hindi ko maririnig dahil wala naman akong jowa. No boyfriend since birth ako. At ako lang siguro sa high school batch namin ang grumadweyt na walang In a relationhip status.

Ewan ko ba sa iba kong batchmates. Atat magka-lovelife? Tapos 'pag iniwan, akala mo naman katapusan na ng mundo. 'Yun ang hindi ko maintindihan. Why bother with love if it hurts and leaves you broken in the end?

Kaya ako, pinili kong mag-focus sa pag-aaral at naging motto ko na ang salawikaing palaging pinapaalala sa akin ng pamilya ko: Study first before you enter the kingdom of love.

In other words, aral muna bago landi.

"Hindi ko akalaing dito ako makakapag-aral!" sabi ko paghinto ng motorsiklo sa harap ng malaking school gate. "Thank you, Kuya!"

"First day mo sa college," sabi ni kuya pagkababa ko ng motorsiklo niya, "Game ka na ba?"

"Game na!" tugon ko, pangarap ko talagang dito ako sa prestihiyosong Peruse College makapasok at natupad nga dahil sa pangako ng kuya ko na igagapang niya raw ang pag-aaral ko rito basta ba makakuha ako ng scholarship. Hindi sa pagmamayabang pero academic achiever ako no'ng high school kaya automatic akong nakakuha ng honorific scholarship dito. Hindi naman ako 'yung tipong over-over sa talino, masipag lang ako mag-aral.

"Sigurado ka bang OK lang sa iyo na hanggang dito lang sa school gate kita maihahatid?"

Tumango ako sa tanong ni kuya.

"K lang, kya," ngiti ko. "'Wag kang mag-alala sa kapatid mo, kaya ko sarili ko. Paalam, ingat ka patungong trabaho."

"Mag-iingat ka, ha. Sa Friday night pa ako babalik sa apartment para makatipid ng gasolina at pera, do'n na muna ako sa sleeping quarters ng company ko mag-i-stay," call center agent kuya ko, hindi siya nakatuntong ng kolehiyo. No'ng grumadweyt siya ng highschool, lumuwas siya rito sa Capital para makapag-ipon at tulungan ang pamilya namin. "O, andiyan na ba ang baon mo for this week? I-text mo na lang ako kapag nakulangan ka ng pera. Huwag kang mahihiyang mag-text sa akin, alam mo namang tayo-tayo lang andito at walang signal sa probinsiya kaya hindi natin maco-contact sina mama doon."

"Nandito na sa akin, kuya, ang baon ko," sagot ko tapos umalis na si kuya.

Pagtingin ko sa aking relo, mayroon pang 25 minutes bago magsimula ang first subject ko. Bumili muna ako ng lollipop sa tindahan na hindi kalayuan sa school gate, mahilig kasi ako sa sweets lalo na kapag medyo kinakabahan ako, ito ang nakakatulong sa akin para kumalma at mag-focus.

🎶 Well, you done done me and you bet I felt it

I tried to be chill but you're so hot that I melted

I fell right through the cracks

Now I'm trying to get back

Rinig ko ang music mula sa tindahan na pinagbilhan ko ng lollipop. Ang tamis ng lollipop, at nakaka-good vibes ang music. Ano nga ba title ng kanta? Kinakanta namin 'yun palagi ng childhood friend ko nung elementary pa kami. Asan na kaya bestfriend ko? Umalis kasi 'yon kahit hindi pa kami nagtatapos ng grade 6.

🎶 Before the cool dawn run out

I'll be giving it my bestest

And nothing's gonna stop me but divine intervention

"Hey, girls! Do you see that sports car?"

"Ow-em-goodness! Don't tell me it belong to...?"

"Yes, it belongs to him! Aaaaaaaaaaaah!"

Nakakabinging tilian ang nadaanan ko sa mga babaeng estudyante no'ng papasok ako ng gate, napatakip tuloy ako sa tenga ko at napalingon sa direksyon kung saan sila nakatingin. Nakita kong isang magarang pulang kotse ang paparating mula sa kalayuan. At nakita ko rin ang isang matandang babae na tumatawid sa pedestrian na nasa tapat ng paaralan!

Walang pumapansin sa matanda at kita kong uugod-ugod siya sa paglakad. 'Yong mga babaeng nasa paligid ko walang pakialam, tinuturo nila ang kotseng paparating at tili lang sila nang tili na parang mga nakuryenteng palaka. Automatic akong umalis sa grupo ng mga estudyante sa tapat ng gate at mag-isang inalalayan ang matanda sa pagtawid sa pedestrian crossing.

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyante nang huminto sa tapat namin ni lola ang pulang kotse, nasa kalsada pa rin kasi kami ni lola at naabutan nitong kotse na ito.

"I thought he also went to US of A after his brother," sabi ng isang babae sa mga kasama niya.

"He's the reason why I enrolled in Lumiere!" patalun-talong sabi ng isa pa na maarte rin magsalita. "I swear I'm gonna marry him!"

Seryoso ba sila? May artista ba? Tsaka hindi ba sila male-late sa mga klase nila?

Hinintay muna ng driver ng pulang kotse na makatawid kami ng inaalalayan kong matanda sa kalsada bago siya lumarga ulit at pumasok ng school gate. Ako naman, iniwan ko si lola kay Kuya Guard na nasa loob ng guard house do'n sa may school gate. Nagpasalamat ang matanda sa akin at tumungo na agad ako papuntang room ko, mahirap na ang ma-late, first day of classes pa naman.

Sa may hallway papuntang room ko for my first subject, nagpe-play back sa isip ko ang kantang napakinggan ko kanina. Ito ba 'yung sinasabi nilang Last Song Syndrome? Ano nga ba ang title ng kantang iyon?

Habang chini-check ko ang room number na nakapaskil sa pinto ng bawat classroom, pansin kong napapatingin sa akin ang mga tao sa paligid. Mapa-girl, boy, bakla, tomboy, their eyes are on me. Hindi ko na lang sila pinansin at binilisan ko ang paglalakad lalo pa't ilang minuto na lang at magta-time na.

"Ano'ng meron ba't sila napapatingin?" nakikipag-usap ako sa sarili ko. Weird? Well, that's just me. "Siguro dahil simpleng probinsiyana ang dating ko tapos sila mayayaman, naka-cologne lang ako tapos sa kanila mamahaling perfume, tapos naka-make up pa sila, e ako konting baby powder lang, tapos... Ay carabao!"

Biglang pagliko ko sa isang corner ay - bogsh! - natapon ang hindi pa nangangalahating lollipop ko at bumagsak ang kawawang puwit ko sa sahig dahil may bumangga sa akin na bulldozer.

Ooops, hindi pala bulldozer. Pagtingala ko ay tila bumukas ang langit at nagsikantahan ang mga anghel, napatanga ako sa kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko. Ohmigod, look at that face!

"I'm sorry, Miss!" matangkad siya at naka-eyeglass, nakakahumaling ang aurang inilalabas ng kanyang katawan, at nagka-chance akong tingnan siya sa mas malapit dahil tinulongan niya akong tumayo. "Miss, are you okay?"

"I'm... I'm..." tila ba tumahimik ang buong paligid, kita kong gumagalaw ang kanyang mga labi na malaman at perpekto ang hugis, tapos biglang nag-play sa utak ko ang kanta kanina.

But I won't hesitate no more, no more

It cannot wait, I'm --

"I'm yours!" naalala ko na ang title ng kanta na kanina pa bumabagabag sa aking isipan.

"You're mine?" nagtatakang sabi ng guy at do'n lang nabalik sa katawan ko ang espiritu kong humayo sa ibang dimensyon nang ilang segundo.

"H-huh? Wala, sabi ko, I'm alright! Bye!"

"Miss? Wait! What's your name?" rinig kong tanong ng guy.

"Diana Rose Palen, 18, Philippines."

Ewan ko kung narinig niya pa ang pagbanggit ko ng name ko dahil nagmamadali na akong tumakbo palayo sa lugar na 'yon at iniwan siya.

I'm yours? Sinigaw ko ba talaga 'yon in front of him? Nakakahiya, like super!

⭐⭐⭐

This ProbinsyanaWhere stories live. Discover now