Confession 20

990 59 0
                                    

Ilang linggo na simula nung naging kami ng boyfriend ko. Maligaya ako, oo, dahil nandiyan si Lucas palagi at ang mga kaibigan ko at matataas naman ang ratings ko sa school, pero parang hindi kumpleto ang saya ko. May nami-miss ako. Ang pamilya ko - first time kong mawalay sa kanila ng ganito katagal at kalayo, tapos hindi ako sanay na sa kanila ay may itinatago.

Umaga ng Huwebes at walang pasok buong araw dahil Holiday. Maaga akong gumising, ipaghahanda ko si Kuya Ariel ng paborito niyang almusal, Rest Day niya ngayon kaya wala rin siyang pasok. Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong gising na pala si kuya, nakaupo siya sa sala, nanonood sa cellphone niya. Sinabi ko sa kanyang umupo muna do'n at ipaghahanda ko siya ng pagkain.

Naghihiwa na ako ng mga sangkap nang marinig ko ang pinapanood ni kuya. Tawanan ng mga bata ang aking naririnig. Pinapanood pala ni kuya ang mga video naming magkakapatid no'ng mga bubwit pa lamang kami.

Ang gandang iala-ala ang mga good old days, pero ba't ako naiiyak?

Habang naiiyak, na-realize ko na hindi mo na maibabalik ang oras kaya hindi mo dapat ito aksayahin. Lalo na 'yong time mo with your love ones, you must cherish the moment, you must cherish the happiness. Hindi mo alam, 'yon na pala ang first and last time na magkakaroon kayo ng bonding na gano'n.

Napansin siguro ni kuya na umiiyak na ako. "Inday, ba't ka umiiyak?" tanong ni kuya.

"Oo," pinahid ko ang luha ko sa aking pisngi. "Naghihiwa ako ng sibuyas eh."

"Anong sibuyas, kamatis na 'yang hinihiwa mo! Mag-ingat ka sa ginagawa mo, baka daliri mo ang mahiwa mo riyan kung hindi ka mag-iingat," sabi ni kuya at pagtingin ko, kamatis na nga ang hinihiwa ko.

"'Yong totoo..." sabi ko, "Sobrang miss ko lang kasi no'ng mga bata pa tayo, kuya."

"Oo nga, ano, nakaka-miss..." sabi ni kuya, "parang kailan lang. Huwag ka nang umiyak, inday. Huwag kang mag-alala, sinabi sa akin nila mama kahapon na tatawag daw sila mamaya."

"Totoo, kuya?!" tanong ko.

"Oo, kaya ngiti ka lang," sabi ni kuya. Yahooo! Maririnig kong muli ang mga boses nila mama, papa, ate at ng pamangkin ko.

Kumain kami ni kuya ng hinanda kong almusal. Pagkatapos kumain ay nagpaalam si kuya na may pupuntahan daw siya ngayong 9:00 ng umaga kasama ang mga katrabaho niya dahil napagkasunduan nilang sabay daw silang magla-lunch mamaya.

"Ingat ka rito. Huwag kalimutang sarhan ang pinto, alam mo namang hindi tayo dapat maging kumpiyansa sa panahon ngayon," bilin ni kuya. "Babalik ako mamayang hapon. Malapit na nga pala akong mag-six months sa trabaho ko, wish me luck na maging regular ako sa trabaho ko, inday."

"Good luck and God bless, kuya," paalam ko kay kuya.

Naiwan ako sa apartment at nagsimulang maglinis. Routine ko na'ng maglinis dito kapag ganitong walang pasok, maglaba, mag-mop ng tiles sa sahig, magpunas ng mga jalousie. Mga bandang alas-tres ng hapon ay natapos na ako sa paglilinis kaya natulog muna ako, beauty rest muna si Diane.

Hanggang sa susunod, paalam. Diana Rose shutting down. Zzzzzzz.

Ring! Ring! Ring!

May naririnig akong tumatawag sa cellphone ko. Napabuntong-hininga ako. Inaantok pa ako.

Kinuha ko ang aking cellphone. Tiningnan ko ang tumatawag at laking tuwa ko nang nakita ko kung sino ang tumatawag. Ang nakalagay kasi sa phone ko ay "Home Calling".

"Hello, ma?" tanong ko na halatang sabik marinig ang boses ng aking pamilya. Nagmadali akong lumabas ng apartment dahil hindi maganda ang reception sa loob.

This ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon