Kring! Kring!
It's three o'clock in the morning. Pinatay ko ang alarm clock ko at ginising ko ang kuya ko sa kwarto niya. Tinulongan ako ni kuya papuntang terminal ng bus, pinabaunan niya ako ng pagkain, sinigurado niyang wala akong nakaligtaan.
Malapit nang lumarga ang bus at naiiyak si kuya na nagpasalamat at humingi na naman ng pasensiya sa akin. Sinabi ko sa kanyang huwag niyang sisihin ang sarili niya dahil sarili ko 'tong desisyon na umuwi sa probinsiya. Sinabi ko kay kuya na mami-miss ko siya at gano'n din ang sinabi ni kuya.
Mga bandang 4:30 namaalam na ako kay kuya dahil lalarga na ang sasakyan. Naupo na ako sa upuan ko sa loob. Binuhay ng driver ang makina ng bus at nagsimula na ang biyahe kung saan habang nakatingin sa labas ng bintana ay iniisip ko ang aking mga naging karanasan rito sa urban lalo na no'ng napadaan ang bus sa gate ng Peruse College.
Tanaw ko sa bintana ng bus na unti-unti nang lumiliwanag ang madilim na langit. Vanilla twilight, oo. Huling araw kong masisilayan ang gandang iyan rito.
Goodbye, Peruse College. Sayonara, everyone! Mami-miss niyo ako... Mami-miss ko rin kayo. Goodbye especially to Lucas mylavs, ang nag-iisa kong MH, my tutti-fruttie MH.
Hay naku, 'di man tayo hanggang dulo, maligaya pa rin akong naging parte ka ng buhay ko. It has been a wonderful experience. Babalik na ako sa aking simpleng buhay doon sa probinsiya. Sana mabasa mo ang maikling sulat na pinabibigay ko kay kuya sa'yo. Ang nakalagay sa sulat ay ganito:
"Thank you for everything. Ang dami kong first time na naranasan sa buhay ko kasama ka. Dahil sa iyo, naranasan kong magmahal. Salamat sa ating ginintuang pag-ibig. Aalis na ako sa buhay mo, babalik na ako ng probinsiya. My Happiness, mahal kita pero... I'm afraid to say that this is goodbye.
Marahil ay bihira na lang talaga ang happy endings sa panahon ngayon, Lucas. Maybe not all of the things we know are meant to last. And maybe there is really no forever, even for us.
Hindi lahat ng bagay sa buhay ay minamadali. Katulad na lang ng pakikipagrelasyon. Maybe it's not yet the right time for you and I. But so long as we live beneath the same sky, silently and strongly, for the day when we'd be together, I will patiently wait for that right time."
Nagpatugtog ng music ang driver ng bus.
Now Playing: Runaway - Ezra Band version
Say it's true,
There's nothing like me and you.
Not alone
Tell me you feel it, too.Maganda ang kanta, mellow ang melody nito at talaga namang nakakakilig pakinggan. Subalit naaalala ko ang boyfriend ko sa kantang iyan, nagfa-flashback sa utak ko ang aming pinagsamahan... Mas magiging mahirap sa akin ang pag-alis.
I would runaway, I would runaway, yeah...
I would runaway, I would runaway with you.
'Cause I-I-I have fallen in love with...
You know never, I'm never gonna stop fallin' in love with you.Ano pa'ng ginagawa niyo? Bakit nagbabasa pa rin kayo? Wala na ngang Lucas, di ba, wala na kayong matutunghayan na love story na hinahanap niyo kaya itigil niyo na ang pagbabasa nito.
Huwag niyo akong sisihin, hindi ko kasalanan kung walang happy ending. Sisihin niyo ang author. Kung papatayin niyo siya, sabihan niyo lang ako, I will participate, pero alam ko na kapag nangyaring magka-face-to-face tayo sa author nito ay itataas niya ang kanyang kamay at sasabihin sa atin na, "Gentle readers, no worries, hindi pa katapusan ng mundo kaya huwag kayong mag-alala. Malay niyo magkita ulit sina Prince Charming Lucas at Cin-Diana Rose at magkatuluyan sa huli after 300 years."
Close the door, lay down upon the floor.
And by candlelight, make love to me through the nightPatuloy ko pa ring naririnig ang kanta. Alangan namang sabihin ko sa driver na itigil niya ang music. Wala na akong nagawa kundi kumanta at sabayan na lang din ang nakakahumaling na tugtog imbes na magpakalugmok ako sa lungkot habang inaalala ko ang lalaking naging dahilan kung bakit hindi na ako NBSB.
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?