"Sweetie Pie? Diane?" pagtataka ni Von nang makita niya kami ni Patchi sa labas ng School Publication's Office. "Ano'ng ginagawa niyo rito?"
"Sweetie Pie, gusto sana kitang bisitahin sa office niyo," sabi ni Patchi pagtayo niya.
"Actually, pauwi na kami," sabi ni Von at no'ng tumingin siya kay Dexter ay sinabi ni Dexter na uuna na itong umuwi. Nag-hi si Dexter sa akin pagdaan niya sa pinto.
"I'm sorry, classmate, kung tinangka pa kitang gamitin para lang mapalapit uli ako sa taong gusto ko," sabi ni Dexter sa akin bago siya umalis. Wala akong naintindihan sa sinabi ni Dexter. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Pumasok ka muna rito sa loob ng office, bespren, at tumabi kay Sweetie Pie," alok ni Von na inililigpit na ang kanyang mga gamit na nakalatag sa isang mesa sa loob.
"Mukhang busy, ah," sabi ko kay Von pagkaupo ko sa sofa katabi ni Patchi.
"Tinatapos namin ni Dexter ang isang article about our field trip last Saturday para sa publication," sabi ni Von, "Ako ang naka-assign para gumawa sa content ng article samantalang si Dexter naman ang bahala sa photos kasi siya ang photojournalist."
"Ah, kaya pala magkasama kayo," sabi ko kay Von pero kay Patchi ako nakatingin. Nakayuko lang si Patchi.
"I almost forgot sa dami ng inasikaso ko today!" nabigla ako sa biglang pagsalita ni Von nang gano'n, nakikita kong sobrang excited siya. Lumapit siya sa akin. "Nakita ko na siya, bespren! Nakita ko na siya ulit! Ang liit nga talaga ng mundo!" masayang sabi ni Von na ngayon ay inaalog-alog na ang balikat ko.
"Bespren, kalma lang!" awat ko kay Von dahil baka mag-malfunction na itong shoulder bones ko sa pag-alog niya. "Sino ba'ng nakita mo?"
"Ang transfer student na ikinikwento ko sa 'yo no'ng mga bata pa tayo," sabi ni Von, ang lawak na ng kanyang mata sa sobrang excitement niya. "Nagi-interview ako kanina sa mga members ng Karate Club para sa isang article at nakita ko siya at hindi ka maniniwala sa aking nalaman sa kanya, Diane! It's the craziest thing na nalaman ko all my life!"
"Nakita mo siya ulit? Nilapitan mo ba? Ano nga'ng pangalan no'n?" tanong ko, pati tuloy ako nae-excite na sa mga sinasabi nitong bespren ko.
"His name is, mali, HER name is Namnam Gutierrez," sabi ni Von at napanganga ako sa aking narinig. Napaimik naman si Patchi.
"Si Namnam Lu Gutierrez? My half-Korean, half-Filipina lesbian cousin na kaka-birthday lang?" tanong ni Patchi kay Von.
"Oo, si Namnam Lu Gutierrez! I knew she was too cute to be a boy! Babae ang tingin ko sa kanya noon pero lalaking-lalaki ang nakikita ng aking paningin kaya ko naisip na hindi siguro ako totoong lalaki. Hindi nga rin ako makapaniwala na babae pala ang tunay niyang kasarian, kanina ko pa lang siya nakita ulit mula no'ng grade 6 kami at kung hindi siya tinawag na Miss kanina ng kasamahan niya ay hindi ko malalamang—Teka, ano'ng sinabi mo? Pinsan mo siya?" tanong ni Von kay Patchi at umoo si Patchi. Ako naman, dumugo ang utak ko sa mga impormasyong nalaman ko.
"She's a lesbian who's fond of crossdressing to look like a real boy ever since we were kids until she transferred to another school sa probinsiya ng mama niya," paliwanag ni Patchi. "If she's the reason why you have doubted your sexual orientation, ibig sabihin lang... You're not technically..."
"Tama! Hindi ako bakla! Yahooo! Hindi ako bakla, hindi ako bakla! Hallelujiah!" masayang dugtong ni Von kay Patchi at patalon-talong napayakap sa akin. Tumalon na lang din ako para sa bespren ko. Pagtingin ko kay Patchi, nabigla na lang ako dahil todo ang iyak nito.
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?