Chapter 11

154K 3.4K 92
                                    

Chapter 11
Miss

"Naiyah, hindi ka ba talaga sasama sa may ilog?" paninigurado ni Kriesha sa'kin nang habulin niya pa ako mula sa pagmamadali ko paglabas ng silid-aralan.

Maliligo ngayon ang buong barkada sa ilog na karugtong ng dagat dito sa Bela Isla. Gusto ko mang sumama at makipagsaya sa kanila ngunit hindi maaari. Hindi naman 'yon ganoong kalayo sa bahay namin ngunit nagmamadali na talaga akong umuwi.

Nilingon ko naman siya at saka umiling. "Kailangan ko na talagang umuwi, Kriesha. Pakisabi nalang kila Emma na hindi ako makakasama at sa susunod nalang," sabi ko naman. "Nagsabi kasi si Orion na tatawag siya ngayon sa'kin. Magvi-video call kami kaya kailangan ko nang umuwi."

Halos mag-aanim na buwan na mula nang nakaalis si Orion mula sa bansa patungong England upang doon na mag-aral ng kolehiyo habang ako nama'y nanatili sa Bela Isla para magtapos ng huling taon ng senior high school. At syempre, rito rin ako sa Bela Isla mag-aaral ng kolehiyo.

Kung saan ako iniwan ni Orion, ay doon ako mananatili dahil doon niya ako babalikan.

Sumimangot naman si Kriesha. "Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang 'yan, Naiyah?"

Muli naman akong umiling. "Pasensya na talaga, Kriesha, pero alam mo namang madalang nalang kaming nagkakausap ni Orion," paghingi ko ng pasensya. "Huwag kayong mag-alala, sa susunod ay ako mismo ang mag-aaya!"

Kriesha just rolled her eyes at me and I laughed at her.

"Sige na! Alis na ako. Bye!" sunod-sunod kong sabi habang kumakaway.

Pagkatalikod ko ay nabunggo ay agad akong nabunggo sa isang matipunong katawan. At nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Drew na nananaliksik ang mga mata sa'kin.

"Hindi 'yan sasama, Drew," rinig kong sabi ni Kriesha kay Drew.

Napalunok naman ako habang tinititigan si Drew. Sa aming barkada ay siya talaga ang pinaka-seryoso at misteryoso na dahilan kung bakit hindi ko siya masiyadong nakakausap.

Ngumisi naman ako kay Drew kahit na nananatiling matalim ang kaniyang tingin sa'kin. "Next time talaga, sasama na ako. Pangako 'yan!" sabi ko at itinaas ko pa ang aking kanang kamay.

He cocked his head to one side before crossing his arms at me. "Go," he simply said before walking towards Kriesha.

I smiled widely as Drew let me go home. Habang tumatakbo ako palayo ay naririnig ko ang mga reklamo ni Kriesha kay Drew dahil hinayaan lamang ako nitong umalis. Napangisi lamang ako ulit.

Pagkarating ko sa bahay ay hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. Dali-dali na akong tumakbo patungo sa may kubo sa dalampasigan dahil mas malakas ang signal doon kumpara sa loob ng bahay.

Pagka-online ko sa aking Facebook messenger ay agad akong nakatanggap ng tawag galing kay Orion na sa palagay ko'y kanina pa hinihintay ang aking pagbukas.

As soon as his handsome face flashed on the screen, I smiled like an idiot admiring his enticing facial features. My eyes travelled down to what he was wearing, since I could see half of his body on the screen, and I smiled widely when I saw the hoodie that I gave him.

"Hello, beautiful..." he greeted me with a husky voice and smiled.

I bit my lower lip and moved my face closer to the screen so that I can see him properly. Hindi pala talaga sapat ang makita mo lang ang taong mahal mo na malayo sa'yo sa screen. Napakalaki ng kulang sa pakiramdam.

He chuckled before he shook his head. "This kinda sucks..."

Bahagya namang napakunot ang aking noo saka ngumuso. "Ang alin?"

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon