Chapter 31

150K 3.4K 396
                                    

Chapter 31
Yacht

"Naiyah, nandito ulit ang kaklase mo," anunsyo ni Mommy habang kumakain pa ako ng umagahan.

Napakunot naman ang aking noo habang iniisip kung sino ang tinutukoy ni Mommy na aking kaklase. Naputol naman ang aking pag-iisip at hindi na ako nahirapan pa nang makita kong dumungaw si Drew sa aming kusina kung nasaan ako.

Halos mabulunan naman ako nang dahil sa gulat. He immediately went to me and poured me a glass of water to drink, while he caressed my back. Nakaalalay lang siya sa aking kamay habang iniinom ko ang tubig na isinalin niya para sa akin.

As soon as I was done emptying the glass, I took a deep breath and let my breathing return to its normal rhythm. Drew didn't stop on caressing my back, while I'm trying to compose myself.

"Are you fine now?" His voice was so soft than I almost wasn't able to hear what he had just said.

Bahagya ko naman siyang nilingon at kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tipid naman akong ngumiti sa kanya at saka tumango bilang sagot.

Kahit na tumango na ako ay hindi pa rin nawala ang kanyang pag-aalala, ngunit unti-unti nang tumigil ang paghagod niya sa aking likuran.

"You should slow down your intake of food," he told me. "Para hindi ka nabubulunan."

"Hindi naman ako nagmamadaling kumain. Nagulat lang talaga ako sa bigla mong pagdating. Wala ka man lang pasabi," sabi ko naman at saka nagpatuloy na sa pagkain.

Tuluyan nang tumigil si Drew at saka umupo sa katabing upuan, ngunit nakaharap pa rin siya sa akin upang panoorin ako sa aking pagkain.

I suddenly felt conscious with the way I eat because of his intense stare. Hindi ko alam kung kailan pa ako umarte sa paghawak ng kutsara at tinidor pero pakiramdam ko ay ang arte-arte ko ngayon. Kapag nasa eskwelahan naman kami at kumakain ng tanghalian ay hindi naman ako naiilang.

"I just think that it's wise if we will go to school together," sabi niya. "Nadadaanan ko naman kasi ang bahay niyo pagpasok kaya bakit hindi pa kita daanan upang sabay na tayong pumasok, 'di ba? Makakatipid ka pa ng pamasahe papasok."

Pinaningkitan ko ng mata si Drew pero sa kabila noon ay naisip kong tama nga naman siya. Wala rin naman masama kung magsabay kaming pumasok dahil magkaibigan kaming dalawa.

Drew waited for me to finish my meal. Hindi ko nga alam kung paano ko pa natapos ang pagkain ko kahit na nananatili ang kanyang mga mata sa akin. Naisip ko kung aaraw-arawin na ni Drew ang pagsabay namin pagpasok ay aayain ko na rin siyang dito mag-umagahan.

"Sa Lunes, kung magsasabay ulit tayo, sa amin ka na kumain ng umagahan," sabi ko naman sa kanya pagkasakay namin sa kanilang sasakyan.

His lips slightly curved, hearing my invitation. "I would love that," he said.

Even though I've seen his rare smile for a few times already, the kind of feeling it can give me didn't even weaken and I have a feeling that it even intensified as my heart started to beat wilder.

This foreign feeling was giving me a hard time to maintain myself. I didn't know how to handle it since I've never felt it before. I'm trying to grasp the feeling and describe it in order to identify it, but I can't. Or maybe, I can... I can, but I'm just denying it.

Pagkapasok namin ni Drew sa silid ay agad na tumama ang mga mata ko kay Emma bahagyang napaawang ang bibig. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya at umupo na sa aking upuan, katabi ni Kriesha na nakikipagdaldalan kay Walter.

I didn't know why I suddenly felt guilty. Pakiramdam ko'y hindi tama ang pagsabay naming pumasok ni Drew. I almost forgot that Emma likes him. How inconsiderate of me, not to care about her feelings. Kahit na magkakaibigan kami, alam kong maaari pa rin siyang magdamdam.

Ceaseless FireWhere stories live. Discover now