Chapter 36

135K 4.3K 1K
                                    

Chapter 36
Destiny

"Kriesha, huwag mo na akong pilitin," dinig kong sabi ni Emma nang harapin niya si Kriesha na humahabol sa kanya.

"Sobrang tagal na no'n, Emma! Ilang taon na ang lumipas?" giit naman ni Kriesha. "It's time for you two to talk to each other."

"I have nothing to say to her—"

Napatigil si Emma sa pagsasalita nang mamataan niya ang aking paglapit. Napalingon din sa akin si Kriesha kasabay ng pagtalikod ni Emma para umalis, ngunit hindi ko siya hinayaang makalayo.

I grabbed her arm to stop her from walking away and made her face me.

"Let go of me, Naiyah. I still have other important things to do. Let's just meet next time," she fired her words like a shotgun without properly looking at me.

Sinubukan kong hanapin ang kanyang tingin upang idiretso ang titig sa kanya ngunit patuloy lamang siya sa pag-iwas. Bawat pag-iwas niya ay nadadagdagan ng sugat ang naghihilom kong puso.

"Bakit hindi pa ngayon?" tanong ko. "Hindi naman tayo magtatagal sa pag-uusap, Emma."

"We have nothing to talk about, Naiyah. All is well," she stated.

"If all is well, then why can't you stare straight at me?" I argued. "At marami tayong dapat pag-usapan. Magmula nang umalis kang Bela Isla noon ay hindi na kita muling nakita at nakausap. Hindi ka na rin bumalik doon."

"I already have a new life here in Manila. Wala naman na akong kailangan pang balikan doon," katwiran niya naman.

"Pero roon ka lumaki!" giit ko.

Halos mapaatras ako ng bigla siyang humarap sa akin. Namumungay ang kanyang mga mata nang dahil sa galit at kahit madalim ay bakas ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Bakit mo ba ako pinapakialaman?!" Parang kulog ang kanyang tinig sa pinakawalan niyang mga salita.

"Emma..." pumagitna naman sa amin si Kriesha at hinawakan ang braso ni Emma.

Hindi na naputol ang tingin sa akin ni Emma. May hinala na ako kung saan nanggagaling ang kanyang galit, ngunit hindi lang ako sigurado dahil dalawa ang naiisip kong dahilan.

"Hindi ka na dapat pumunta pa ng Manila, eh! You should just stayed there in Bela Isla. Dapat nanatili ka na lang doon. That's where you belong! Hindi rito!" sunod-sunod niyang sabi.

Her words stung in my heart, every time she shot it out from her lips.

"Emma, nakakasakit ka na ng salita—"

"She's not the only one who's hurting! I am, too!" Emma tried to point out something.

"For God's sake, Emma, I thought you're already cool with it!" sabi naman ni Kriesha. "Ilang taon na ang lumipas?"

"Oo! Ilang taon na ang lumipas pero ganoon pa rin! Tuwing nakikita ko siya ay parang sinasampal pa rin sa akin ng tadhana na siya ang mahal ni Drew at hindi ako!" Walang prenong pagsasalita ni Emma.

Napaawang naman ang aking bibig nang makumpirma ko sa aking isipan ang pinagmumulan ng kanyang nag-aalab na galit.

"Galit ka sa akin... nang dahil kay Drew?" Halos mabasag ang aking boses nang isatinig ko ang aking tanong sa kanya.

"I'm not mad at you, Naiyah. I envy you," she corrected my mistake. "I'm so envious. I wanted so much to be you and I hate myself for that. I always tell myself, even before, that I shouldn't be insecure of you. I'm a Valiente and I have everything that you don't have, but I still can't feel the satisfaction that I should feel because the man I like can't be mine."

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon