{ p r o l o g u e }

22.7K 288 30
                                    

BULLYING MY EX-MOTHER

-dauntless

{ p r o l o g u e }

2 months ago.

 

Kanina pa hindi mapakali si Warner at patuloy ang paulit-ulit na paglalakad sa sala hawak-hawak ang kanyang cellphone. Sinusubukan niya pa ring kontakin ang halos dalawang taon na niyang nililigawang si Yannie. Alalang-alala ito dahil simula pa kanina ay hindi pa siya sumasagot sa kahit anong text at tawag nito. Habang naglalakad si Warner sa sala ay biglang bumukas ang kanilang pinto. Hindi nito inaasahan ang nasa nakita niya sa biglaang pagbukas nun.

Iniluwa ng pinto ang kanyang ama at babaeng kanina pa niya sinusubukang tawagan.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Warner pero agad itong sinira ng sumunod na anunsyo ng ama.

Yannie this is my son, Warner. Warner this is my friend, Yannie.” Pagpapakilala ng ama ni Warner sa kanilang dalawa. Wala itong kamalay-malay sa kung anong relasyon ang namamagitan sa dalawa.

Nagkatitigan lamang ang dalawa. Hindi malaman ni Warner ang gagawin niya. Hindi siya makaisip ng karapatdapat na tanong. Habang si Yannie naman ay parang may nais iparating kay Warner sa pamamagitan ng mga tingin nito. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang ikwento ang buong mga pangyayari. Ayaw niyang masira siya sa mata ng lalakeng mahal niya dahil nararamdaman niyang nagsisimula na ito.

What do you mean by ‘friend’?” Tanong ni Warner sa ama pero kay Yannie ito nakatingin.

She needs me. I am here to help. That kind of friendship.” Sagot naman ng ama niya.

What do you mean by ‘she needs you’?” Pahabol na tanong ni Warner. Pansin na sa tono nito ang galit.

I love her, son. Maybe that answer is enough to end all your questions.

Hindi pa man nakakaisip ng isasagot si Warner ay hinila na ng ama nito si Yannie sa kwarto nito. Walang nagawa si Yannie. Wala man lang siyang nasabi kay Warner. Wala man lang siyang ibinigay na kasiguraduhan sa minamahal na mali ang iniisip nito.

Kahit nasa loob na ng kwarto si Yannie, rinig pa rin nito ang malakas na pagbato ni Warner ng cellphone niya sa pader. Doon na unti-unting tumulo ang luha ng dalaga.

 _______________________

{ a/n } Dinelete ko po 'to dati huehue. Sorry po~ Pero ito po ibabalik ko na siya. Medyo na iba 'yung mga pangyayari pero same plot pa rin. Nagawa ko siya in 5 chapters lang. Salamat po ulit.

P.S. Mas maganda po 'tong basahin habang nakikinig kayo sa Broken Strings by James Morrison ft. Nelly Furtado :)

Bullying My Ex-MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon