{ chapter three;; pool }

5.4K 267 27
                                    

{ chapter three;; pool }

Magkatabing nakaupo sina Yannie at Adam sa rooftop habang nakasandal sa isang pader doon. Pareho silang tahimik habang lumalanghap ng sariwang hangin. Pero nung naglaon ay hindi na rin natiis ni Adam na hindi magsalita kung kaya’y tinanong niya si Yannie.

What happened to you?” Tanong ni Adam kay Yannie pero hindi niya ito tinitignan.

Hindi rin tinignan ni Yannie si Adam nang sumagot ito. Nakafocus lang sila sa kawalan.

Binenta ako ng nanay ko sa isang mayamang negosyante. Inuwi ako nung taong ‘yun tapos pinakilala niya ako sa anak niya.” Napatawa ng mapait si Yannie, “Alam mo ba kung sino ‘yung anak niya? Si Warner…” Unti-unti ulit bumalik ang mga luha niya, “Ang masakit, hindi siya nagtiwala sa’kin. Pinaniwalaan niya kung ano ‘yung nasa isip niya kesa sa pakinggan ‘yung paliwanag ko. Kasalanan ko naman eh. Hindi ako naging matapang para sabihin agad sa kanya ‘yung lahat. Kaya ngayon, pinagbabayaran ko ‘yun.

Labis na awa ang naramdaman ni Adam para kay Yannie. Sa lahat ng oras na nawala siya sa tabi nito, puro pala hirap ang naranasan niya. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa mga nangyari kay Yannie. Naisip nito na kung hindi sana niya iniwan si Yannie ay hindi mangyayari lahat ng ‘yun sa kanya. Sana naipagtanggol pa niya ang babaeng mahal niya. Sana hindi siya nasasaktan ngayon. Sana… kahit siya lang ‘yung nasasaktan ngayon.

Bakit mo ‘ko iniwan, Adam?” Nakatingin si Yannie sa kanya habang tinatanong ‘yun.

Hindi naman magawang tumingin pabalik ni Adam dahil sobra na siyang nagi-guilty. Aminado siyang naduwag siya kaya mas pinili niyang umalis ng bansa kesa sa tanggapin ang pagkatalo niya.

Dati rin kasi siyang masugid na manliligaw ni Yannie kasabay ni Warner noon. Pero mabilis niyang nahalata na hindi siya ang pipiliin ng dalaga. Mabilis niyang naramdaman na hindi siya ang itinitibok ng puso ni Yannie. Mabilis niyang nalaman na si Warner ang mahal nito. Kaya bago pa man mas lalong madurog ang puso niya ay umalis na siya agad papuntang Canada para kalimutan si Yannie. Pero hindi niya nagawa. Kaya ngayon, sa muli niyang pagbabalik ay hindi pa rin niya kayang itulak papalayo si Yannie. Hindi ngayon, lalo pa’t nakikita niyang kailangang-kailangan siya nito.

Because I was already too hurt to continue.” Sagot naman ni Adam sa kanya. Inipon niya lahat ng lakas ng loob niya para makatingin kay Yannie, “But I promise, I will never leave you again.” Atyaka niya isinandal ang ulo ni Yannie sa balikat niya.

***

Kahit gaano kasakit ang puso ni Yannie ay hindi pa rin ‘yun magiging rason para hindi niya gawin ang trabaho niya kung kaya’y dumako siya agad sa pool area para linisin ‘yun. Sinigurado niya munang walang tao run na nagpra-practice o nagklaklase bago siya tumuloy. Nang wala nang tao run ay tyaka na siya nagumpisang maglinis.

Habang nililinis niya ang pool ay may biglang tumulak sa likod niya at agad siyang nahulog sa pool. Bigla namang nagsilitawan ang mga tropa ni Warner at pinanood si Yannie habang nakikiusap at nagmamakaawa. ‘Di kalaunan ay dumating na rin si Warner. Nagsihalakhakan ang lahat habang pinapanood ang kawawang si Yannie habang humihingi ng saklolo. Imbes na tulungan nila ito ay puro pangungutya ang ibinato nila sa kanya. Paulit-ulit na slut ang tinawag nila sa kanya. Nasa isang sulok lang naman si Warner habang nakangisi at pinapanood si Yannie.

Natigil ang tawanan nang biglang mapansin ng ilan nilang kasama na hindi na gumagalaw si Yannie. Slut! Tawag nila sa kanya pero wala nang imik si Yannie. Wala nang kahit paghingi ng saklolo ang narinig nila mula sa kanya. Doon na nila napagtanto na wala ng malay si Yannie. Agad silang nagpanic. Agad namang sumulong si Warner sa pool at iniahon si Yannie. Nang maiahon na niya ito ay hindi niya malaman ang susunod na gagawin.

Bigla namang dumating si Adam at tumakbo papunta sa nakahigang si Yannie. Marahas niyang itinulak papalayo si Warner at binigyan ng CPR si Yannie. Makalipas ang ilang minute ay umubo ng tubig si Yannie mula roon ay kinarga na siya ni Adam at dinala sa clinic.

Purong pag-aalala ang naramdaman nito para sa babaeng mahal niya. Muli ay hindi niya napigilang sisihin ang sarili niya. Ipinangako nito sa sarili na hinding-hindi na niya iiwanan pa si Yannie kahit anong mangyari. At kahit si Warner pa ang makaharap niya wala siyang pakialam.

***

Ilang oras na nagbantay si Adam sa clinic kaya napagpasyahan niya munang bumili ng makakain para kay Yannie sa labas kaya sandal niya itong iniwan. Ang hindi alam ni Adam ay ito ang pinakahihintay ni Warner para makapasok sa clinic. Sakto namang nagising si Yannie at nakita si Warner na nakasandal sa pader habang naka-cross arms.

Gising ka na pala. Sorry kung hindi si Adam ang una mong nakita.” Tumayo ng tuwid si Warner, “Akalain mo ‘yun, binalikan ka pa niya.” Dahan-dahan itong lumapit sa kamang kinahihigaan ni Yannie, “Binalikan nga ba? O inakit mo ulit? Tss, ang hilig mo talaga sa mayayaman ‘no, slut? Hindi mo kasi sinabi agad sa’kin noon na tatay ko pala balak mong tirahin. ‘Di sana hindi na ako nag-abala pang ligawan ka.” Patuloy na sabi ni Warner.

Samantalang naluluha naman ulit si Yannie. Hindi lang sakit ang nararamdaman niya sa presensya ni Warner kundi pati na rin galit. Akala niya dati hanggang pananakit lang ang kayang gawin sa kanya ni Warner. Akala niya noon ay hindi kayang sumobra pa run. Akala niya dati ay hindi hahantong sa ganito ang mga pangbubully ni Warner. Pero nagkamali siya. Hindi niya sukat akalain na kaya ni Warner pagtangkaan ang buhay niya. Muntik na siyang mamatay… at dahil ‘yun sa lalaking pinakamamahal niya.

Buti na lang hindi naging tayo, ‘no? Kasi kung oo? Nakakahiya. Baka sabihin nila pumapatol ako sa mga katulad mo.” Gustong bumangon ni Yannie sa kama para sampalin si Warner pero hindi pa ito ganun kalakas para gawin ‘yun. Hanggang ngayon, nanghihina pa rin ito, natatakot at nanginginig ang buong katawan.

Sa halip na sampal ay nagsalita na lamang si Yannie laban kay Warner para iparamdam ang sobrang pagkamuhi nito sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ikaw ‘yung pinili ko. Kung bakit ikaw ‘yung minahal ko. Hindi ko alam kung ano ‘yung nakita kong espesyal sa’yo na hindi ko nakita kay Adam noon. Pero ngayon, unti-unti nang naliliwanagan ‘yung mga mata ko. Wala kang binatbat kay Adam, at kung maibabalik ko lang ‘yung dati? Hinding-hindi kita pipiliin.

Bullying My Ex-MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon