{ chapter four;; door knob }

5.1K 230 2
                                    

{ chapter four;; door knob }

May hang-over pa si Warner nang pumasok ito kinaumagahan. Habang naglalakad ito sa hallway ay nakasalubong niya si Gertrude. Iiwasan na sana siya ng dating kasintahan pero dali-dali siyang hinila ni Warner sa pulso.

Liligawan ulit kita—

Ayoko na Warner. Tama na. Gumising ka na sa katotohanan.” Sabi sa kanya ni Gertrude. “At sana matuto ka nang makinig sa iba. Tigilan mo ang pagmamagaling.

Kumalas si Gertrude at tuluyan ng naglakad papalayo.

Hindi naman nakatiis dahil sa inis si Warner kung kaya’y sinipa niya ang locker na nasa gilid niya. Buong araw lang siyang natulog sa buong klase niya. Hindi rin niya hinanap si Yannie dahil alam niyang a-absent siya dahil sa nangyari sa kanya kahapon. Muli ay naalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Yannie sa clinic. Matapos niya ‘yung sabihin ay umalis na agad si Warner at pumunta sa isang bar at nag-inom. Kaya siya may hang-over ngayon. Pero katulad ng sabi ng iba, hinding-hindi malulutas ng alak ang kahit anong problema. Hindi rin nun mahihilom ang sugat na naiwan sa puso.

***

Hindi naman inaasahan ni Yannie ang pagbisita ni Adam sa bahay na tinitirahan niya na ipinamana rin sa kanya ng namatay na tatay ni Warner. Hindi pumasok si Adam para lang masamahan sa bahay niya si Yannie. Ikwinento ni Yannie ang naramdaman niya nang may tumulak sa kanya sa pool.

Pinanood lang nila ako run. Tawang-tawa silang lahat habang pinapanood akong nalulunod. Parang ako ‘yung clown para sa kanila. Para sa kanya. Nakatayo siya sa isang sulok, pinapanood din ako.” Napatingin siya kay Adam. Pilit niyang pinipigilan ang luha niya, “Sobrang galit niya sa’kin, Adam. Sa sobrang galit na ‘yun gusto na niya na akong patayin…

Hindi na nagsalita pa si Adam at agad na nitong niyakap si Yannie. Ayaw na ayaw niyang wala siyang magawa para rito. Ayaw na ayaw niyang nakikita niya si Yannie na ganito. Naalala niya dati nung iniwan niya si Yannie, hindi siya ganito noon. Masaya siya, makulit, madaldal. Pero ilang buwan lang siyang nawala ay matinding pagbabago na ang nangyari sa dalaga. Pilit niyang iniisip kung ano kaya sanang nagawa niya para kay Yannie kung hindi siya umalis. Iniisip niya kung ano nang lagay nila ngayon kung hindi siya umalis. Muli, sinisi niya ang sarili niya.

T-Takot na takot na ‘ko sa kanya—hindi ko na alam kung ano ‘yung susunod niyang gagawin sa’kin—

Shh.” Patuloy niyang niyakap si Yannie, “Hindi ko siya hahayaan.” Pangako nito sa dalaga.

***

Kagagaling lang ni Warner sa Principal’s Office kasama ang mga kasama niya kahapon sa pool area nang isa sa kanila ay itulak si Yannie. Nabigyan silang lahat ng suspension maliban sa taong tumulak kay Yannie na na-kick out mula sa eskwelahan.

Stress na stress na si Warner. Una ay si Gertrude lang ang problema niya pero ngayon nadagdagan na ito ng nadagdagan. Patuloy pa rin niyang sinisisi si Yannie sa mga nangyayari sa kanya ngayon pero hindi niya rin maipagkakaila na may kasalanan din siya. Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin siya sa nangyari kay Yannie sa pool. Naalala niya ang mukha ni Yannie habang nakahiga at walang malay nang maiahon niya ito. Aminin niya man sa sarili niya o hindi, kinabahan siya nung mga panahon na ‘yun. May parte ng puso niyang nag-aalala para sa kanya. May parte ng puso niyang ayaw mawala si Yannie.

Pauwi na sana si Warner pero bigla niyang nakasalubong si Adam. Dahil na rin sa inis at selos ay naisipan niya itong kausapin at pagsabihan ng mga masasamang salita. Inisip niya na lamang na kung wala si Yannie, si Adam na lang ang pagbabalingan niya ng galit.

Kamusta si Yannie kagabi? Enjoy ba?” Pang-iinis si Warner kay Adam.

Bagamat nakalampas na si Adam kay Warner ay narinig pa rin nito ang sinabi ng binate sa kanya. Nakatalikod siya kay Warner at hindi na sana niya ito papansinin at magtutuloy na lamang sa paglalakad subalit…

Magkano bang binayad mo sa kanya?” Pagpapatuloy ni Warner.

Hindi na nakapagtimpi pa si Adam kung kaya’t binalikan niya si Warner at dali-daling sinuntok. Agad namang na-out of balance si Warner at napaupo sa sahig. Hinawakan niya ang gilid ng labi nito upang punasan ang dugo doon.

Napangisi pa rin si Warner, “Peperahan ka lang niya. ‘Wag kang magpakatanga.

Hindi na pinansin ni Adam ang sumunod pang sinabi ni Warner. Alam naman kasi nito na kahit isa run ay walang totoo. Hindi lang siya makapaniwala sa kinahantungan ni Warner at Yannie. Naalala pa niya dati kung paano suyuin ni Warner si Yannie. Kung paano niya siya pinapatawa at pinapasaya. ‘Yun ‘yung mga panahon na nakita ni Adam si Yannie na napakasaya—sa tabi ni Warner. Pero ngayon, tila ba lahat ng iyon ay bumaliktad.

***

Hindi na nakaya ni Warner ang tindi ng pangongonsensya sa kanya ng sarili nito. Alam niyang galit siya kay Yannie pero ‘yung ginawa niya sa pool area dati ay hindi niya sadya. Hindi niya inakalang aabot sa ganun ang lahat. Hindi niya alam na pwedeng malunod si Yannie doon. Ang buong plano ay tutulungan nila si Yannie kapag last minute na atyaka nila ulit dudumihan ang pool. Pero mabilis na nawalan ng malay si Yannie kung kaya’y hindi na nasunod ang totoong plano.

Kinagabihan nun ay hindi na nakatiis si Warner at dumiretso na sa tinutuluyan ni Yannie ngayon. Pinagdedebatihan ng puso at isip niya kung kakatakot ba siya sa pinto o hindi. Mahalaga pa rin naman kasi sa kanya ang pride niya kahit papaano.

Bigla namang bumukas ang pinto ng bahay ni Yannie at iniluwa nun ang babaeng nais niyang makausap. Magtatapon sana ng basura si Yannie pero agad niyang nakita si Warner sa tapat ng pinto. Isasara na sana niya ang pinto pero bigla itong pinigilan ni Warner at pilit itong ibinubukas.

Yannie—” Tawag ni Warner sa kanya. Mahinahon at walang halong panggugulang. “Yannie I’m sorry. Hindi ko inakalang magiging ganun. Hindi ko alam na—na hindi ka marunong lumangoy. Yannie I’m sorry, please—

Hindi mo alam?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yannie na ngayon ay naluluha na ulit, “Alam mo ‘yung Warner! Sinabi ko sa’yo dati na ayoko sa tubig—na hindi ko alam lumangoy. One year ago, Warner. Sinabi ko sa’yo ‘yun!” Tuluyan nang naiyak si Yannie dahil sa bigat ng nararamdaman nito.

I’m sorry—

Why are you saying sorry to me? I’m a slut, Warner. You told me that.” At sabay na nitong isinara ang pinto.

Walang nagawa si Warner kundi umuwi na lamang sa bahay nila. Nang papasok na sana ito sa gate ay may  isang matandang babae na ka-edad ng tatay niya ang umagaw ng atensyon nito. May hawak itong brief case at nakatingin ito sa kanya na parang kanina pa siya nito hinihintay. Nilapitan ‘yun ni Warner.

Dito ba nakatira si Y-Yannie?” Sabi ng babae. Napansin ni Warner ang paghigpit ng hawak nito sa brief case.

Bullying My Ex-MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon