{ e p i l o g u e }

6.8K 325 84
                                    

{ e p i l o g u e }

Agad naman siyang sinundan ni Adam sa bahay nito. As usual, siya pa rin ang taga-comfort ni Yannie. Siya pa rin ‘yung umuunawa sa kanya at nagpapahalaga. Sa lahat ng pagkakataon palagi siyang nasa tabi ni Yannie. At ni minsan, hindi niya ‘yun naisipang saktan o baliwalain.

Kahit ano pa ‘yung nangyari sa inyo ni Warner. Hindi pa rin magbabago ‘yung pagtingin ko sa’yo.” Sambit ni Adam kay Yannie atyaka niya ito niyakap.

Hindi malaman ni Yannie kung anong gagawin niya. Akala niya ay magbabago na ang lahat para sa kanila ni Warner pero nagkamali siya. Hindi pala mababago ng isang gabi lang ‘yung kung ano mang kinahantungan nila. Mas dumagdag pa sa iniisip niya ang ipinapakitang kagandahang loob ni Adam—alam niyang hindi lamang iyon basta-bastang kagandahang loob dahil alam niyang ginagawa ‘yun ni Adam dahil sa pagmamahal niya sa kanya. Pero kahit anong gawin niya, kahit anong pilit niya sa sarili niya, si Warner pa rin ‘yung gusto niya.

I still want you to go with me tomorrow.” Sa prom. Gusto pa rin ni Adam na piliin siya ni Yannie. Kahit nasaktan siya sa nalaman niyang may nangyari sa pagitan nila Warner at Yannie ay hindi niya pa rin mapigilang mahalin si Yannie. Gusto niyang patayin si Warner dahil sa ginawa niya sa babaeng pinakamamahal niya.

Inilapag ni Adam ang damit na gusto niyang isuot ni Yannie bukas sa prom. Atyaka na ito nagpaalam kay Yannie at hinalikan siya sa noo.

***

Buong gabing hindi makatulog si Yannie sa kakaisip. Una, kay Warner. Pangalawa, kay Adam. Pangatlo, ‘yung prom. Hindi niya alam kung paano niya lulutasin lahat ng problema niyang ‘yun. Isa rin sa mga rason kung bakit hindi siya makatulog ay dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Warner sa cellphone na hindi niya rin sinasagot. Masyado pang masama ang loob nito sa kanya para kausapin ulit ito. Sa wakas ay napagdesisyonan niya na ring patayin na lamang ang cellphone nito.

Ipinikit niya ang mga mata niya pero tanging si Warner lang ang naisip niya. Paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili niya na kung bakit kahit paulit-ulit siyang sinasaktan ni Warner ay siya pa rin ang gusto niyang makasama. Kung bakit siya pa rin ‘yung mahal niya. ‘Pag minsan ay hindi na rin niya mapigilang magalit sa sarili niya. Gusto niyang maging matapang kahit sandali lang. Gusto niyang magalit kay Warner ng sobra-sobra kahit sandali lang. Gusto niyang mawala ‘yung nararamdaman niya para sa kanya kahit sandali lang. Pero mahirap… sobrang hirap.

Kinabukasan ay wala pa rin siyang ganang kumain. Napagisip-isip niyang maglakad-lakad muna sa labas pero hindi pa siya nakakalabas ng bahay at kabubukas pa lamang niya ng pinto ay nagulat na siya sa nakita niya. Nakatayo sa may ‘di kalayuan ay ang ina niya hawak-hawak ang isang brief case na kung natatandaan niya ay binigay sa kanya ng Daddy ni Warner na may lamang pera na ipinangbayad nito sa kanya.

Nagkatinginan sila ng mata sa mata.

Ilang minutong nakatayo si Yannie habang umaagos ang luha mula sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang gugustuhin pa rin siyang makita ng nanay niya, at mas lalong hindi siya makapaniwala na kahit gaano man kabigat ang nagawang kasalanan ng nanay niya sa kanya ay gusto niya pa rin itong puntahan at yakapin.

Bullying My Ex-MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon