{ chapter two;; touch the body }

5.7K 265 19
                                    

{ chapter two;; touch the body }

Gaya kahapon ay maaga ulit pumasok si Yannie para maglinis. Sa corridor ulit ang pwesto niya. At gaya kahapon may bago ulit sorpresa ang mga tropa ni Warner at si Warner mismo para sa kanya.

Biglang may sumigaw sa corridor ng “touch the body” atyaka biglang nagsilabasan ang mga estudyanteng kahapon din ay pinagtripan si Yannie. Lahat sila ay isa-isang binato si Yannie ng billiard balls. Natawa silang lahat at enjoy na enjoy pa sa pagbato. Sinubukan namang protektahan ni Yannie ang sarili niya pero hindi niya nakayanan. Napatakbo siya papalayo pero napahinto siya nang makita niyang papalapit si Warner sa kanya na pinaglalaruan ang isang billiard ball sa kamay nito. Naiiyak na si Yannie pero wala siyang magawa.

Napangisi si Warner dahil sa nakita niyang reaksyon mula kay Yannie.

Out.” Sabi ni Warner sabay malakas na ibinato ang billiard ball kay Yannie.

Napapikit si Yannie pero makalipas ng ilang segundo ay hindi pa rin dumadapo sa kahit anong parte ng katawan niya ang bola. Binuksan niya ang mga mata niya at nakita ang bola na ngayon ay nasa sahig na. Inilipat niya ang tingin niya kay Warner pero wala sa kanya ang atensyon nito kundi nasa isang lalakeng kadadaan lang. Dumaan ang lalake sa gitna nilang dalawa. Ibig sabihin, siya ang natamaan ng bola. Lahat ng nasa corridor ay nakatingin din sa lalakeng iyon na ngayon ay naglalakad na papalayo. Napaisip si Yannie at nasambit sa isipan ang pangalan ng lalakeng sumagip sa kanya, Adam.

***

Nasa loob naman ng isang bakanteng classroom sila Warner at Gertrude. Hinila agad siya ng girlfriend niya nang malaman nitong pinaulanan niya ng billiard balls sa corridor si Yannie. Galit nag alit si Gertrude sa inasal ni Warner kung kaya’y pinapagalitan niya ito ngayon.

Wala ka na bang konsensya?! Ano bang tingin mo kay Yannie, hindi tao?!” Binato ni Gertrude ng isang billiard ball si Warner. Agad naman iyong tumama sa dibdib ni Warner, “Masakit ‘di ba?! Higit pa dyan ‘yung naramdaman ni Yannie kanina!” Tahimik lang si Warner habang nakatingin sa galit na galit na si Gertrude, “Tao siya Warner! At lahat-lahat ng ginagawa mo sa kanya, nararamdaman niya! Nasasaktan din siya—

Kung tutuusin kulang pa lahat ‘yun eh.” Biglang sinabi ni Warner, “Doon lang ako nakakabawi sa kanya. Doon lang ako nagkakaroon ng pagkakataong saktan siya. It’s just physical, Gertrude. Because I know… I know I can never hurt her emotionally. I can never touch her heart.” Pahayag nito.

Oh, are you sure?!”Sigaw ni Gertrude, “I can’t do this anymore, Warner…” Nanlaki ang mga mata ni Warner sa narinig. Agad siyang napatingin kay Gertrude na ngayon ay lumuluha na, “I can’t continue being with you anymore.

Gertrude—

I can’t continue loving someone who can’t open up his heart.” Patuloy na sabi ni Gertrude, “Alam ko naman eh. Hindi mo talaga ako mahal.” Naglakad si Gertrude papalapit kay Warner hanggang sa nasa harapan na siya nito, “I know. Alam ko na hanggang ngayon, sarado pa rin ‘yung puso mo. And I know, I know that you’ve locked her in there.” Sabi niya sabay hawak sa kaliwang dibdib ni Warner kung nasaan ang puso nito.

Gertrude please, what are you saying?!” Hinawakan ni Warner si Gertrude sa magkabilang braso nito, “I love you, what are you saying?

You don’t so please stop saying that!” Sabi ni Gertrude sabay kalas kay Warner. “Sana… sana dumating ‘yung panahon na buksan mo ‘yang puso mo… at kapag dumating ‘yun sana sundin mo. Bye Warner.” Paalam nito atyaka na lumabas sa classroom na iyon.

Naiwan si Warner sa classroom na ‘yun. Walang tumulong luha sa mga mata niya. Hindi na maipaliwanag ang nararamdaman niya. Oo nasaktan siya. Pero kumpara nung kay Yannie dati? Walang-wala ‘yung ngayon. Siguro nga hindi niya talaga gaanong minahal si Gertrude. Siguro nga hindi niya naibigay lahat-lahat. Hindi niya naibigay kasi nabigay na niya dati kay Yannie. Alam ni Warner sa sarili niya na kahit kalian, hinding-hindi na siya magmamahal ng gaya sa pagmamahal niya kay Yannie dati. She’s his ultimate love… and he can never undo everything now.

***

Hinanap ni Warner si Yannie sa kung saan-saan. Halos isang oras din siyang naglibot sa buong school nila at sa wakas ay nahanap niya rin si Yannie. Nahanap niya ito habang nagwawalis sa tapat ng CR na malapit sa roof top ng school. Nang makita niya ito ay agad niyang hinigit ang pulso nito, agad naman napatingin sa kanya si Yannie at pilit kumakalas.

Anong mga sinabi mo kay Gertrude kahapon?!” Tanong ni Warner habang hawak-hawak ng mahigpit ang pulso ni Yannie.

Bagamat nasasaktan sumagot pa rin si Yannie, “Wala akong sinabi.

Really?! Then bakit kami naghiwalay?!” Sigaw ni Warner sa kanya.

Nagulat si Yannie sa sinabi ni Warner. Wala naman siyang sinabing kahit ano para humantong sila ni Gertrude sa hiwalayan. Ni hindi na nga niya pinansin ang tanong ni Gertrude kahapon patungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Warner. Pero bakit siya pa rin ang sinisisi ni Warner sa nangyari sa kanila ng girlfriend niya?

Hindi ko talaga alam—” Pilit pa ring kumakalas si Yannie dahil sa sakit ng pagkakahawak ni Warner sa kanya.

You probably said something to her! Hindi siya magkakaganon kung wala! Ikaw ‘yung huling kasama niya kahapon kaya imposibleng wala!” Pagpupumilit ni Warner.

Binitawan ni Warner ang pulso ni Yannie at tumalikod sa kanya. Pinadaan ni Warner ang kamay nito sa buhok niya out of frustration. Nakatingin lang sa kanya si Yannie habang hinihimas ang pulso niyang ngayon ay pulang-pula na dahil sa ginawa ni Warner.

M-Mahal mo talaga siya ‘no?” Nasabi ni Yannie kay Warner.

Hindi alam ni Warner ang gagawin niya at sobrang inis na inis na siya. Dumagdag pa ang tanong ni Yannie. Ayaw na ayaw ni Warner na naririnig ang boses ni Yannie dahil agad-agad siyang naiinis dito.

Lumingon si Warner sa kanya. Matalim ang tingin niya at bakas na bakas ang galit sa mga mata nito. Pagbubuhatan na sana ng kamay ni Warner si Yannie dahil sa inis agad namang napapikit si Yannie pero hindi itinuloy ni Warner ang sampal.

Sa halip ay marahas niya itong hinalikan.

Nagulat si Yannie sa ginawa ni Warner pero wala siyang nagawa sa lakas nito.

Humiwalay si Warner at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Yannie. Nakadampi ang noo ni Warner sa kanya at nakapikit din ito.

Mahal ko talaga siya. At mas mahal ko na siya ngayon kesa sa’yo.” Pahayag ni Warner atyaka na naglakad papalayo kay Yannie.

Huminga ng malakas si Yannie kasabay ng pagtulo ng mga luha nito sa kanyang pisngi. Labis siyang nasaktan sa sinabi ni Warner. Mas masakit pa sa kahit anong ginawa niya noon laban sa kanya. Unti-unting naramdaman ni Yannie na nahihirapan siyang huminga kung kaya’y dali-dali siyang tumakbo sa roof top subalit pagkaakyat niya run ay si Adam ang una niyang nakita. Nagulat si Adam dahil lumuluha si Yannie. Gusto niyang itanong ang dahilan pero sa tingin niya ay alam na niya kung kaya’y mabilis niyang niyakap si Yannie habang patuloy pa rin ito sa paghikbi.

Kung alam ko lang… sana hindi na lang kita iniwan sa kanya.” Mga salita ni Adam habang yakap-yakap si Yannie.

Bullying My Ex-MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon