{ chapter one;; paintball gun }

7.7K 289 22
                                    

{ chapter one;; paintball gun }

 

Alas singko pa lamang ng umaga ay nasa school na si Yannie para gampanan ang trabaho nito bilang part time janitress ng school. Pinasok niya ang trabahong ‘yun para masuportahan niya ang sarili niya. Bagamat may naiwang pera sa kanya ang yumaong tatay ni Warner ay sapat lamang iyon para as kanyang pag-aaral.

Tahimik niyang nilalampaso ang sahig ng corridor habang wala pang mga estudyanteng dumadaan doon. Hindi inaasahan ni Yannie na mababasag agad ang katahimikan doon ng biglang may tumama sa likod niya. Nang kapain niya ‘yun ay kumapit ang berdeng malapot na likido sa palad niya. Paintball, sabi nito sa isip niya. Nilibot ng mga mata niya ang buong corridor pero wala siyang nakitang taong may hawak ng paintball gun.

Nagpatuloy siya sa paglilinis pero ilang minuto pa lamang ay nagsilitawan na ang mga estudyante sa school na ‘yun. Lagpas sampu sila at lahat sila ay may dalang paintball gun. Walang habas nilang pinaulanan ng paintball si Yannie at ang nililinisan nito. Agad naman tinakpan ni Yannie ang mukha niya habang patuloy pa rin ang pagbaril sa kanya gamit ang paintball gun. Napuno ang corridor ng mga halakhak at pangangantyaw. Umulan ng mga salitang pokpok, slut, bitch, bimbo, malandi at kung anu-ano pang panglalait.

Lahat ‘yun, tinanggap ni Yannie. Dahil wala siyang ibang kayang gawin kundi tanggapin ang bawat paninirang ‘yun. Sa bagay ay sanay na rin siya. Magi-isang buwan na siyang ginaganito kaya kahit papaano ay hindi na siya gaanong nasasaktan.

How was your weekend, slut?” Pero iisang tao lang ang nakakapanakit pa rin sa damdamin niya.

Kaya niyang tiisin ang mga masasakit na salita na manggagaling sa ibang tao. Kaya niyang indahin lahat ng pisikal na pananakit ng iba sa kanya. Pero hinding-hindi ang mga galing kay Warner. Kahit anong mangyari, paulit-ulit pa rin siyang nasasaktan nito.

Napansin ni Yannie ang dala-dalang paintball gun ni Warner. Napangisi ang binata sabay tutok ng baril sa noo niya at agad itong ipinutok. Nagtuloy ang halakhakan sa corridor at ngayon ay kasama na run si Warner. Ang mastermind ng bawat pangbubully sa kanya.

Mabilis na tumakbo si Yannie papuntang Ladies Room. Subalit pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang dun ay binuhusan na siya ng tubig na may pinaghalo-halong basura ng tatlong babaeng hindi niya kilala. Nagtawanan ang mga babaeng ‘yun at nagawa pa nilang makipag-apir sa isa’t isa. Kalaunan ay sinabi nilang utos ‘yun ni Warner at nababagay lang sa kanya ang mga paghihirap na natatanggap niya.

Pinilit ni Yannie na kalimutan ang lahat habang naglilinis siya ng katawan sa Ladies Room. Madaling kalimutan ang mga ginawa nang ilan pero hinding-hindi ang kay Warner. Gustong-gusto niyang magpaliwanag sa binata pero ayaw siyang pakinggan nito at sa halip ay patuloy niya lang itong iniinsulto at ipinagtatabuyan.

***

Nang matapos na ni Yannie ang buong corridor ay nagpalit na ito sa kanyang uniporme at handa nang pumasok sa una niyang klase. Habang naglalakad siya papuntang classroom ay patuloy pa rin ang tawanan sa buong paligid niya. Patuloy pa rin siyang kinukutsya at pinagsasabihan ng masama. Pero hindi niya pinansin ang mga ‘yun.

Bullying My Ex-MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon