CHAPTER FOUR

235 29 6
                                    

Kien Vasquez
Wala lang.

Bumagsak ang balikat ko. Akala ko pa naman may something na siya. Akala ko may sasabihin na siya tungkol sa'kin, sa'min.

Akala ko may aaminin na siya sa'kin.

Nako! Dakilang assumera naman ba kasi ako eh. Kung hindi sana ako nag-expect na meron nga, e di sana hindi ako na-disappoint.

Napabuntong hininga ako at saka ako nagpatuloy mag-type.

Annika De Guzman
Ah. Pinakaba mo ako don!

Siyempre, totoo yun. Hindi ko ugaling magsinungaling, maliban na nga lang kung kinakailangan.

Kien Vasquez
Pinakaba kita? Haha. Good to hear that.

Asuuuus! Si sir oh. Nag-iinarte na naman. Nag-eenglish pa ang loko.

Sa mga sumunod na araw, lalong naging busy ang schedule ko. Reportings, assignments, projects, school works, practice ng 'theatrical' play daw sa MAPEH  at mga practical exams. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang windang na ako kapag uuwi ako ng bahay. Hindi ko na tatanungin kung saan nagmumula ang maleta na nasa ilalim ng mga mata ko.

Pero kahit ganon, hindi ko alam, pero parang hindi ko magawang tamarin ng mga panahong yon. Hindi ko magawang sukuan lahat ng mga pabigat na pinapagawa ng mga nagbabaitan kong mga guro.

Siguro dala na ng inspirasyon. Napangiti ako. Hala. Nabuang!

Bagaman marami ang ginagawa, walang tigil ang usapan namin ni Sir Kien gabi gabi. Minsan nga ay naiisip ko na 'may gusto ba sa'kin to?' kasi, alam niyo yon? Yung tipong ayaw niyang putulin yung ugnayan namin. Ayaw niyang maubusan ng topic, well, ganon din naman ako, kaya lang minsan, napaghahalataan na kasi siya eh.

Oo, crush ko si Sir Kien, in the first place pa lang. Kung meron mang crush at first sight ay baka 'yon nga ang naramdaman ko nung mga panahong nakita ko siya sa library. Pero ngayon? Ano nga ba, ano nga bang nararamdaman ko ngayon? Hindi na siya crush eh. Hindi na talaga. Alam ko sa sarili kong mas humigit na don yung feelings ko at ayaw kong mangyari yung mahulog ako. Dahil alam ko namang wala akong pag-asa don. Teacher siya, estudyante ako. Bagaman five years lang ang age gap namin ay nababahala pa rin ako.

Alam niyo yun, hindi tama. Parang ang pangit lang.

Dumating ang weekend. Sabado ng umaga ay nagpunta ako sa bahay ni Trisha, yung bestfriend ko rin, manghihingi lang siguro ng advice. Magaling magbigay ng advice ang Mama niya, at may experience 'yon, dahil sa pagkakaalam ko ay teacher rin si Tita.

"Annika! Pasok ka, nasa taas si Trisha." Sabi ni Tita Lanie habang pinapapasok ako sa kwarto ni Trisha. "Tawagin mo lang siya, o kaya kumatok ka."

Kumatok ako ng tatlong beses at kusa naman itong bumukas. Bumungad si Trisha sa'kin, nakahiga at nagcecellphone.

Etong babaeng 'to, kahit di ko nakikitang mag-aral ay parang ang galing niya pa rin. 'Yong tipong siya, relax na relax lang tapos ako, parang binagyo.

"Uy, Annika! Di ka nagsabing pupunta ka, ampangit ko!" Sabi niya, natawa naman ako. "Nakita mo si Mama sa baba? Saglit at magbibihis ako." Pumasok siya sa banyo para siguro magpalit ng damit.

"Napadalaw ka, Annika?" Biglang bumungad si Tita Lanie sa may pinto, nakahalukipkip at nakatinging deretso sa'kin.

Kung tutuusin ay close naman kami ni Tita Lanie. Minsan nga ay sa kaniya pa ako nanghihingi ng advice, kasi mas may sense yung sinasabi niya kaysa kay Trisha.

Dear Sir | COMPLETEDWhere stories live. Discover now