CHAPTER SEVEN

198 20 27
                                    

Pagkauwi ko ng bahay, naalala ko ang binigay ni Kien sa'kin kaya napangiti ako sa kawalan.

Tss. Iba talaga epekto.

Agad kong kinapa ang bulsa ko, titignan ko kung may message na siya. Panigurado, meron yan dahil sa lintik na sorpresa niyang nagpakilig sakin, wengya.

Pagkabukas ko ng account ko sa messenger, hindi ako binigo ni Kien. Siya ang unang chat head sa messages recieved ko.

Kien Vasquez
Hi Annika, nagustuhan mo ba?

Kahit di niya sabihin ay alam kong yung rosas ang tinutukoy niya. Kilig ako.

Annika De Guzman
Ang dami mong alam, no? Inabuso mo pa yung mga estudyante mo.

Sa hindi malamang dahilan, lalo akong napapangiti. Luh, kilig. Ang landi.

Kien Vasquez
Ang susupportive nga nila eh. Yaan mo na, boto naman daw sila sayo.

Hindi ko alam pero sa bawat salitang binabanggit niya, tinatype o sinusulat niya, nagdudulot iyon ng kakaibang kuryente sa sistema ko. Iba ang lakas ng dating mo, Kien. Tsk.

Annika De Guzman
Sus! If i know, binayaran mo lang sila!

Kien Vasquez
Ayaw maniwala? Boto nga kasi sila sa'yo. Ganda mo daw.

Kung dati, nakokornihan ako sa mga linyahang ganyan, ngayon, ewan ko, pero, parang ang sweet na ng dating. Dati parang pang-fuccboi yung mga linya na yan, pero ngayon parang seryoso na. Grabe, ambelibabol. This is what love can do.

Annika De Guzman
Ayiieee. Corny mo, tanga.

Kien Vasquez
Handang magpakatanga sa'yo.

Hekhekhekhek enebe! Ang haba ng hair ko, gash!

Ano pa bang pwedeng i-topic, ayoko na yung tungkol sa'kin! Nakakaloka, bobolahin lang ako niyan eh.

Annika De Guzman
Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo! Wala pa akong masyadong alam sa'yo eh. Dali na!

Kien Vasquez
Ano namang ikukwento ko?

Eh, kakasabi lang na magkwento sa buhay eh! Slow?

Annika De Guzman
Bakit ka nag-educ, Sir? :)

Kaya para di na tumagal ang usapan sa kung ano ang pag-uusapan, ako na ang nag-isip. Tutal hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit niya nga ba gustong mag-guro.

Kien Vasquez
Edi kung hindi ako nag-educ, di kita nakilala?


Hala! Sir, make me kalma! Hanuba! Ehhhkkk! Kenekeleg eke eh. Jusq. Matutulog na ako tapos pinapakilig pa ko nito. Ihhh! Hahahaha.

Annika De Guzman
Luh, anuba, Sir! Hahahaha.


Parang kalmado lang pero bes, grabe na 'to! Di na kaya nung puso ko. Bibigay siya besh! Enebe. Parang bigla ata akong nagka-brace. Hayup!

Kien Vasquez
May tanong ka pa? Hahaha. Speechless ka, no?


Annika De Guzman
Parang tanga, Sir! Hahahaha.


Kien Vasquez
Wag mahihiyang magtanong~


Annika De Guzman
Uulan, Sir!

Dear Sir | COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora