CHAPTER FIVE

201 28 18
                                    

Bumalik na ako sa bahay pagkatapos ng mahabang talakayan kasama sila Trisha at Tita Lanie.

Kahit ayaw ko, pipilitin kong umiwas. Ayaw kong umasa kay Sir. Alam kong inaappreciate niya lang ako as a student. Yun lang at wala nang iba pang dahilan.

Kahit siya na lang ang nakita kong dahilan para mas pagbutihan ko ang pag-aaral. Kahit pa siya na lang ang natitirang motibasyon ko para sa pag-aaral kong nanlulumo, pipilitin ko. Aalisin ko siya sa isip ko. Hindi na ako makikipag-usap sa kaniya, hindi na ako sisilay. Makakaya ko pa naman ang pag-aaral ko nang wala siya, diba? Nakaya ko nga dati eh.

Kinuha ko ang cellphone ko, mag-tthank you ako kay Trisha. Papasabi ko kay Tita Lanie. She made me realize my worth.

Mas mabuti nang agapan ko 'tong nararamdaman ko habang di pa malala. Baka kasi pag bumugso na ang damdamin ko ay di ko na kayanin pang lumayo.

Annika De Guzman
Hi Trish! Thank you sa panibagong words of wisdom kay Tita! Grabe. Natauhan ako don. Haha.

Ilang segundo lang ang lumipas ay agad na nagreply si Trisha. Pano, laging hawak ang phone.

Trisha Cortillo
Youre welcome daw, sabi ni Mamshie! Hahaha. Happy to help you bes.

Hindi ko na siya nireplyan, hindi ko ugaling mag-reply sa mga hindi ko na maisipan ng rereplyan. Madalas ay like sign na nga lang ang sinesend ko pag sinasabi kong 'oo'. Nakakatamad kasi magtype.

Pagkatapos non ay nagpalipas na muna ako ng oras sa panonood ng TV, gusto kong malibang ako. Ayaw ko munang isipin ang school works, at baka maistress ako. Mamatay pa ako ng wala sa oras! Hindi ko pa nga nakikilala ang prince Charming ko, mamamatay na agad ako? :( Ang sad naman ng story ko, kung ganon.

Kumain ako ng hapunan nang mag-alas siete na ng gabi. Hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Grabe, wala akong masabi sa panahon. Nahiya ang kangaroo!

Linggo na naman bukas, tapos Monday na naman. Tangina. Walang kasawaan!

Naglilibang ako sa cellphone ko, nakahiga na ako sa kama ko kahit alas otso pa lang. Gusto ko ng dapuan ng antok. Ayaw ko namg isipin 'yon!

May lumabas na chathead galing sa expected kong person na nagchachat sa'kim gabi gabi. Kilalang kilala ko na 'to, at gusto ko nang tapusin na namin 'tong simpleng pag-uusap namin. Ayaw ko nang umasa. Hindi na ako pwedeng umasang gugustuhin niya din ako. Tama si Tita Lanie. Marupok pa ako. Hindi ko alam 'tong mundong tinatahak ko eh, maling mali.

Kien Vasquez
Annika?

Yan! Diyan. Diyan siya magaling, ang magpaasa! Tatawagin niya ako tapos sasabihin, 'wala lang'. Nakakabwisit!

Tinanggal ko na ang chat head niya. Ayaw ko siyang i-chat. Gustong gusto nang ichat ng mga daliri kong may sarili atang isipan, pero mabuti naman at nangingibabaw ang pakiramdam ng utak ko na ayaw na niya.

Kien Vasquez
Seen.

Di nagtagal ay nagmessage na ulit siya sa'kin. Sir naman, eh! Wag mo nga akong bigyan ng motibo, okay? Ayaw ko na nga! Wag mo na akong paasahin!


Annika De Guzman
Po, Sir?


Annika, kalma. Inhale, exhale. Ang sarap ng hangin, lasang Pasig River.


Hindi ako sanay! Nakakainis. Gusto kong tigilan na pero sabi ng puso ko, "may pag-asa pa, Annika! May pag-asa kayo."

Kien Vasquez
Sir? Really?



Kahit di ko siya nakikita ay nararamdaman kong sarkastiko ang dating ng mensaheng 'yon. Aish nako, Sir!



Annika De Guzman
Eh ano po ba dapat? Teacher po kayo eh.


Ayaw ko ng issue kaya hanggat maari ay titigilan ko na. I've made up my mind, iiwasan ko na siya.


Kien Vasquez
Ano ba, Annika? Ikaw ba 'tong kausap ko? Hindi ikaw 'to, Aya.

Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. Bakit ba ako naluluha? King ina. He doesnt deserve my tears!


Annika De Guzman
Ako naman po 'to, Sir. :)


Ang sakit. Hindi ko mapangalanan ang sakit pero masakit. Ngayon ko lang napagtanto na hindi na ito paghanga. Hindi na ito yung tipong crush crush lang. Pag may nararamdaman kang sakit, alam mo sa sarili mong humigit ka na don. At sa sinabi ko kanina, mukhang huli na ako para umiwas. Dahil baka hindi ko na kaya pang lumayo.


Kien Vasquez
Annika.



Kada na lang may pagkakataong ganyan, hindi niya binibigo ang puso kong maghurgamentado. At nakakainis 'yon, dahil wala akong magawa para pigilan 'yon. Gusto kong magwala. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang pinaparamdam niya sa'kin ngayon. Gusto kong iwanan na niya ako. Gusto kong tigilan na 'to.


Ayoko na.







Annika De Guzman
Bakit po ba, Sir?


Napipikon ako. Naaasar ako. Nakakainis! Nakakabwisit.


Bakit, ano bang nagawa ko, Sir, para tawagin mo 'ko ng paulit-ulit tapos sasabihin mong wala lang? Alam mo ba kung gaano kataas ang kumpyansa kos a sarili na baka may sabihin ka tungkol sa'tin? Hindi mo 'yon alam, Sir. Kaya sana tama na.



If you dont like me, make me feel unwanted. Make me feel unspecial. Because if you're not going to catch me as I fall, then it's better to be left hanging alone, and fall slowly. That would less hurt.

Kien Vasquez
I know this is not right but as time goes by, i dont know why, this feeling inside me starts to collide.


Hindi ko alam kung kumakanta siya sa mga sinasabi niya. Napatahan ako sa tahimik kong pag-iyak. Hinihintay ang mga susunod na sasabihin niya. Nananabik, nanginginiga ng kalamnan ko. Kinikilig nga siguro ako. Tama pa bang kiligin ako sa sitwasyon kong 'to?


Kien Vasquez
Annika. Hindi ko alam kung kailan nagstart, wala akong idea. I just feel this strange feeling everyday when I chat with you. Iba eh. Iba ang epekto ng isang Annika De Guzman sa isang tulad kong Student Teacher lang. Alam kong mali ito, pero sana pagbigyan mo. Na ang pag-ibig at paghanga ko'y hindi magbabago. Sana tanggapin mo ako, buong buo. Tanggapin mo ng buong puso at buong pagkatao. Wala kang ititira, wala kang tatanggalin. Gusto kita, Annika, at hayaan mong puso mo naman ang aking bihagin.

Natuyo ang mga luhang nagsisipagdaluyan sa mga pisngi ko kanina. Napalitan ng tears of joy. Sobrang tuwa. Labis na kaligayahan ang naramdaman ko. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mapangalanan, bagkus alam kong hindi pa rin ito nararapat.


Napaisip ako. It's okay to break the rules sometimes, right?

Annika De Guzman
Sir, I like you too.


------------

A/N:

Dear Sir is composed of 10 chapters ONLY. Nakita niyo naman siguro yung category diba. Hakhak. Enjoy reading! Please dont forget to vote, comment, follow, and spread the story. Kamsaranghae, readers.

-justrishh-




Dear Sir | COMPLETEDWhere stories live. Discover now