!!SPECIAL CHAPTER!!

248 15 13
                                    

A/n:
>> so ayun dahil maraming nagrequest, heto na ang special chapterrr! Haha. Binitin ko kase eh.

Play nyo 'yong media, para mas dama.




3 years later..

"Again, congratulations, Batch 2017-2018 Senior High Graduates!" pagkatapos sabihin 'yon ng principal namin ay abot langit ang ngiti ko at hindi makapaniwala dahil sa wakas, tapos na ang highschool life ko.

Bumaba ako ng stage matapos ang picture taking at nakihalubilo kina Kyline, Trisha, Kyle, at iba ko pang mga kaklase.

Niyakap nila ako na nakapagpalungkot naman sa loob ko. Tapos na ako sa highschool. Masaya pero at the same time, nakakalungkot. Parang pag college ka na, hindi ka na makakapagwalwal, o makapagsaya dahil puro stress na. Kung dito, baby thesis lang ang meron, sa college, grandma thesis na.

Hindi ko namalayang may mainit na likidong dumaloy sa mga pisngi ko. Shit! Luha ko pala 'yon. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako dahil sigurado akong mamimiss ko ang highschool life.

Napabuntong hininga akong kumalas sa yakap nila at nagpaalam. "Guys, wait lang."

Tumango naman sila at pinuntahan ko ang parents ko. Ang mga ngiti nilang tuwang tuwa na akala mo'y nakapagtapos ako ng kolehiyo ang bumungad sa'kin.

Sinalubong nila ako ng yakap at halik. May binigay pa silang sobre na hindi ko pa nabubuksan, pero siguradong pera ang laman no'n. Pagkatapos, si Ate naman ang yumakap sa'kin.

"Tapos ka na ng highschool. Pwede ka nang lumandi. Magpaalam ka lang kina Mama." natatawang bulong niya sa'kin habang hinahaplos ang buhok ko.

Naiyak ako. Hindi ko alam kung pang-ilang butil na ng luha ko 'tong dumaloy sa pisngi ko, basta iisa lang ang alam ko. Tears of joy siguro 'to.

"Annika!" tawag sa'kin ni Kyline, sinesenyasan niya akong lumapit sa kanila. "Halika!" basa ko sa mga labi niya.

Nakiusap ako kay Mama, Papa at Ate na pupunta ulit ako sa mga kaibigan ko. Pumayag naman sila at agad akong dumako sa kinalalagyan nila Kyline.

Hinila ako ni Kyline patungo sa garden ng school namin. Pagkatapos ng tatlong taon ay may tambayan na din ang mga estudyante dito sa school, dati kasi ay nagtyatyaga kami sa canteen.

Nang makalagpas na kami sa entrance ng garden, kaunti na lang ang ilaw kaya kinakapa ko na lang ang mga tinatapakan ko. Baka mamaya ay makatapak ako ng tae, yuck! Graduation day ngayon, kaya huwag nang sirain.

"Saan ba kasi tayo pupunta, Kyline? Bakit kailangan dito pa?" lumilingon ako sa paligid pero wala talaga akong makita. Kung meron man, ilaw lang na galing sa poste dito  at galing sa labas.

Hindi niya ako sinasagot hanggang sa huminto kami. Kaagad na may tumugtog na gitara. May nag-sstrum! Kaagad na tumibok ang puso ko.

"Bakit pa kailangang magbihis? Sayang din naman ang porma. Lagi lang namang may sisingit, sa twing tayo'y magkasama."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Kasabay ng pag ihip ng hangin, ng paghuni ng ibon, ng pag tugtog nya sa gitarang hawak niya ay ang pagtibok ng naghuhurgamentado kong puso.

"Bakit pa kelangan ang rosas? Kung marami namang nag-aalay sayo? Uupo na lang at aawit, maghihintay ng pagkakataon."

Lumabas siya sa dilim. Doon na bumagsak ang luha kong kanina pa gustong kumawala. Sobra sobra na ang tuwa ko, huwag niya na sanang dagdagan pa.

"Hahayaan na lang silang, Magkandarapa na manligaw sayo. Idadaan na lang kita sa awitin kong ito."

Ngumiti siya habang nagpapacute. Effortless. Nahihiya pa ang loko!

Dear Sir | COMPLETEDWhere stories live. Discover now