CHAPTER TEN: THE END

243 18 16
                                    

"Kami na." Pagbabalita ko kay Kyline sa telepono. Gusto niya daw kasing magkwento ako kaya't hayan, di siya makapaghintay eh.

"Oh my-what the-tangina!" Ekspresyon niya. "Oh my goood!!!! I swear I am your number one fan, promise!" Kung kasama ko siya ngayon ay baka hinahampas ako non at the moment. Hahah. "Grabe, Annika! Dalaga ka na!"

"Siraulo mo. Hahahahaha"

Nag-usap pa kami tungkol sa ginawang proposal sa'kin ni Kien. Nagkwento ako sa kaniya sa lahat ng mga ginawa namin kahapon. Pagkatapos naming mag-aminan ay gumala pa kami at nilibre niya ako. Ganon, parang date lang.

Hindi nagtagal ang pag-uusap namin ni Kyline nang biglang pumasok sa isip ko si Trisha. Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Sa lahat kasi ng kaibigan ko ay si Kyline lang talaga ang nakakaalam kung ano ang namamagitan samin ni Kien. Hindi ako nagkakamaling sabihin 'yon sa iba dahil una sa lahat, hindi pa talaga ako pwedeng mag-jowa. Pangalawa, ayaw kong mabisto ang ng Ate at Mama ko, baka mamaya ay itakwil nila ako. Pang huli, kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko, na hindi naman kami pwede dahil estudyante ako at teacher siya. Parang hindi magandang tignan.

Hindi ko na lang iyon inisip dahil baka ma-stress ako. Isang araw pa lang nagiging kami ay baka putulin ko na ang ugnayan namin dahil sa kakaisip ng mga bagay na ganon.

James Cortez
Uy, Annika!

Pagkaopen ko ng messenger account ko ay si James lang ang lalaking nagmessage sa'kin. Medyo nalaglag ang balikat ko. Akala ko pa naman siya ang unang babati sa'kin ng good morning dahil kami na. Akala ko may mga long sweet message siya pagkagising ko sa umaga.

Annika De Guzman
Uy, James. Napachat ka?

Tinignan ko ang chatbox namin. Active 8hrs ago. Napahimbing siguro ang tulog niya. Napapanaginipan niya siguro ako, no? Hahahaha. Ang lakas mo mangarap, Annika.

Ako na lang ang maglolong message sa kaniya.

Annika De Guzman
Goood morning, sunshine!! Bangon na diyan, may pasok pa tayo! Akala mo siguro summer na, no? Hahaha. Ingat ka palagi, love you.

Dati rati ay ako ang na-cocornyhan sa mga ganito pero ngayon ako na ang gumagawa. Iba talaga ang nagagawa ng relasyon.

James Cortez
So kailan tayo kakain? :)

Talagang gusto niyang kumain kami ah? Nako. Kung hindi lang 'to may gusto kay Charmaine na kaklase din namin, iisipin ko may gusto sa'kin 'to.

Annika De Guzman
Sige, bukas. Para last day. Haha
Tayong dalawa lang?

Natatakot ako baka mamaya magalit sa'kin si Kien dahil nakikipagdate pa ako dito sa lalaking pinagseselosan niya. Sana kasama si Kyline if ever mang matuloy 'tong pinaplano niya.

James Cortez
May dapat pa ba tayong isama?

Holy shit! So kaming dalawa lang talaga? Hindi pwede! Magseselos si Kien niyan eh. Wait. Manghingi kaya ako ng permiso? Sigurado naman akong papayagan niya ako, maliban na lang kung hindi siya good mood.

Sineen ko muna si James dahil hindi pa naman ako sigurado sa irereply ko.

Pagkaexit ko sa chatbox namin ni James, may isang hindi pamilyar na chathead ang bumungad sa'kin.

Henry  Suarez
Hi Annika.

What the hell? Ganon na ba talaga ako ka-ganda at maraming nagha-hi sa'kin?

Dear Sir | COMPLETEDWhere stories live. Discover now