CHAPTER SIX

200 22 16
                                    

It's not always bad to break the rules.

Yan ang unang pumapasok sa isip ko kapag naalala ko ang ginawa kong pag-amin kay Sir. Wala namang bahid ng pagkakamali 'tong ginagawa ko diba?

Hindi ko naman kasalanan na magkagustuhan kami. At hindi ko naman kasalanan kung maganda ako. Wala namang masama kung ipagpapatuloy ko 'to.

Siguro?

Pumara ako ng tricycle dahil Lunes ulit ngayon. Hindi pa ako handang makita siya. Nahihiya ako! Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya. Nakakahiya.

Sa isang side ng konsensya ko ay sinasabing tama lang ang ginawa ko. Tama, siguro, dahil wala na akong tinatago. Malaya na ako. Tinatagong feelings sa kaniya. Pero tinatagong bagay bagay? Hindi. Wala akong balak sabihin sa kanila.

Sa kabilang side ay doon ako pinupush ng bongga nitong konsensya ko na, mali ito. Hindi magandang ehemplo. Hindi siya huwarang teacher, sa paningin nila, dahil pati estudyante nito ay pinapatos niya. Hindi eh, mali.

Narating ko ang school, pagod, laglag ang balikat. Puyat. Bangag. Hirap. Gusto nang sumuko pero dahil nanjan siya, fighting!

"Hoy, Annika. Ang taray mo ah, tinulugan mo ako kagabi!" Maagang panenermon naman ni Kyline ang bumungad sa napakasakim na umaga ko. "Mag kwento ka!" Utos niya.

Oo, si Kyline lang ang nakakaalam na nag-aminan kami ni Sir. Paano, hindi ko alam kung saan o kanino ako maglalabas ng tuwa, eh siya yung una kong nakitang online, kaya, ayon.

"Puyat ako." Sabi ko, nanlaki naman ang mga mata niya. Maya maya naman nanlilisik na iyon sa paligid, pinagmamasdan kung may makaririnig ba sa amin pagkatapos ay lumapit siya sa'kin.

"Pinuyat ka niya?" Tanong niya. "Naka-ilang rounds ba kayo?" Ako naman ang nalaglag ang panga sa ka-oa-han niya!

"Siraulo mo!" At humagalpak siya sa tawa. Okay, medyo sabog nga siya. Err, should I say, ako pala ang sabog.

"TARA, puntahan natin siya!" Pagyayaya ni Kyline nang mismong recess na. Breaktime na kaya panigurado, nandun na yon sa table niya. Eh! Ayoko. Nahihiya ako. Alam niyo namang shytype ako eh. Di lang talaga halata. "Luh! Pabebe oh! Tara na!" Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya.

"Hi Sir!" Nagulat ako kay Kyline, nang lingunin ko ang sinabihan niya, wala naman! Hmp. Paasa. "Oy, umasa!" Hindi. Hindi talaga ako umasa eh, lumingon pa nga ako. Hanep!

"Ayos kasi, Kyline! Na-ppressure ako! Wala akong mukhang ihaharap, ano ba!" Saad ko. Bumili na lang kami ng pagkain namin saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pabalik na kami sa room, napadaan kami sa room nung crush ko dati na grade 7. Si Terrence. Yung classmate ni Shane na tinuturuan ni Kien? Oo. Doon kami napadaan. At since after recess nila ang Filipino, kung saan iyon ang tinuturo ni Kien, nandon siya. May inaasikasomg something sa laptop.

Shala. Sipag naman po pala this ST. Hahahaha.

Wala pa namang bell, bakit nandyan agad siya? Tsk. Grabe, ang sipag talaga! Determinadong gumraduate. Hahahaha.

"Beshie! Ayon siya oh! Nako, luh! Pumapalakpak singit niyan oh, nako!" Sigaw ni Kyline na pagkalakas lakas, yung abot hanggang building. Mahahalata mo talagang nagpapapansin eh.

"Ang ingay mo!" Sigaw ko rin. Nakisabay ako sa kaniya, hindi pa naman sila nag-kaklase. Ang aga pa naman kasi! "Mahalata tayo niyan eh." Kahit mahinhin ang boses ko, kaya ko naman itong lakasan. At pag nilakasan ko, sigurado namang rinig ito sa loob ng room.

Sana lumingon!

Sinadya naming bagalan ang lakad, o fi kaya'y huminto talaga kami mismo sa tapat ng room. Para naman may silay ako, tapos sinagad ko na ang silay ko, bes.

"Uy!" Bumungad sa tabi ko si Shane. "Ate Annika, ikaw pala!" Alam niya na may crush ako kay Sir Kien, pero hindi niya alam ang tunay na namamagitan samin. Alam kong sinadya niya ring lakasan ang boses niya para marinig ni Kien.

Napalingon ako sa gawi ni Kien. Wala sa laptop ang atensyon niya kundi---bes! NASA AKIN? Wow. Ang haba naman ng hair ko! Wait lang, suklayin ko lang.

Napangisi siya. Yung nakaka-attract na ngisi! Jusq! Nabibihag ako ng ngiti nitong lalaking 'to!

Last time na ngumiti siya sa'kin sa personal ay, kung hindi ako nagkakamali, nong nasa lib ako! Yung first time na nakita niya ako? Oo, doon nga! Omygosh! Kilig ako.

"Okay ka lang, Ate Annika? Sabog ka?" Sabi ni Shane na nasa harap ko pa rin. Tinignan niya rin ang gawi ni Kien, wala na sa akin ang paningin niya. "Ah, kaya naman pala." Ngumisi siya, "Silay pa!" Sigaw niya habang pumapasok sa room nila. Napalingon ulit si Kien, pero this time, ngumiti na siya. Sa akin! Oo, sa akin bes. Parang pangarap lang ang lahat ng ito. Parang nasa panaginip ko lang ako!

BUMALIK na kami sa room, nagkukumpleto na lang ng ibang notes at project. Sobrang busy na talaga. Naiiyak ako. Pero hindi ko talaga magawang sumuko. Iba talaga pag may inspirasyon, no? Dati kasi pag umiihi lang ako kinikilig eh, ngayon, ibang klaseng kilig na.

"Annika! May naghahanap sa'yo," tawag sa'kin ni Kyle, kaklase ko, habang nagsusulat ako ng lecture naming pagka-haba haba.

Tinignan ko ang pinto, wala naman si Trisha d'on, siya lang naman kasi ang tumatawag sa'kin eh.

Lumapit ako sa pinto at lumabas, lumingon sa paligid at nagtaka. Wala naman akong kakilala. Anong kalokohan na naman ba 'to, Kyle?

"Kyle! Wala naman ah!" Sigaw ko aktong papasok na sa room nang biglang may kumalabit sa'kin. Isang estudyante, halata sa height niya na grade seven pa lang siya. Inosente. Walang ka-muang muang.

"Kayo po si Annika De Guzman?" Magalang niyang tanong. Napangiti ako sa iniasta niya, magalang na bata. Tumango ako, "Ay, pinapabigay po ito ni Sir Kien." Aniya at naglabas ng isang pulang rosas.

Kumabog ang dibdib ko ng malakas. Why? Hindi naman Valentines, ah? Marso na. Ano pang silbi nito? Nakakainis. Baka may makakita, ayokong maissue. Ayoko ng gulo.

Imbis na tanggapin ay tinitigan ko lang ang batang 'yon, ng may halong simpatya at lungkot. Gusto kong tanggapin na ayaw ko. Pinapangunahan ako ng takot.

"Tatanggapin niyo ho ba?" Tanong niya ulit nang hindi ako sumagot. "Sige po, kung hindi niyo po tatangg--"

"Tatanggapin ko." Ngumiti ako ng pilit. "Amina." Inabot niya sa'kin yon at pagkatapos ay walang pag aalinlangan niya akong tinalikuran.

Tss. Inutusan pa ang mga estudyante niyang walang ka-muang muang.

Napatingin ako sa bulaklak. Rose?

(A/n: Hi BLINKS. Naalala ko lang si Rosè huhuhu 😭💕)




Red roses symbolize deep love.




Love?





He loves me?






Dear Sir | COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz