XXVI

2K 35 0
                                    

~•●●•~
Fille Cainglet

           "Gretch" mahinang tawag ko sakanya for the past weeks with her hindi ko na alam kung ano na bang dapat na maramdaman ko naguguluhan na ako, Gusto ko si Alyssa walang duda matagal ko na syang gusto pero....pero kasi si gretch pinaramdam nya yung hindi magawa ni Alyssa sakin hindi ko na alam kung ano bang nararamdaman ko

"Fille...I-I'm sorry for making things hard for you" Naramdaman ko ang sensiridad nya habang nagsasalita hindi ko mapigilan na tumingin sa kanya

Unti-unti syang lumapit sakin at napa pikit ako ng maramdaman ko ang lamig ng hangin sa mukha ko pero naramdaman kong uminit ang kanan pisngi ko

"Hush...fille, I'm really sorry"  naramdaman ko na lang na ang bigat ng pakiramdam ko naguunahang tumulo ang mga luha sa mata ko, Paano na si Alyssa pag nalaman nyang hindi na katulad dati ang pagka gusto ko sakanya? Nahihirapan na ako hirap na hirap na ako

"Ssssh...everything will be alright fille maybe not today but someday, I'm just always here....handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko sa'yo kahit ikakasira pa ng pagkakaibigan namin"  napailing ako, hindi...hindi ako ang makakasira sa magandang pagsasamahan nila

"No...you worth the risk Fille"  Sabi nito at yinakap ako ramdam ko ang higpit ng yakap nya dama ko ang pagmamahal nya

"Sabihin mo lang kung kailan ka magiging handa para sabihin sakanya"  lalo akong napaiyak sa sinabi nya ano bang meron ako at binigyan ako ng mga taong sobrang mag-mahal

~

"Fille! Ano na?"  Napatingin ako kay Dzi kinakusap pala nya ako "May iniisip lang Dzi, Ano ba ulet yun?"  Tanong ko sakanya dahil naisip ko yung huling paguusap namin ni gretch dalawang linggo na ang nakalipas mula nung nagkausap kami

"Tinatanong ko kung bakit naiwas ka kay Aly?"  Napatingin ako sa sinabi nya sinenyasan ko sya na wag maingay akala ko walang nakakahalata

"Kung iniisip mo na walang nakakahalata nagkakamali ka halos lahat tayo dito sa dorm alam yun"

"You..you mean pati si Al-Alyssa? Nanlaki ang mata ko dahil tumango sya "Lahat kami tinanong nya kung alam ba daw namin ang dahilan kung bakit parang iniiwasan mo sya?"  Napatungo ako sa narinig ko, dapat ko bang sabihin sakanya na naguguluhan ako? Na nalilito ako sa kung anong nararamdaman ko

"Come on fille, magkasama na tayo mula pagpasok natin dito sa school na'to at mas okay kung magsheshare ka ng mga iniisip mo kasi baka nakakalimutan mo na marami kaming kaibigan mo rito" Napatingin na ako sakanya this time at nakangiti lang sya na para bang sinasabi nya pagkatiwalaan ko sya

"Okay ayaw mong magsalita, Let me guess it"  Nakatingin parin ako sakanya at pilit na tinitimbang kung papayag ba ako o hindi

"It's not just about Alyssa right? It's between you and...gretch"  nagulat ako sa sinabi nya at napangiti sya ng malaki dahil siguro sa reaksyon ko "Maybe my guess is right! A is the best talaga alam nya lahat" Napakunot naman ako sa sinabi nya si A? Sya ang may alam?

Dating the Superstar (AlyDen)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora