XLI

2.7K 51 9
                                    


"Sino kaya yung singer na yon no? Trending sya kagabi e. Nakakaloko kasi parang pamilyar yung boses pero hindi ko lang matandaan kung kaninong boses" Napatingin ako kay Kim nasa isang Cafe kami na pagmamay-ari ng mga girlfriends nila and with Dennise din. 5 months passed simula nung nang galing kaming Palawan at five months narin akong nanliligaw kay Dennise.

"Ako rin parang pamilyar yung boses nya" Nakuha nila ang atensyon ko kanina pa sila may pinagkakaguluhan.

"Hoy! Ano ba yang pinag-uusapan nyo?" Bored na tanong ko sakanila at sabay-sabay silang lumingon hindi kami kumpleto nyagon dahil wala si Gretch at Kiwi sabi nila may mga date daw kaya si Kim,Vic,A and Marge lang ang kasama ko rito.

"Baldo may bagong Soundtrack kasi at ang singer ay napaka Mysterious! Hindi sya kilala ni kahit babae o lalaki hindi alam" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Vic. What? May ganun ba? Ang weird naman nun!

"Weird naman nyan" Side comment ko at bigla akong nagulat dahil humarap si Kim sakin kaya halos masapak ko na sya.

"At eto pa! Si Myx ang may hawak sakanya ang nakakapagtaka sabi ni Myx hindi pa daw nya nakikita kaya pati sya hindi alam" Kinuha ko ng Phone ni Vic dahil duon nila pinakikinggan ang soundtrack at pinakinggan ko.

"What do you think Ly? G or B?" Tumingin ako kay Marge at ngumiti.

"Girl..." I answered then kinuha ko yung kape at prenteng uminom. "You sound sure! Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Kim pero hindi ko na sinagot dahil sa babaeng pumasok sa Cafe agad akong tumayo.

"Kilala nyo si Kaye Cal? They have the same range" Sabi ko at lumapit sa may entrance.

"Welcome to Cafe Paradise!" Bungad ko sakanya at ngumiti. Tumingin sya sakin at inalis nya ang earphone nya saka humalik sa pisngi ko at hindi ko na naman maiwasan na ngumiti dahil sa ginawa nya...Sinabayan ko sya papuntang counter habang nakangiti parin ako

"Hi Ma'am Den!" Bati nang staff na nasa counter pero nginitian lang sya ni Dennise at lumapit sa control panel nila what I mean yung sound control kasi meron music sa buong cafe.

Nakakapag taka kasi hindi naman sya napunta duon pag pupunta kami rito. Ngayon nya lang ginawa yun, Pero agad din naman sya bumalik pero biglang tumugtog yung kaninang pinakikinggan ko lang sa phone ni Vic.

Unti-unti syang lumapit sakin ng nakangiti. "Don't tell me your a fan rin nyang Mysterious singer na yan?" Tanong ko sakanya agad syang ngumiti sakin at tumango. Napasimangot ako sa sagot nya...

"Where's Den?" Parehas kaming napatingin sa naghahanap sakanya si Mela pala at biglang sumilip rin si Bang. "Aly pahiram naman kay Den" Sabi ni Bang kaya nagkatinginan kami ni Dennise.

"I'll talk to you later okay?" Sabi nito kaya napatango na lang ako sa sinabi nya pero agad din naman napangiti dahil sa hinalikan nya na naman ako.

Nakangiti akong lumapit kila Vic na inasar ako pero isang tanong ang nakapag patigil sakin. "Kailan mo sya tatanungin Aly?" Nagkibit balikat ako dahil hindi ko pa alam kung kailan.

"Nako! Aly pag dyan may ibang nanligaw wala kana. Wag kang pakampante" Sabi ni Vic kaya napakunot noo ako sa sinabi nya. Wala naman akong napapansin na umaaligid kay Dennise ah.

Dating the Superstar (AlyDen)Onde histórias criam vida. Descubra agora