XL

3K 58 4
                                    

  

           Ilang araw na walang paramdam si Alyssa simula nang makauwe sila galing palawan. Kahit isang text o tawag ay hindi nito nagawa dahil natambakan ito nang gawin sa opisina nya.

"Hindi man lang ba sya magtetext besh?!" Hasik na tanong ni Den kay Ella na nagkibit balikat lang dahil miski sila na mga kaibigan nya ay walang alam dahil hindi nila ito naabutan sa umaga at kahit sa gabi pa.

"Maybe she's busy" bulong ni Den saka lumungkot ang mukha nito nang biglang may pumasok sa Shop nila na lalaki at may dalang bulaklak. "Are you Dennise Lazaro?" Tanong nito kaya agad naman lumapit si Jorella sa kaibigan nya at mula sa pwesto nila ay nakita sila ni Bang at Mela na agad-agad rin lumapit.

"Excuse me. Who are you by the way?" Tanong ni Bang agad agad kaya napatingin ang lalaki sakanya at ngumiti.

"Sorry, I'm Synjin Reyes. New secretary of Ms.Alyssa Valdez and this is for you pala" Agad naman binigay ni Syn ang bulaklak pero nagaalangan itong kunin pero naisip nyang kunin narin dahil baka mapahiya pa ito.

"If hindi ka naniniwala here's my business card. And a letter from my boss....pinapasabi nya rin na alam nya daw na hindi ka maniniwala sakin kaya gumawa sya ng letter." Sabi ni Synjin at inabot ang magandang papel kay Dennise na naglalaman ng sulat ni Alyssa.

"I need to go Ma'am Dennise at sa inyo rin po. Have a good day a head ladies" Masayang sabi nito at kinuha ang phone sabay tumalikod.

"Shoot! I'll be there in just 15 minutes" Huling rinig nila kay Synjin na mukang nagmamadali kaya napatingin si Dennise sa bulaklak at may kasama itong card kaya dali-dali nyang binasa ito.

Agad naman napangiti si Dennise na para bang walang nangyareng hindi pagpaparamdam dahil sa pag ngiti nya. "Ayuuuun! Flowers at letter lang ang katapat ng Lazaro" Pangaasar ni Mela na kinatawa ng tatlong babaeng kasama nya. "Besh, basahin mo naman ng malakas yung nasa Card nang malaman naman namin" Sabi ni Ella na halatang excited kaya agad naman napakunot ang noo ni Dennise.

"Teka lang! Bakit ko naman ipaparinig sa inyo?" Pagtataray nito pero hindi nagpatinag ang tatlo dahil dali-daling hinablot ni Ella ang Card samantalang kinuha naman ni Bang ang letter.

Ngising umupo sa bakanteng upuan sa harapan ni Dennise si Carmela at umiling ito.

"Bebe Den, hayaan mo na yang dalawang yan dahil wala ka rin magagawa" Sabi ni Mela at napasimangot na lamang si Dennise at hinayaan ang kaibigan nya.

"Yung nasa card muna ang basahin natin" Masiglang sabi ni Ella at hindi mapapigilan ngumiti dahil sa nakita nya sa card.

"Hi beautiful! I miss you already. Don't get mad at me ha? I love you!    - Your Valdez" Pag katapos nitong basahin ay nagkatinginan sila Ella at Bang dahilan para sabay silang umirit at mapatingin ang lahat sakanila.

"Besh! Ang ingay nyo" Madiin na sabi ni Den at tumingin sa mga customer at humingi ng paumanhin sa ginawang ng katabi nya.

"My turn!" Sabi ni Bang at chineck ang sulat katulad ni Ella ay napangiti agad ito.

"Valdez is chessy!" Side comment nito kaya lalong na curious ang tatlo sa nakasulat.

Dating the Superstar (AlyDen)Where stories live. Discover now