XXVII

2K 39 0
                                    

~•●●•~

Dennise Lazaro

    "Ano na besh? na contact mo na ba yung baldong yun?" Umiling ako sa tanong ni ella "Hindi ko na macontact besh nakapatay na yung phone nya" sabi ko sakanya at tumingin kay gretch na may hawak na yelo dahil sa suntok ni Alyssa katabi nya si Fille na nagaalaga sakanya hanggang ngayon walang nagtatanong samin kung anong nangyare kanina

"Can anyone say something kung anong nangyare kanina?" Tanong ko sakanila kaya na sakin ang lahat ng atensyon ngayon hindi ba sila nagaalala kay alyssa? At duon sa nasuntok sila nagaalala

Ramdam ko ang paghila sakin ni ella sa tabi ko pero hindi ako magpapagil nakapag tanong na ako nasimulan ko na kaya dapat sagutin ng tatlo ang nangyare kanina

"Dzi? Ano wala kang sasabihin?" tanong ko sakanya pero nilayo nya lang ang tingin nya "Gretch? Fille? Ano bang nangyare? Nagmumuka kaming ewan dito na nagiisip kung anong nangyayare" sermon ko sakanila pero wala parin nagsalita hindi ko na kaya to

"Guys ano? Ganun na lang? Wala bang magaalala dyan para kay alyssa? Puro na lang ba kay gretch? Nasuntok lang yan" Sabi ko sakanila at tumayo si fille halatang nainis sa sinabi ko eto naman gusto ko magsalita sya sorry pero kailangan kong malaman kung anong dahilan kung bakit naiyak kanina si Aly

"Wala kang alam kaya pwede ba wag kang makialam sa nangyayare" nagpintig ang tenga ko sa narinig ko

"Oo fille, maybe wala akong alam at pakialam sa away nyo pero si Alyssa! Nakita mo ba sya? Nakita nyo ba kung paano sya umiyak? Alam ko nasaktan sya hindi naman ako tanga para hindi malaman yun fille! " Sigaw ko sakanya pero natahimik sya sa sinabi ko

"Besh tama na yan" Awat sakin ni Ella pero umiling ako"Hindi! Ells! Nagaalala tayong lahat sa nasuntok lang paano si Alyssa baka may mangyareng masama sa kanya"

"Den tama na'to wala kang alam" napatingin ako kay gretch na nakayakap kay fille

"Yun na nga e! Wala akong alam kaya ipaalam nyo! Hindi yung ganto tayo dito" sigaw ko sakanilang dalawa iyak lang ng iyak si fille "Come on Fille and Gretch, ano bang meron?" Tanong ko sakanila

"Gusto mo talagang malaman? Gusto nyong malaman? Sige!" Pinigil sya ni fille pero umiling si gretch "No fille, kailangan na nilang malaman wala ng rason para itago pa ito......Mahal ko si Fille" nagulat ang iba sa sinabi nya pero hindi na ako nagulat. Alam ko yun hindi naman ako manhind para hindi makita na mahal nya si Fille kung paano nya tignan si Fille kapag kausap sya ni Aly kasi.....kasi ganun ko rin tignan si Aly "At ano? Mahal mo rin sya fille? Ginago mo lang si Aly? Ha-ha-ha" tanong ko sa babaeng yakap nya pero lalong humugpit ang yakap nya kay gretch at umiyak pa lalo, Ayokong masaktan sya pero si Alyssa! Si Alyssa ang nasasaktan ng sobra ngayon

"Oo diba? Tangina naman gretch wala akong karapatan para sabihin ito pero sana naman pinigilan mo alam kong ikaw ang unang nagmahal kay fille hindi mo rin naman sinasadya na maramdaman yun pero sana, sana naman umiwas ka kasi kaibigan mo yun" Naiiyak na sabi ko sakanya walang nakapag salita sakanila miski ang nakikinig samin

Dating the Superstar (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon