L

2.8K 55 2
                                    

      "Excuse me" Ngiting sabi ko sa kanya. Agad naman itong ngumiti at nagtanong kung anong kailangan ko.

"Nandyan ba si Aly?" Tanong ko sakanya.

"Ay ma'am Dennise hindi po pumasok si ma'am Aly." Ngiti ang iginawad ko sakanya at nagpasalamat agad akong umalis at tinawagan sya pero hindi ko ma-contact. Valdez! Pag-ikaw nakita ko kahapon ka pa walang paramdam! Nang makarating ako sa parking lot ay nagdrive ako papunta sa bahay nila ay sa shop na lang pala muna namin.

Pumasok ako sa loob nang Paradise at sumalubong sakin si Bang na nasa counter."Hi Den! Anong ginagawa mo dito? Hindi mo sched nang pagcheck nang mga stock ah." Tanong nito.

"Is Aly here?" Tanong ko at binalewala ko ang tanong nya."Ha? Wala. Si Gretch and Kiwi ang dumalaw ngayon dahil maluwag ang sched nila." Tumango ako sa sinabi nya pero narinig kong tinawag nya ako ulit.

"Pero tumawag sya kanina. Remember sya dapat ang magasikaso sa ipapatayong another branch" Imbis na matuwa ko sa sinabi nya ay lalo akong nainis kasi nagawa nyang tumawag dito pero sakin? Hindi!

"Hulaan ko? Hindi nagpaparamdam?" Agad akong tumango sa sinabi nya at tinawanan nya ako na agad kong pinagtaka. "Ang tagal nyo na pero clingy ka parin pero sabagay hindi kita masisi. Sexy,Tall,Dark ofcourse Handsome! Plus mayaman na singer pa. Oh diba?" Sabi nito at natawa pa hindi nya alam naiinis parin ako.

"Easy lang girl ha. Sige na try mo sa isang branch natin baka nandun sya pagwala sa bahay pero pag wala parin sa site ha. Mag-iingat." Napangiti ako sa sinabi nya at lumapit sya sakin at nagbeso. Agad akong dumaan sa isang branch namin pero si FilleChen at Fatunay lang ang nandun at hindi rin alam ng dalawa kung nasaan yung Valdez na yun!

Next stop sa bahay buti malapit lang. Ilang years na ba? 4 years nakatatlong branch na kami pang apat na yung ginagawa ngayon at sa apat na taon? Nagpakasal na si Kimmang at Mela at si Ella at Kiwi then after that si Gretch at Fille tapos si A at si Dzi.

"Valdez!" Sigaw ko at sabay bukas ng kwarto nya pero tanging katahimikan. Kunti na lang! Kunti na lang masasaktan ko na sya pag nakita ko yun! Buong araw hindi magpaparamdam?! Yun yung balak nya?! Kainis! Padabog akong sumakay ulet ng sasakyan at pumunta sa site.

"Hi Ms.Dennise!" Bati ng mga nag-gagawa sa site. Agad akong lumapit kay Mika dahil sya ang engineer nitong branch nato.

"Hi Miks!" Bati ko sakanya medyo nagulat pa kaya napangiti ako.

"Oh Dennise! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin. So ibigsabihin ba nito wala si Alyssa?

"Medyo kanina pa nakaalis si Baldo. May importante daw syang gagawin" Nalungkot na ako sa narinig ko sakanya kaya napaupo na lang sa upuan. "Are you free for dinner? Let's eat" Yaya ko sakanya dahil mag 7 narin matagal ang nabiyahe ko dahil sa trapik.

"Yeah sure. Tara?" Napaangat ang tingin ko sakanya dahil sa tanong nya. Gusto ko sanang kasama si Alyssa pero wala sya kaya kasalanan nya kung may iba man na magaya sakin at pumayag ako dahil buong araw ko syang hinanap pero ni anino nya hindi ko makita-kita pero sa iba? Nakakaya nyang mag-update o kahit makipag kita sakin? Wala! Kakainis kaya agad akong tumayo at ngumiti kay Mika.

"Iwan na lang natin dito yung kotse mo?" Tanong ni Mika kaya napaisip ako.

"I'll call our driver na lang para pakuha dito yan. Tara na alam kong matagal ang biyahe pauwe rush hour pa" Sabi ko sakanya at hinila sya. Bahala na si Valdez! Pababayaan ko na sya.

"Take a nap if your sleepy and I bet youre tired kakahanap sa princess charming mo" Napailing na lang ako at pumikit. Tama naman sya pagod ako kakahanap sa Valdez na yun!



























Dating the Superstar (AlyDen)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant