Chapter 16: Advil

355 22 2
                                    

Lumipas ang araw ng linggo na puro naman pambabatikos ang natatanggap namin sa mga social media accounts namin. Maging sa Twitter and IG. Pinipilit parin ng mga tao na dapat ko daw panagutan yung dinadala ni Jamilla. Tss! Jamilla my ass!

Maging si Beam ay hindi nakatakas. Nakakahiya daw siya. Baklang pinipilit ang sarili sa taong hindi naman sa kanya. Bakit ba napaka bobo ng mga keyboard warriors sa mga social media? Mga bobo tanga't kalahati. Minsan nalang talaga naiisip kong maging ipis nalang kaysa maging tao.

May make up class kami today sa PCol (Pharmacology). Inaasahan kong papasok ngayon si Jamilla dahil makapal naman ang mukha niya. Kayang kaya niyang harapin yung kahihiyan na ginawa niya.

Ilang minuto na ang lumipas, wala parin si Mam Mercado at si Jamilla. Late na yung prof., late pa yung hitad.

Maya maya din ay dumating na si Mam Mercado.

"Mr. Felaez and Mr. Jordan. Bumaba kayo sa DSA. Ngayon na." anunsyo ni Mam. Tumayo naman kami agad ni Beam. Nagtungo na kami sa DSA. Mukhang alam ko na kung bakit kami pinapatawag sa DSA.

Pumasok na kami sa DSA office. Nakaupo na sa sofa si Jamilla at mukhang kaming dalawa naman ni Beam ang hinihintay nila. May isa pa palang extra! Yung bacteria na admin ng page kung saan pinost ang picture namin ni Jamilla. Di ko alam ang pangalan niya kaya itago nalang natin siya sa ngalang 'Streptococcus'. Naupo na kami ni Beam. Masama ang tingin ni Beam sa dalawa. Gusto niya nang manampal pero hindi niya magagawa.

"Ano yung issue na nakabuntis ka daw Forth?" tanong ni Sir Sherwin. Close kami nito ni sir. Officer kasi si Beam ng student council at tsaka bakla po si Sir Sherwin. Malandi si sir sa mga boys pero behave naman si sir.

"Hindi po totoo yun sir. Malay ko ba sa babaeng yan kung anong gusto niyang palabasin." sagot ko.

"At tsaka sir She, alam niyo namang hindi kami naghihiwalay nitong si Beam. Paano naman kaya mangyayari na makakabuntis ako diba?" dagdag ko pa.

"Oh! Hindi naman daw totoo. Tsaka ang pagkakaalam ko, hindi talaga napaghihiwalay iyang dalawa na yan." sabi ni Sir Sherwin kay Jamilla.

"Pero sir! Totoo pong si Forth talaga ang ama nitong dinadala ng kaibigan ko. Ako po yung naging lookout nila noong ginawa po nila yun. Sa CR pa nga po sa Fifth floor nila ginawa eh." sabat ni Streptococcus.

"Iba ka rin talaga eh no? Kelan naman nangyari yan? Noong Friday ba? Yung araw na absent ako? Bakit parang planado niyo naman ata ang mga nangyayari? At tsaka, wala kaming laboratory class ng Friday. Bakit aakyat si Forth sa 5th floor?!" si Beam. Ayan na yung mukha niyang malapit nang manampal.

"Oo! Yun nga! Noong Friday nga! Tapos sabado nag PT (Pregnancy Test) ako. Positive yung resulta! Si Forth lang naman yung huli kong nakasex. Siya lang matapos ang regla ko last month. Sa 5th floor namin ginawa yun kasi wala masyadong gumagamit ng CR dun!" paliwanag ni Jamilla.

"Ahhh! Pwede mo bang idescribe sa akin yung itsura ng alaga ni Forth?" mapanghamon na tanong ni Beam. Nakakahiya man pero may point si Beam. Nakita niya na ang kabuuan ng pagkalalaki ko.

"Hindi kalakihan yung alaga niya..."

"Oh! Una palang maling mali ka na! Sige proceed." Pinutol ni Beam yung sinasabi ni Jamilla. Hahahahaha! Huli na siya agad sa kasinungalingan niya! Nakikinig lang sa amin si Sir Sherwin.

"Mataba... bakit ba kailangan ko pang sagutin yan? Si Forth nga ang ama nito!"

"Sabihin mo pa nga lang na hindi kalakihan tapos biglang mataba mali ka na! Paano mo nasabing si Forth nga ang ama ng batang yan?!"

"Okay! Tama na yan! Ganito nalang. Lumayo muna kayo sa isa't isa. Kayong dalawa, lumayo muna kayo kina Forth at Beam. Ipaparating ko muna to sa Admin Office. Pwede na kayong umalis." sabi ni Sir Sherwin.

"Teka sir! Hindi naman po pwede yun! Kailangan isettle to right here, right now! Di ko hahayaang sumaya yang baklang yan!" angal ni Streptococcus.

"Oh! Edi lumabas din ang totoo! Gumaganti kayo sa akin dahil binigyan ko kayo ng sanction dati?! Tama ba naman kasi ang magyosi sa tapat ng school diba?!" sigaw ni Beam. Kung ako kay sir Sherwin, bibigyan ko ng privilege si Beam para sampalin itong dalawa. Kung may pamamaga, may Advil naman para hindi naman sila kawawa.

"Okay! Kayong dalawang babae, nonsense na tong ginagawa niyo! Get out of my office!" sigaw ni sir Sherwin.

Nang tumayo si Jamilla at tumalikod sa amin, napansin namin na may tagos siya.

"Jamilla! Bakit may tagos ka? Di ba buntis ka?" tanong ni Beam.

"Ha? Oh my god! Ang baby ko!" pagdadrama ni Jamilla. Grabe! Nakakaawa siya.

Agad siyang itinayo ni Streptococcus. Tumayo na din si sir Sherwin para tumulong.

"Tara na sa hospital! Kayong dalawa, bumalik muna kayo sa klase niyo." sabi ni Sir Sherwin.

"Grabe! Napaka drama queen niya talaga! Sana lang, fake yung pagbubuntis niya! Para ipapabuntis ko siya sa aso!" singhal ni Beam.

"Kumalma ka na muna. Bumalik na muna tayo sa room ngayon."

Bumalik na kami ni Beam sa room. Sinigurado ni Beam na nailock niya ang office ni sir Sherwin. Binale wala nalang namin ang mga nangyari. Nakinig nalang kami sa lecture hanggang sa maglunch break na.

●●●

"Forth tsaka Beam! Sama kayo sa akin." dumungaw si Sir Sherwin sa pinto. Nasa laboratory kami ngayon pero wala pa si Sir Bacud.

Naghubad kami ng lab gown ni Beam at sumunod na kay Sir Sherwin. Hindi kami pumunta sa office niya. Sa halip ay pumunta kami sa hospital. Sa third floor kung nasaan ang office ng company. Group of companies kasi ang pagmamayari ng kung sino mang mayari nitong hospital at school.

Hindi rin biro ang magpayaman ng ganito. Mayroon kang limang branch ng privately owned na school. At partners mo pa ang ilan sa mga pangunahing kumpanya sa Pilipinas. Bilib ako sa nagdevelop ng company na ito.

Pinapasok kami ni sir Sherwin sa isang opisina. May nakalagay na pangalan sa plate na nakapatong sa table. Jaime Caseda. President. CEO. Tatay siguro ni Jamilla.

Nakatalikod siya sa amin habang nakaupo. Bumati kami ng good afternoon sa kanya. Pinaikot niya ang upuan at lumingon sa aming dalawa ni Beam.

"So, kayong dalawa pala ang dahilan kung bakit nasa ospital ngayon ang anak ko?" sabi na nga ba. Dahil estudyante kami ng school niya, mukhang 'It's the world against us' at hindi 'Us against the world'.

"Ikaw ba si Forth?" tanong ni sir Jaime.

"Opo sir."

"Bakit hindi mo kayang panindigan ang pinagbubuntis ng anak ko?!" bumulyaw na sa akin si sir Jaime.

"Sir! Hindi po totoo yung binibintang niya sa akin!"

"Alam kong ganyan ang isasagot mo sa akin! Panindigan mo ang anak ko, or else! Magiging miserable ang buhay mo at pagsisisihan mo na nagaral ka pa sa school ko!"

Nabigla ako sa sinabi ni sir Jaime. Kung gagawin ko yung gusto niya, paano na kami ni Beam?!

"Hindi mangyayari yan Jaime. Hindi mo yan gagawin sa anak ko."

●●●

Vocabulary!!!

Advil - Generic name: Ibuprofen. Anti inflammatory. Antipyretic. Analgesic. Isa itong NSAID or Non Steroidal Anti Inflammatory Drug.

I Am Addicted (ForthBeam FanFiction-Tagalog)Where stories live. Discover now